ONE YEAR LATER...
"Ella, nasaan na ba si Neil? Hindi ba siya darating? Aba, birthday mo ngayon. Hindi pwedeng wala ang nobyo mo. Ipapataga ko siya sa tatay mo kapag wala na naman siya dito," nag-aalalalang sabi ng nanay niya.
Nasa probinsiya siya ngayon dahil birthday niya. Talagang doon siya nagsi-celebrate ng birthday niya kada taon. Last year and the year before that ay hindi nakapunta si Neil. Nasa Canada kasi ito nang mga panahong iyon. Kaya labis na inaasahan ng mga magulang at kamag-anak niya na pupunta ito sa araw na iyon upang i-celebrate ang birthday niya.
"Hayaan na ninyo siya 'Nay. Kung hindi man siya makakarating ay baka busy lang yon sa trabaho. Intindihin na lang natin siya," sagot niya.
Makahulugang ngumiti ang nanay niya. "Talagang may nagbago sa iyo, anak. Mula nang naging kayo uli ni Neil ay nag-iba ka na. Hindi na ikaw ang dating possessive sa kanya. Mapagbigay ka na ngayon. Kaya siguro bumalik sa iyo si Neil," anito.
Kunut-noong hinarap niya ito. "Ganoon ba ako dati, Nay? Sinasakal ko ba si Neil dati?"
"Eh, parang ganun nga, Ella. Dati, hindi lang siya makatawag o makatext ay nakikipag-away ka na. Parang katapusan na ng mundo mo. Pero ngayon, mas gusto ko ang bagong ikaw. Mas mature at mas marunong umintindi," sagot naman nito.
Hindi na lang siya kumibo. Nakangiting ipinagpatuloy na lamang niya ang pagluluto ng spaghetti na siyang specialty niya. Paborito iyon ni Neil. At least kapag dumating man ito ay may maipagmamalaki siyang luto rito. Kung hindi man ito makakadalo sa kaarawan niya, masaya pa rin siya dahil kasama niya ang pamilya at kamag-anak niya.
Somehow alam niyang may kinalaman ang nangyari sa kanila ni Chase noon sa mga pagbabagong napapansin ng nanay niya.
Speaking of Chase, hindi na sila nito nagkitang muli. Dumating siya sa puntong umasa siya na sana ay lapitan siya nito. O kaya ay dalawin habang nagbabakasyon siya sa probinsiya nila. Alam niyang alam nito kung nasaan siya. Pero hindi nito ginawa. Hindi na ito nagpakitang muli. Hanggang sa mapagod na siyang umasa at hinayaan na lamang ito. Baka bumalik na ito sa bundok at itinuloy ang pagiging ermitanyo nito.
Taliwas sa inaakala niya, hindi talaga niya kayang burahin sa isip ang mga alaala nila ni Chase. Ngunit ngayon alam na niyang hanggang doon na lamang iyon. Hanggang ala-ala na lamang ang lahat. At least ngayon ay wala nang pait sa puso niya kapag naiisip niya ito.
Dapat lang naman na hindi na siya maapektuhan dito. May Reisha na ito ay may Neil na rin siya. May kanya-kanya na silang buhay. Maaari ngang dumaan lang ito sa buhay niya upang pagtibayin pa lalo ang pagsasama nila ni Neil.
Somehow, kuntento na rin siya sa piling ni Neil ngayon. Lahat naman ng hinihiling niya ay pinagbibigyan nito. Kaya hindi siya nagsisisi na binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon. Ganoon nga siguro sa pag-ibig. Minsan, panalo at minsan naman ay talo. Ang mahalaga lang ay may isang taong dumamay sa kanya noong panahong siya ay talunan.
Hindi niya masasabing tuluyan na nga niyang ibinigay ang lahat-lahat kay Neil. May bahagi pa rin sa puso niya ang nananatili sa nakaraan. Deep inside her, something was still missing. It was like a part of her soul just vanished and she had no idea where to find it even if she would try.
Nakapagtatakang sa sandaling panahon na naging bahagi si Chase sa buhay niya ay tila ito pa ang may pinakamalaking impact sa pagkatao niya. He made her believe in the impossible. He taught her that magic still exists. Because of him, she had learned to appreciate the beauty of the world around her.
"Oy, Ella! Andito na si Neil mo," boses iyon ng tatay niya mula sa balkonahe ng bahay nila.
Naiiling na napangiti na lamang siya. Mukhang mas excited pa ito sa pagdating ni Neil kaysa sa kanya. Nang magkaayos sila ni Neil ay nagkasundo na uli ang mga ito. Natatandaan pa niya dati na sinabi nitong tatagain nito si Neil dahil pinaiyak siya nito. Masaya siya dahil mukhang tanggap na uli ng mga magulan niya si Neil.
BINABASA MO ANG
Stuck On You [COMPLETE]
Literatura Feminina"It's only been a week since I saw you last Yet part of me was stuck in that moment That final embrace before you turned and left And I was never the same again..." === Sabi nila minsan lang darating sa buhay mo ang t...