A/N: Ayiiieeee! Finally! Happy Ending! ^_^
Sa lahat ng mga nag-vote at nag-comment, mga na-apektuhan at na-carried away mula sa simula hanggang wakas ng kwentong ito, I thank you from the bottom of my heart and all my laman loobs. nyahaha!
Kapag na-approve ito na maging libro, asahan ninyong babatiin ko kayo. Thank you sa mga sumusunod: aqcyhennie, mareng pinknose_angel, yvainne_25, AileenJoySalonga, KRISTIINapay, toinks023, juanittaaalalala, jebebs, shehelbao, SuperShee, hEavEnLy_cUte, MahLove, theDuckling, Ikaythesimplehuman, AkoSiJenx, mary_ann19, Eunice_25 and of course, sa totoong Ella, Marife Garces.
Hopefully, book 1 and 2 ito kapag approved na. Sana abangan niyo pa rin kung sakali. ^_^
Again, first drafts are really messy. So pasensiya na sa mga unexplained at unjustified events sa kwentong ito and for the disagreement of subjects and verbs. Mahirap talaga silang pagkasunduin. Para silang aso at pusa na ayaw magkasundo hihihi. Aayusin ko ito once I start editing hopefully over the weekend. :D
happy reading everyone!
i <3 u all! xoxo
__________________________________________
"WALA PA BA si Chase, 'Nay?" natatarantang tanong ni Ella sa nanay niya.
"Wala pa rin eh," sagot naman ng nanay niya. Kahit hindi nito sasabihin ay nahahalata niyang kinakabahan na rin ito ngayon tulad niya.
She clutched the skirt of her gown to hide her anxiety ngunit halatang hindi siya nagtatagumpay. Pakiramdam niya ay magugusot na ang suot niyang wedding gown nang mga sandaling iyon. Nasa isang silid na sila ng mga magulang niya sa simbahang pina-reserba nila ni Chase para sa araw na iyon.
Their wedding day. Ang araw na officially ay magsisimula ang ipinangako nitong forever para sa kanya.
Isang dawn wedding ang napagkasunduan nila ni Chase. Gusto nito na salubungin nila ang pagsikat ng araw kasabay ng pagsisimula ng bago nilang buhay. Masaya siya dahil hands-on ito sa wedding preparations. Pati na ang mga maliliit na detalye ay hindi nito pinapalampas. He wanted her to be the happiest bride on their wedding day.
Parang kailan lang ay tila malabo ang mga bagay sa pagitan nila. She even came to a point that she gave up on him. Ngunit tulad ng kung paano sila nagkakilala ay tila isang sorpresa rin ang muli nitong pagdating sa buhay niya.
Ito na siguro ang pinakamagandang regalong natanggap niya sa tanang buhay niya.
Nang ipakilala naman niya ito sa mga magulang niya ay hindi siya nakarinig ng kahit na anong pagtutol mula sa mga ito. Agad nakapalagayan ng mga ito ng loob si Chase. Ganoon din naman si Chase sa mga ito.
Ngunit ngayong araw na mismo ng kasal nila ay wala pa ito. Nauna siyang dumating sa simbahan upang magtago sa isa sa mga silid doon. Saka pa lang dapat siya lalabas kapag nagbigay na ng cue ang wedding planner na kinuha nila para sa event na iyon.
Hindi niya alam kung bakit wala pa ito at ang mga kaibigan nito. Wala na itong mga magulang at nasa ibang bansa na rin ang ibang kamag-anak nito. They had invited over a hundred people to witness their union ngunit karamihan sa mga dumating ay kamag-anak at kaibigan niya ayon sa pinsan niyang si Nikki. Isa ito sa mga bridesmaids niya. Si Breanna naman ay siyang maid of honor niya.
"Bff, relax ka lang. Huwag kang ma-stress. May ten minutes pa namang allowance. Malay mo baka on the way na iyon at na-traffic lang," pang-aalo ni Breanna sa kanya.
BINABASA MO ANG
Stuck On You [COMPLETE]
Genç Kız Edebiyatı"It's only been a week since I saw you last Yet part of me was stuck in that moment That final embrace before you turned and left And I was never the same again..." === Sabi nila minsan lang darating sa buhay mo ang t...