Agad kong naramdaman ang ginhawang dulot ng sariwang hangin pagbaba ko ng bus. Barangay Bautista. Hello again. It's been two years since I first came here. First time ko nun mag-summer job at dito ako napunta.
Napangiti ako ng malungkot sa mga alalang tumatakbo ngayon sa isipan ko. Napailing ako sa sarili ko at tumungo sa isang lilim ng puno para makaiwas sa init ng araw. Sumandal ako sa puno at ibinulsa ang mga kamay ko sa pantalon.
Two years...and I'm still stuck and haunted. Pumikit ako at sinubukang lunurin ang mga masasaya at sabik na ingay mula sa mga kasama ko.
Beep! Beep! Beep!
Napabuntong hininga ako sa pamilyar na busina ng sasakyan na iyon. Zachary. Kelan mo kaya ako hahayaang magkaroon ng katahimikan? Dumilat ako at naglakad papunta sa sasakyan niya.
Sa kanya ako dapat sasabay papunta dito ang kaso nga lang ay sumulpot ang makulit niyang ex- girlfriend na si Lea. Ayokong marining ang walang sawa at paulit-ulit na away at bangayan nila.
" Tagal niyo..don't tell me pinagbigyan mo na?" pang-aasar ko sa bestfriend ko.
" Namo! Asa kayo! " iritableng singhal niya sakin at pabalagbag na sinara ang pintuan ng sasakyan niya.
" Hi Lea! Consistent tayo ah.." Natatawa akong kinindatan ito habang pababa ng sasakyan.
" Mahal ko eh.." nakangiting sagot niya at nakipag-apir sakin.
" Hindi ka naman na mahal.." bulong ni Zach na alam kong sinadya niyang iparining kay Lea.
Hindi na nagsalita pa si Lea ngunit halata sa kanyang nasaktan ito. Iba rin talaga ang fighting spirit nito. Maayos pa kaya sila?
" Asan na yung iba? " tukoy ni Zach sa mga kasamahan namin.
" Nasa conference hall na siguro para sa orientation. " siguradong hula ko.
Naglakad na kami papasok ng Barangay hall na sa una ay aakalain mong isa lamang malaking bahay kung hindi ka papasok. Bumungad samin ang walang kupas na kalinisan at kagandahan na paligid ng Barangay.
Serenity...Iyon ang tamang description para sa lugar na to. It can give you rest and peace the moment you set your foot on it's neatly cut grasses. Well atleast for the others. Mapayapa parin naman ang epekto ng lugar nato sakin pero masakit.
Sobrang sakit na para bang ang hirap humakbang pabalik dito." Hi Zach! Hi Etan! " bati ng mga kakilala namin dito.
" Welcome back! " yung iba at tanging tango at ngiti lang ang naisagot ko, si Zach naman kasi ay badmood kaya hindi rin nagsalita.
Dumiretso kami sa second floor kung saan naroon ang malaki at de- aircon na conference room.
" Etan and Zach! What a surprise! " agad na salubong samin ni Ms. Ruth ang Barangay Secretary.
" Na miss kita eh . " biro ko sabay tapik ng banayad sa balikat niya.
" Haha..ako lang ba talaga? " nakakaloko ang ngiti ni Ms. Ruth.
" Whatever. " masungit na sagot ko.
" Bipolar ka talaga. " tumatawang sabi naman niya.
Hindi ko na siya pinansin at sumunod na sa pwesto nila Zach.
" Okey. I guess were complete. So..." Panimula ni Ms.Ruth na hindi kona pinakinggan dahil kabisado ko pa naman ang lahat.
Hinati niya ang trabaho ng mga Summer Job Students sa lima at depende sa kung ilan kami ang groupings. Lima kasi ang department nila dito. Ang Offfice of the Chairman, Treasury, Justice Hall, Barangay Police Office, at ang Day Care. Maliit lang naman kasi ang Barangay nato. Hindi rin nawala ang GTK portion.
" Now tell mme your name, age and talent para naman kahit papano magkaron tayo ng alam sa isa't isa. " pasimula ni Ms. Ruth.
Haist! Boring talaga. Nang matapos si Zch ay ako naman ang tumayo para magpakilala.
" Edward Tan. 20. Talent kahit ano. " walang ganang pakilala ko at naupo na ulit.
" Oh my gee! he's so gorgeous! "
" Tama! and so mysterious and papable!"
" Ang cool niya pati narin yung Zachary! "
" Sana maka-group natin siya! " ilan lang yan sa mga tili at bulungan ng mga babae na kasamahan namin.
Napahalukipkip nalang ako. Psh.Ano pabang bago? Sanay nako sa kagwapuhan ko kaya dapat masanay narin sila. Ano? Buong summer nila ko titilian at hahangaan? Boring.

YOU ARE READING
Afraid of Love
RomanceLove is simply none of my business. I dont have crushes. Boyfriends are not my thing. Then you came along... And turned me upside down and inside out. The next thing i knew? Love is surely my business.