GIRLFRIEND

7 0 0
                                    

Amethyst's POV

Naku! Masyado akong nalibang sa panonood ng mga nag-ba- basketaball. Sabi ko kay Ms. Ruth mag-c-cr lang ako natagalan pa. sabi niya kasi andito daw sa likod ang cr at tama naman siya. Pero ang ikinagulat ko ay ang whole court malapit sa mga comfort room. Pumasok ako don at nagulat ako sa nakita ko.Sa may kabilang labas kasi ng court ay isang subdivision. Oo,maraming bahay at maram rin akong nakitang mga tao. Ang galing lang kasi akala ko nag-iisa lang na building dito ang baranagay hall nila. Mali ako dahil sa likod pala nito ay ang kanilang komunidad. Ang galing talaga ng pagkakagawa nitong lugar nato.

Pinilit ko ang sarili ko na umalis na doon at bumalik sa office. Marami pa namang oras at araw para i-explore ang lahat. Namamangha parin akong umakyat papuntang Conference hall at naabutan sila na mukhang tapos na ata sa orientation. Seriously? Lagi ata akong late ngayon?

" And you are? " baling sakin ng secretary ng barangay ng makapasok ako.

" Uhm...Amethyst Dela Cruz po." nakakahiya tuloy ako.

" Age and talent? " dagdag na tanong niya.

" 18 po.Talent? Eh..Kahit ano naman po basta kaya ko. " hala ka ano bang sagot ko yon? Eh sa nataranta ako! Baka mamaya tuloy isipin nila mayabang ako.

" Ok. Wala pa naman kayong gagawin na iba kung hindi ang maglibot para naman maging pamilyar kayo sa lugar at trabaho namin dito. Just becareful not to go anywhere too far from here. " At naghulasan na ang lahat.

Eh? Saan naman ako nito? Nagpatiaanod nalang ako sa kanila pababa at naupo sa waiting lounge ng barangay. Sinilip ko ang cellphone ko na wala paring reply ni Mich pati tawag.

Haist...ngayon ko lang na-realize na kailangan kona simulan maging friendly kung gusto kong hindi magmukhang tanga rito. Nilibot ko ng paningin ang paligid ko. Lahat sila may kausap at kasama. Ako lang wala.

Kung andito lang sana si Mich hindi ako mahihirapan. Siya kasi ang friendly samin at magaling humatak ng kasama kahit bagong kilala lang. Michy I miss you na..napa-pout nalang tuloy ako.

" Mukha talagang ewan.." dinig kong salita ng sang lalaki sa di kalayuan sakin.

Luminga linga ako para tingnan kung ani o sinong sinasabihan nito ng tanga pero nakalabas na ang lahat at mukhang kami nalang ang nandito.Liningon ko ulit ito at nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino siya. Oh no! Hindi ko alam pero agad na kumulo ang dugo ko.

Tumayo ako at humarap sa kanya pero hindi paman ako nakakasalita ay naglakad na siya palayo at nilagpasan ako. H-hindi man lang niya ko napansin? Aaarrggg!!!! Bastos talaga at antipatiko siya! Humanda siya sakin sa susunod!
______________________________

Zachary's POV

Habol habol ko ang hininga ko habang umaakyat ng puno.Nauna na kong lumabas ng conference room para maiwasan si Lea. Huu..kapagod. Hindi kona alam kung anong gagawin ko para lang maiwasan siya. Ang kulit kasi. Masyadong mapilit eh sa hindi ko na nga talaga siya gusto. Haay..nakakapagod na talaga. Ilang buwan nakong stressed sa kakulitan niya.

" Nandito kalang pala.." yumugyog ng bahagya ang sangan inuupuan ko sa pag-akyat ni Etan.

" Si Lea? "  baka kasi nasundan si Etan at makita ako.

" Ui..hinahanap." pangaasar niya.

" Lul! baka lang kako nasundan ka.." inis na sagot ko.

" Don't worry..nauna siya sa pag alis sakin para hanapin ka kaya sure akong hindi niya ko nakita. "  sagot niya.

Napabuntong hininga nalang ako. Panu koba siya patitigilin sa paghabol sakin?Bakit ba hindi parin siya sumusuko? Mababaliw na talaga ako pag hindi niya pa ko tinantanan. Haay..muli akong bumuntong hininga.

Afraid of LoveWhere stories live. Discover now