umuwi si hoshi ng malungkot at napasalubong siya ni seungcheol na nasa sala, nag basa sa isang papel.
"anong ginawa mo?" tanong ni hoshi
ngumiti si cheol. "nag saulo ako sa explanation ko kay jihoon. nasaan pala woozi mo?"
tahimik si hoshi lumakad papunta kusina
"hoi! hindi ba kayo magkasama? hindi kayo nagkita?"
uminom si hoshi ng tubig. kunwari hindi niya narinig si cheol.
"aba." umirap si cheol at nag memorize tuloy sa explanation niya
walang ganang pumunta si hoshi sa kwarto niya at nilock ang kwarto niya.
umupo siya sa kama at nakatitig lamang sa pinto niya.
nag replay yung nangyari kanina.
"sana hindi nalang ikaw ang minahal ko."
hinampas ni hoshi ang kanyang dibdib paulit ulit habang umiyak.
"gago ka kwon soonyoung." sabi niya sa sarili
nagsisi siya sa ginawa niya kanina. sana hindi niya talaga hinalik si seokmin. hindi naman niya kayang sisihin si seokmin dahil kasalanan naman niya kung bakit nahulog si seokmin sa kanya.
kung hindi lang siya nakipag pusta sa mga barkada niya edi sana magkaibigan lang sila ni seokmin. walang ibang label kung di kaibigan lang.
"iniwan na ba niya ako?" tanong niya sa sarili.
bigla siyang tumawa. "babalik yun."
humina ang tawa niya at umiyak ulit.
"bumalik ka please, jihoon."
——🍁——
binuksan ni jihoon at pinto ng bahay nila at nakita niya ang tatay niya na nanood ng tv.
"tay."
tumingin ang tatay niya sa kanya at nagtaka. "hoi gabi na! bakit nandito ka?"
"di mo ba gusto makita ang anak mo?"
umirap si suga at kumain ng chips. "anak ba kita?"
"sumbong kita kay nanay cl!"
"edi sumbong mo. nandun naman yun sa dara niya." tumingin siya sa tv
"palagi ka kasi nandun sa jimin mo."
tumabi si jihoon sa tatay niya at kumuha din ng chips habang nanood ng tv
"ano ba kasi ang ginawa mo dito?" tanong ni suga
naalala naman niya yung nangyari kanina.
hindi niya mapigilan umiyak.
na gulat naman ang tatay niya.
"uy bakit ka umiyak?" hinawakan niya ang balikat nito
imbis sumagot, humikbi siya.
"o sige na. nag alala na ako kaya tigilin mo na yan." akala ni suga na nakipag laro lang yung bata.
"n-nasaktan ako t-tay.." sabi niya sabay hikbi
"HA? SAAN? DALHIN KITA SA HOSPITAL! TEKA LANG HA KUNIN KO YUNG SUSI SA KOTSE!" tatayo na sana si suga pero pinigilan siya sa kanyang anak.
"masakit dito." sabi nito sabay turo sa puso.
hindi alam ni suga kung ano ang gawin niya kaya niyakap nalang niya ito.
"ssshhh.." he tried calming jihoon down.
hindi pa kasi tumigil ang kanyang luha sa pagbagsak kahit sipon tumulo na.
"punta ka muna sa kwarto mo. alam kong gusto mo muna mag isa. maghanda ako ng pagkain." sabi sa tatay at sumunod ang anak.
mag lalo siyang naiyak pag pasok niya sa loob ng kwarto.
——🍁——
kaya mga beh, kung mag mahal kayo.. siguraduhin niyo na kaya nyong masaktan. charotness hehehehe 💗