"HOI BATA OK KA LANG!?" sigaw ni seungcheol kay jihoon na nasa hospital bed"BOPLOKS ANG PEG, NAKITA MONG NASA HOSPITAL SIYA TAPOS NAGTANONG KA KUNG OK LANG BA SIYA!?" sabi ni wonwoo at hinampas yung ulo ni cheol
"mga putang ina! respeto kayo please." sabi ni jeonghan at binigyan ng masamang tingin ang dalawa. "nandito ang nanay at tatay ni jihoon oh."
nagsitahimik sila lahat at pumunta sa harap ng mga magulang ni jihoon.
nag form sila ng isang linya at sabay sila nag bow sa harap nina cl at yoongi
"magandang hapon po tita, tito." sabay sabi
"sorry po talaga dahil maingay kami." nag sorry si jeonghan in behalf sa mga bata at sa kanyang asawa
"ok lang. I'm used to it na naman." sabi ni cl sabay smile
nakatitig ang svt kay cl dahil ang ganda nito tapos nag bulungan sila.
"shet bes englishera naman pala ang nanay ni jihoon."
"mga beh ang ganda niya."
"mabait siya tingnan."
tiningnan sila ni suga na masama. "mga bwisit, narinig ko kayo."
nag bow ulit sila. "sorry po tito."
"at babe, pwede wag kang magpaplastik? alam naman natin na hindi ganyan ang ugali mo." umirap si suga
cl clicked her tongue. "tumahimik ka nga dyan. ngayon pa nila ako nakita kaya first impression lasts."
"Ma, Pa.. wag kayong mag away sa harap ng mga kaibigan ko." sabi ni jihoon sa likod
"HINDI KAMI NAG AWAY!" sabay sumigaw ang mga magulang
nagbulungan ulit ang svt.
"ay hindi daw."
"shet meant to be talaga sila."
"sabay pa sumigaw."
"ito yung totoong forever mga beh."
cl glared at the kids. "magsitahimik kayo o kung di puputulin ko yang mga ulo niyo."
"saang ulo po?" biglang nagtanong si seungkwan
"wag ka na nga mag tanong. kahit saang ulo, masakit pa rin." bulong ni hao kay kwan.
"oo nga noh?" ngumiti si seungkwan kay cl. "wag niyo nalang po i mind yung tanong ko."
"tsk."
"taray siya beh."
"akala ko mabait."
"kaya pala ganyan si jihoon. alam ko na kung saan siya nag mana."
"sshh nga kayo, nanay yan sa kaibigan natin."
"maganda naman."
"pero taray."
"Hindi ba talaga kayo tatahimik!?" biglang sumigaw si cl
"TATAHIMIK NA PO!" sabay sila lahat sumigaw
tumawa si jihoon sa likod.
1.. 2.. 3.. 4.. 5.. 6.. 7.. 8.. 9..
na notice ni jihoon na may kulang.
tanungin na sana niya pero may biglang pumasok sa kwarto.
"Sorry I'm late!" sabi ni vernon at nag bow sa mga magulang ni jihoon pag kita niya ito. "Hello po tito, Hello Tita."