Hello Readers! Maikli lang ito. Hehehe.
Share nyo rin ang mga memories nyo nung mga bata pa kayo. ^_^Enjoy!!!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Noon may mga bagay na hindi natin mabili sa sobrang mahal, gaya ng mga Barbie dolls na bentang benta sa mga batang babae pero dahil sa kamahalan nito ay hindi mabili bili. And in came those we call Paper Dolls. Kahit nga gawa lang yun sa karton o papel ay nakaka-aliw naman paglaruan. Mayroon pang maraming damit di katulad ng Barbie na Dolls na kailangan mong bumili pa para magkaroon ng isa pang damit para pampalit. Sa mga paper dolls, isang piso lang may ilang damit nang kasama.
Paglunch time sa school noong elementary days ay nagkukumpol kami ng mga kaklase ko sa isang patag na sementadong lugar at alam nyo ba kung bakit? E di, para maglaro ng Jackstone. Pampalipas oras namin ang larong yan pag walang ginagawa. Mas maraming kasali mas Masaya. The more the merrier ika nga diba? Oh, alam nyo pa bang mag around the world? Siyempre meron ding pagandahan ng bola ng jackstone. Hahaha. Ako nga noon kapag may nakita akong mas magandang bola, sinusuyo ko ang lola ko para bumili nun.
Eto pa ang isang bagay na ang paniniwala ay dumadami daw ito kapag inilagay sa bulak o kaya naman ay kung lalagyan ng pulbo, ito ang tinatawag na KISSES. Hindi ito yung pagkaing kisses ha, maliit na bilog ito parang kasing liit lang ng butil ng bigas. Makikita mo ito kung saan saan noon. Nakakakita nga ako minsan sa lupa kung maglilinis ako sa front yard ng room namin noong elementary eh. May ibat-ibang kulay ito, may orange, yellow at iba pang kulay.
Alam kong napanood nyo ang anime na Beyblade, buhay pa ba ang mga beyblade nyo ngayon? Ako, parang buhay pa hindi ko lang maalala kung saang baul ko naitago yun. Haha. At siyempre malalaki ang unang naging beyblade namin ng mga kaibigan ko yung umiilaw at tumutunog? Pero napansin namin na kapag inilaban namin ito sa isa’t-isa ay nasisira ang palanggana na ginagawa naming ring noon. Mabuti nalang at may nakadiskubre nang simpleng way para makagawa ng simpleng beyblade gamit lang ang pantakip na dulo ng ballpen yung doon nakausli yung ballpoint yung hugis triangle, isang tingga (yung metal na may butas sa gitna), isang makapal na sinulid (huwag masyadong mahaba, yung tamang-tama lang) at isang stick. Pagkabit-kabitin mo lang yun at viola! at meron kanang handmade beyblade. ^_^
Pagnarinig mo ang salitang Free Wheel? Anong unang maiisip mo? Hindi ba ang laruang yoyo? Siyempre yan yung pinakaunang trick na natutunan natin (o ako lang siguro? Hehe). May mga natutunan din tayong trick nang dahil sa anime na Super Yoyo, ang Loop-the-loop na papaikot-ikot mo ang yoyo to and fro at siyempre ang Walk the dog na parang aso mo lang ang yoyo mo kasi pagagapangin mo ito sa lupa.
Noon meron na rin tayong tinatawag na TEXT kahit na hindi pa masyadong uso ang cellphone noon. Laro ito gamit ang mga cards. Parang toss coin lang ang larong ito, pero dalawang cards ang gagamitin. Isa sa iyo at isa sa kalaban mo. Pagpapatung-patungin mo lang ang dalawang cards tapos ay kagaya nang sa toss coin kung kaninong card ang nakaharap siya ang panalo.
Nadako na rin lang tayo sa mga cards, naging uso din yan noon. Kung saan ang mga nakalagay sa cards ay mga mukha nina San Goku, Vegeta, San Gohan, iba pang Dragon Ball Characters, mga pokemons at iba pang mga anime noon. Sa bawat cards ay may nakalagay na mga power level. Parang pustahan lang ang larong ito. Pipili ka lang sa mga nakataob na cards, at kung ang mapili mo man ay yung may pinakamataas na power level at ikaw ang panalo at ang reward mo? Kung ilang card ang ipinusta mo ganoon din ang makukuha mo. Pero pagnatalo ka kukunin nung taga halo ng cards ang cards mo. Advice ko lang kung hindi masyadong marami ang cards mo ay huwag ka nalang pumusta.
Dahil wala pang mp3 noon ang way lang para mapakinggan natin ang mga paborito nating kanta ay through radio pero malalaki ang mga radio noon, buti nalang nauso ang WALKMAN. Handy ito kasi maliit lang. Pero hindi kagaya ng mp3, wala itong memory card kaya hindi mo malalagay doon ang mga songs na gusto mo. Ang naroroon lang ay makikinig ka nang FM Station at hintayin mo lang na maipatugtug ang gusto mong kanta. Mahaba dapat ang pasensya, at minsan ay hindi rin talaga pinapatugtug yung kanta.
At dahil maparaan tayo kahit na wala tayong bubbles na nasa lalagyan talaga at may stick na ginagamit para sa paggawa ng bubbles nakakagawa pa rin tayo ng alternative. Nakalimutan ko nga lang ang pangalan ng dahon na iyon pero kapag binali mo ang parang stem nung dahon ay may sticky thingy na nandoon at kapag hinipan mo ang magiging bubbles. Pwede ring gamitin ang saraling kamay, lagyan mo lang nang sabon ang kamay mo, iform mo lang nang circle ang kamay mo at pwede mo na itong hipan para makagawa ng bubbles.
Kung gusto nyo naman na bracelet na gawa sa flower gamitin mo na ang SANTAN. Pwedeng pagdikit-dikitin para makagawa ng bracelet o kaya naman korona. Parang fairy lang ang peg mo dun.
Oh di ba? Ang saya lang? Hahaha..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Salamat po sa mga nagread at nagvote nang work ko na ito.
Thank you very much po talaga!!
Sana ipagpatuloy nyo po.. ^_^
Lovelots <3©flameCaster
BINABASA MO ANG
Batang 90's ka kung.....
RandomPagbabaliktanaw sa mga napakagandang memorya ng ating kabataan. Ang mga isusulat ko dito ay base lang naman sa mga naexperience ko at ng mga kaibigan ko. Childhood Memories