HELLO EVERYONE!!!
Nakabalik na rin ang Lola nyo!! hahahaHOPE YOU ENJOY THIS ONE!!
Noon kapag hindi tayo pinapayagang lumabas ng bahay ay gumagawa tayo ng paraan para hindi tayo ma bored. Wala pang masyadong gadgets noon at kung meron man yung mga may kaya lang ang nakakabili. Maraming mga laro ang nagagawa sa bahay at isa na dyan ang mga Board Games, board game ang tawag kasi ginagamitan siya ng Board . Hahahaha. Galing ko mag-explain ano? Hehe. So here are some Board Games na you might want to play again.
Snake and Ladder
Naaalala pa ba ninyo ito? May mga mabibili pa na ganitong laro sa mga pamilihan at sikat ito noon. Masaya itong laruin. The more the merrier, pero sa pagkakaalala ko apat o limang player lang siguro ang pwede itong laruin. Magsisimula ang larong ito sa pamamagitan ng pagmamanohan gamit ang pag roll ng dice. Kung sino ang makakuha ng pinakamataas na number ay siya ang unang magmomove at ang may pinakamaliit na number ay siyang huling magmomove.. Ang goal ng game ay paunahan na makapunta sa Finish line.
Kapag natapos na ito ay i.roroll ulit ng unang magmomove ang dice at kung anong number ang nakaindicate sa dice ay yun din ang katapat ng moves. Sa board makikita ay mga squares na siyang magiging paths ng player. Makikita din ang mga ladders, at kapag napahinto ka sa isa sa mga hagdanan ay ang swerte mo kasi aakyat ka at siguradong ikaw na ang mangunguna.. Pero kapag napahinto ka naman sa bibig ng mga Snakes ay bababa ka naman, depende ito kung gaano kataas ang Ahas na nahintuan mo. Oh! Di ba exciting? Sigurado akong matatagalan kayo sa paglalaro nito.. hahaha
Scrabble
Alam kong kilalang-kilala pa rin ito ngayon. Ito ang isa sa board game na machachallenge ang utak natin. Paramihan lang ito ng words na mabubuo kung sino ang may pinakamataas na score ay ang mananalo. Take note bawal ang mga pangalan ng tao sa larong ito. Ang mas challenging pa ay depende sa nakuha mong mga letters. Kawawa ka kung wala kang vowels na nakuha at puro consonants lang ang nasasayo.
Chess
Sino bang hindi alam ang larong ito. Nalalaro nga ito sa intramurals ng school kasama ng Scrabble. Kung scrabble ay puro words ito naman chess pieces ang gagamitin mo. Dapat magaling ka sa strategy at dapat alam mo rin kung ano ang move ng isang Chess piece. For example yung horse ang move nun is "L". Tapos yung Rook dapat straight lang ang move. Kung sino ang unang maka checkmate sa king ng kalaban siya ang panalo.
Millionaire's Game
Itong Board Game na ito nadiscover ko nung nag overnight ako sa bahay ng dati naming Kapitbahay. Grabeh! Nakakaaliw ang game nato. Mag-aala milyonaryo ka. Sa Game na ito makakbili ka ng Lupa at mga ariarian gamit ang mga Play Money na kalakip sa board game na ito. Hahaha. Naghope nga ako na sana maging totoo nalang.. hahaha
Monopoly
Hindi ko pa nalalaro ang game na to. Pero based on my research sa tulong ni Tito Google at Wikipedia isa itong board game na para ka ding milyonaryo na makakabili ka ng mga ari-arian ng iba at pwede mo ring i.trade ito. Kung sinong unang maubusan ng ari-arian, kayaman at pera in short ma bankrupt ay talo. Para rin pala itong Millionaire's Game or pareho lang sila? Hahaha.
O siya sige dyan nalang muna sa ngayon. May iba pa naman akong nalalaman na Board Games pero hindi ko pa iyon nalalaro so hindi ko nalang isasali dito. Sige dear readers, sa susnod na UD ulit..
^_^
BINABASA MO ANG
Batang 90's ka kung.....
RandomPagbabaliktanaw sa mga napakagandang memorya ng ating kabataan. Ang mga isusulat ko dito ay base lang naman sa mga naexperience ko at ng mga kaibigan ko. Childhood Memories