Chapter 6: "The Blame Game"

913 37 1
                                    

"Kung narito lang tayo sa bahay at walang aalis ay mababantayan natin ang isa't isa. Mas lalong magiging ligtas tayo kung sama-sama." Wika ni Aldrin.

"Pero hanggang kelan? Kailan darating ang tulong????" nangangambang sabi ni Oscar.

"Maaari tayong gumawa ng mga bangka yari sa mga malalaking sanga ng puno." Ideya ni Andrew.

"And then what? Magsasagwan tayo ng ilang araw? Masyadong mahirap at delikado!" sagot ni Brian.

"Pero siguro naman may makakakita na sa atin no'n na mga mangingisda!"

"Kung no other choice, pwede yang naisip ni Andrew." Sabad ni Jake.

"Pero I'm still hoping na nasa bayan lang si Mang Gusting at babalik din dito." Sabi ni Aldrin.

"If you want to stay here a lot longer, then stay. Gagawa ako ng balsa. Who's with me?"

Lahat sila ay nagtaas ng kamay maliban sa tatlong senior members at kay Julie na walang hinto pa rin sa pag-iyak. Ang mga sumang-ayon sa suhestiyon ni Andrew ay lumabas ng bahay para simulan ang paggawa ng mga balsa. Naiwan ang apat sa loob.

"Ano nang gagawin natin? Bulong ni Carl sa dalawa.

"Hindi ko pa alam sa ngayon. Pero hindi dapat malaman ng mga pulis ang nangyayari rito sa isla." Sambit ni Aldrin.

"Should we help them? Baka maghinala sila." Sambit naman ni Brian.

"Yeah. Una na kayo, susunod ako. Isama ninyo si Julie." Utos ni Aldrin at pumunta sa kwarto niya. Kinuha ang cellphone ni Angelo sa bulsa. Makikita rito ang medyo mahinang signal ng cellphone. Inoff niya iyon at inilagay sa ilalim ng mattress kasama ang dalawa pang cellphone bago lumabas.

***********

"Ayaw ko talagang pumunta sa may likuran. Hindi maalis sa utak ko ang hitsura ni Christina." Sabi ni Oscar habang buhat-buhat ang isang malaking sanga ng isang puno.

"I wonder who could have killed her. Pero may hinala ako." Sambit ni Andrew.

"Who?"

Lumapit naman sa kanila sina Jarwin at Glenn at narinig ang kanilang pag-uusap. "You think it's one of our senior members? O hindi naman kaya ay silang tatlo. Sila lang naman ang nakakpunta rito sa isla. First time natin dito."

"Oo tama ka. As much as possible. Pagmasdan natin ang bawat kilos at galaw ng tatlong iyon. Let's tell others, except the weird kid, Reydan. Iba ang pakiramdam ko sa taong iyon." Wika ni Glenn at pinagmasdan nila si Reydan na nagpupunas ng pawis gamit ang tshirt habang gumagawa ng sagwan gamit ang maliliit na sanga ng puno.

"Guys, anong ginagawa ninyo? Tulungan ninyo kami rito ni Sir Jake." Utos ni Nico habang pinapalakol ang malaking katawan ng isang puno ng niyog.

"Sir, yes, sir!"

***********

"Can we just go inside the house? Lalo lang akong nastress dito sa labas." Pag-anyaya ni Alyssa.

"Oo nga, we're not helping them anyway." Pagsang-ayon ni Cheska.

Nasa veranda sila habang pinagmamasdan ang mga lalake na gumagawa ng mga balsa at umiinom ng soda.

"Hindi ako makapaniwala na nagsinungaling si Carl sa akin. I think I don't want to see him anymore." Sabi nito bago humigop ng iniinom.

The Case of Christina OrquezaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon