Chapter 10: "Kill Or Be Killed"

828 38 0
                                    

"James, anong ginagawa mo????"

"Sorry kuya, I just don't want anyone to ruin my reputation." Itinutok niya ang baril kay Julie.

"No, James!" kaagad na tumalon si Jake para pigilan si James. Nag-agawan sila ng baril kaya naman nagtakbuhan ang iba pa. Nagpambuno sila sa kung sino ang makakakuha ng baril. Natumba silang pareho sa sahig.

"You don't know what you're doing James."

"No Kuya!"

Habang nagtatago ang iba ay nakarinig sila ng malakas na putok ng baril.Nang lumabas sila sa kanilang pinagtataguan ay nakita nila si Jake na nakatayo. May bahid ng dugo ang kanyang damit samantalang makikita sa sahig ang nkahandusay na katawan ni James, may tama ito ng baril sa dibdib habang umaagos ang dugo. Wala na rin itong buhay.

"I---- I killed---- I killed my cousin."

Nilapitan siya ni Julie. "No sir, it was just an accident. And besides, he tried to kill me, you just defended me. I can testify to that."

Nanginginig si Jake na napaupo, sapo ang ulo ng mga palad. "No, no, no."

"Sir....."

"Iwan n'yo muna ako."

"Is he gonna be okay?" tanong ni Cheska.

"Uhmm, I hope."

"Oh my God, we are a mess! Too many dead bodies!" pagsigaw ni Carl na animo'y nababaliw. Kinuha ni Carl ang baril sa sahig.

"Wooh, Carl, what are you doing?!" nag-aalalang tanong ni Brian.

"We're done! We're going to jail! Our life is over!"

"Ibaba mo 'yang baril Carl, relax ka lang! You don't know what you are doing!" pangungumbinsi ni Aldrin.

"No, no, no. Good bye." Huling sabi nito at itinutok ang dulo ng baril sa bibig niya. Isang malakas na putok na baril na naman ang narinig nila kasabay ang pagtilamsik ng dugo sa kanilang mga mukha bago bumagsak si Carl sa sahig.

"Noooo!!!!!"

Pilit na inaalis ni Julie ang dugo sa kanyang mukha. "No, no, no."

Nagtatakbo si Andrew sa gilid at sumuka.

"What are we going to do?????"

***********

"Guys--- guys!!!!" sigaw ni Gerald.

Napalingon sila sa may hallway.

"Reydan is gone!"

"What?"

"Bukas ang pinto! Wala na siya! He could be somewhere!"

"It-it's my fault. I forgot to close the door." Mahinang sabi ni Jake.

"Let's kill him before he kills us." Sabi ni Brian.

"What? No! We're not killers!" wika ni Julie.

"This is already messed up Julie. Either kill or be killed."

Kaagad nagtungo ang iba sa kusina. Kumuha si Cheska, Brian at Glenn ng kutsilyo samantalang sina Joseph, Gerald at Andrew naman ay golf club at iron skewers. Kinuha naman ni Aldrin ang baril sa kamay ni Carl.

"Aldrin, what are you doing?" galit na sabi ni Julie.

"This is my weapon now. We are already messed up." Sagot nito.

The Case of Christina OrquezaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon