Chapter 8: "Trust Issues"

864 34 1
                                    

"I couldn't believe he could do that to Jarwin!" umiiyak na sabi ni Julie.

"See? We told you so. Reydan is the killer." Wika naman ni Cheska.

"Di lang ako makapaniwala."

"Si Jarwin naman kasi. Bakit kailangan pa niyang tanungin kung talagang pinatay ni Reydan si Jeff!"

Sa madilim na kwarto kung saan nila kinulong si Reydan ay makikita na nakagapos na ang mga kamay nito. Namamaga na ang buong mukha dahil sa suntok at sipa na tinamo ng mga nambugbog sa kanya. Marami na itong pasa at bukol, ganoon din ang mga sugat. Naroon lang ito sa isang sulok ng kwarto, nanghihina at tahimik na umiiyak.

Halong awa, pagtataka at sama ng loob ang nararamdaman ni Jake para kay Reydan. Gustuhin man niyang pigilan ang mga myembro ay wala siyang magawa dahil mag-isa na lang siya. Kahit si Sir Nico ay payag na rin sa ginawa ng mga kasama.

***********

Makikita na nagtutulong-tulong sina Oscar, Glenn at Joseph na hilahin ang bangkay Jarwin patungo sa c.r. Naroon din ang walang buhay na mga katawan nina Alyssa at Jeffrey. Magkakahanay sila na nakahiga sa malamig na tiles ng malaking banyo. Kapwa may mga takip na puting kumot ang buong katawan na tila nasa maorgue.

"Poor them." Malungkot na sabi ni Joseph.

Napailing lang ng ulo ang mga kasama. Nagsign of the cross muna sila bago iwan at isara ang pinto.

*************

"We can all testify that Reydan killed Jarwin." Paunang sabi ni Aldrin. Lahat ay nasa salas muli na tila mga nagpupulong.

"Posible kayang si Reydan din ang pumatay kay Christina?" tanong ni Andrew sa lahat.

"Maaari." Maikling sagot ni Aldrin.

"Pero paano? Ito ang unang beses na makatapak kaming lahat sa isla, paano niya magagawa yon?" sabi naman ni Oscar.

"Hindi natin alam. Posibleng kilala niya si Mang Gusting, ewan."

"O maliban na lang kung hindi talaga si Reydan ang killer." Biglang sabad ni Jake.

"What? Sir Jake, stop defending him. We saw it with our own eyes. Hawak niya ang murder weapon. All can testify." Wika ni Brian.

"Do you think, may kasabwat si Reydan?" sabi ni Nico. Nagkatinginan sila sa isa't isa. "I don't think si Reydan lang."

"Mayroon dito ang hindi pa rin nagsasabi ng tunay nilang katauhan." Sabi ni Jake.

"At baka siya rin ang pumatay kay Miranda!" biglang sigaw ni Julie.

"Miranda? Why do you keep on insisting na Miranda ang pangalan ng babaeng iyon?" tanong ni Aldrin.

"Hindi ako maaaring magkamali!" hindi niya tinitingnan si Aldrin.

"She was once a student of mine in Advanced Algebra. As far as I could remember, Christina Orqueza ang pangalan nito. Wala naman itong second name." sagot ni Nico.

"Yes Julie, everyone met her at the party."

Natahimik na lang ang lahat subalit namamayani pa rin ang ingay ng lakas ng kulog, kidlat at ulan. Maya-maya pa ay nagpatay-sindi ang mga ilaw.

"Sh*t, mauubos na ang gasoline ng generator." Nasabi ni Aldrin.

"It's too dangerous kapag madilim. Sa pagkakataong ito, each one of us should not trust anyone."

The Case of Christina OrquezaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon