Chapter 9: "What Happens Here, Stays Here"

875 38 1
                                    

Dahan-dahang pumasok si Jake sa madilim na kwarto. Binuksan niya ang ilaw at nakita si Reydan sa dating pwesto nito ng nakaraang gabi, tila hindi man lamang ito gumalaw. Halos mabulag ito ng biglaang liwanag.

"Reydan...."

Nakayuko pa rin ang kausap. "Gusto mo kalagan kita? Pero irpomise mo na wala kang gagawing kung ano." Wala pa ring sagot.

"May parte pa rin sa aking isip na sinasabing hindi mo kayang gawin iyon sa kasama mo. Ramdam kong mabuti kang bata. Kumain ka na."

Pumwesto si Jake sa likod at inalis ang mahigpit na pagkakatali. "Kumain ka na." pag-uulit niya at inilagay sa harap ang dalang pagkain.

"Kung hindi ikaw ang pumatay kay Jarwin, alam mo ba kung sino? Di mo kailangan pagtakpan ang taong iyon."

Pumikit lang si Reydan at patuloy ang pag-iyak.

"I can't help you if you don't want to cooperate. Kaya sabihin mo na kung sino talaga ang pumatay kay Jarwin."

Magsasalita sana si Reydan ang bigla silang makarinig ng sigawan mula sa salas. Kaagad na napatakbo si Jake palabas.

"Sandali, ano bang nangyayari rito?" usisa niya.

"Sir.... Sina Sir Nico po....." umiiyak na sumbong ni Cheska.

Sa sahig ay naroon ang nangingisay na katawan nina Oscar at Sir Nico habang bumubula ang mga bibig. Nasa tabi naman nila ang mga kasama na tila gulat na gulat sa nangyayari. Sila man ay hindi makagalaw. Ilang segundo pa ay tumigil sila sa pangingisay at nakadilat ang mga mata habang patuloy ang pagbula ng mga bibig. Kahit si Jake ay natulala sa nasaksihan. Ilang sandali lang ay sumigaw siya. "Walang kakain!" nagmamadali niyang pinuntahan ang kwarto ni Reydan. Tiningnan niya kung ginalaw ba nito ang pagkain. Nakahinga siya ng maluwag nang tila di naman nabawasan ang pagkain kaya kinuha agad niya iyon. Bumalik kaagad siya sa salas.

"Sir Jake, patay na sila." Sabi ni Aldrin nang hawakan ang kanilang mga pulso.

Nanghihina si Jake na bumagsak sa sahig. Nanginginig ang kanyang buong katawan, tila nawalan siya ng lakas bigla. "Nalason sila."

Kaagad na kinuha nila Aldrin at Brian ang mga cup noodles at beer at itinapon sa basurahan.

"Sinong gagawa nito?"gulat pa rin na tanong ni Andrew.

Itinuro ni Glenn si Joseph. "Siya ang naghanda ng mga kakainin, Bago mangisay sina Oscar ay kinain nila ay hummigop sila ng sabaw ng noodles at uminom ng beer."

"Bakit ako? Wala akong alam! Di ko magagawa iyon sa kanila! Sa katunayan, muntik rin akong kumain." Depensa nito.

"Sinungaling! Aminin mo na, ikaw ang kasabwat ni Reydan!"

"Hindi! Nagkakamali kayo!"

Habang nagtatalo sila ay may biglang sumigaw. "TAMA NA!!!!"

Napatigil sila at napatingin sa direksyon ng sumigaw. Nakita nilang nakatayo roon si Carl. Gulung-gulo ang buhok at namumugto ang mga mata.

"Aldrin, Brian, wala na talaga tayong pag-asa. Dapat kahapon pa tayo nagsumbong sa mga kinauukulan." Sabi nito habang hawak ang cellphone ni Jake.

"Huh? Anong pinagsasasabi niya?" tanong ni Glenn.

Kaagad hinablot ni Jake ang cellphone niya sa kamay ni Carl. Wala nang signal pero napansin niyang may ilang bagong mensahe.

The Case of Christina OrquezaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon