Letting go -Jhobea

1.1K 13 2
                                    

Bea

Nandito ako ngayon sa tagaytay. Secret place. Remembering the times nung kami pa, nung ako pa yung mahal nya at nung ang meron lang ay salitang kami at walang salitang sila. Pero nagbago lahat nung nangyari yung kinatatakutan ko yung sumuko sya.




//Flashback//

"Babe san tayo" tanong kay jho dahil kanina pa sya tahimik

"Secret place na lang" maikli nyang sagot

Habang nagddrive ako nakaramdam ako ng kaba. Sa loob ng halos 2linggo nagiba na sya. Di na sya sweet at parang napipilitan na lang sya sumama sakin dahil girlfriend nya ako at mukang alam ko na kung saan to papunta mangyayari na siguro yung ayoko mangyari yung iwan nya ako. Hindi ko maiwasan na tingnan sya. Hindi ko ata kakayanin na mawala sya sa buhay ko pero mas gugustuhin ko pang ibigay ang hihilingin nya kesa ikulong ko sya sa pagmamahalan na bawal. Mas gugustuhin kong ako na lang yung araw-araw na masaktan. Basta pag sya na yung humiling na pakawalan sya ibibigay ko.

Nakarating agad kami dito sa tagaytay. Pagbubuksan ko sana sya ng pinto kaso nauna na sya.

"Uhmm babe yun an--" diko na natuloy sasabihin ko ng nagsalita sya

"Bea ayoko na" - jho

"Alam ko"

"Bea im sorry pero" -jho

"Alam ko na ramdam ko at kitang kita ko" nagsimula ng tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan nakita ko din sya na umiiyak pero hindi ko na sya pipilitin dahil alam ko din naman na nahihirapan na sya.

"Papalayain na kita. Para saan pa na ipaglaban kita kung ikaw ay sumuko na diba?" Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit ang sakit sakit na

"Bea alam mo namang gustong gusto kita ipaglaban diba? Natatakot ako sa sasabihi--" jho

"Natatakot ka sa sasabihin ng iba. Natatakot ka na baka di ka matanggap ng pamilya mo. Tama ba? Lahat naman yun na iintindihan ko. Kahit itanggi mo ako sa lahat at itago mo sa letcheng #friendsipgoals na yan may narinig kaba sakin? Nagreklamo ba ako? Hindi diba ganun kita kamahal na tiniis ko lahat galit, selos at tampo. Nanahimik ako kahit ang dami daming taong nalilink sayo marci, ged? Sino pa ba?"

" Bea alam mo namang ginawa ko lang yun para di sila makahalata sa atin. Pero iba na kasi ngayon" - jho

"Iba na ngayon kase may iba na? O baka naman matagal ng may iba? Iniisip ko na baka pwede pa? Na baka may magagawa pa ako para bumalik tayo sa dati pero naisip ko din na paano ko pa maibabalik kung wala na. At kung may mahal ka ng iba diba. Si nico tama ba?"

"Bea mali sobrang mali yang iniisip mo di kita niloko. Alam mong di ko yun magagawa sayo. Talagang ayoko na lang. Diko na kaya." pagpapaliwanag nya.

"Please let me go" bulong nya habang umiiyak

"Dun ka ba sasaya jho?"

"Y--yes"

"S--sige jho pinapalaya na kita. I'm breaking up with you" bulong ko sapat lang na marinig nya

Aalis na dapat sya pero diko na napigilan ang sarili ko at niyakap sya

"Jho w--wait. 5minutes lang please hayaan mong yakapin kita kahit ilang minuto lang"

Naramdaman kong niyakap nya ako pabalik naramdaman kong safe ulit ako pero alam kong ito na yung huli

"Jho gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita. Salamat dahil hinayaan mo akong yakapin ka ng ganito kahit sa huling pagkakataon. G--gusto ko lang din magpasalamat dahil pinaramdam mo sakin kung paano mahalin ng isang Jhoana Maraguinot at salamat dahil hinayaan mo akong ipakita sayo kung gaano kita kamahal. I'm sorry dahil diko namamalayan na sobra ka ng nahihirapan sa sitwasyon natin. I'm sorry dahil kahit matagal ko ng ramdam na wala na di agad kita naparaya dahil hindi ko kaya mahal na mahal kase kita. Pero ngayong ikaw na ang humingi ng kalayaan mo ano pa bang magagawa ko kundi ibigay sayo yun. Basta lagi mong tatandaan mahal na mahal kita ikaw lang. Sana pagkatapos nito sundin mo na yun puso mo kung saan ka talaga sasaya dahil masakit maiwan"

"Bea im sorry kasalanan ko lahat to" sabi nya habang umiiyak at mas humigpit ang pagkakayakap nya sakin gusto ko sana matuwa pero alam kong pinapagaan nya lang ang nararamdaman ko

"Don't be jho okay? Ako ang may kasalanan dahil mas minahal kita higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Siguro kailangan ko munang umiwas sayo para buuin ko ang sarili ko. Sabi ko naman sayo diba pinapalaya na kita. Puntahan mo na ang taong nagpapasaya sayo ng totoo. Thank you and iloveyou jho. Only you."






//end of flashback//


Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko

*calling michifu*

Otp:

"Bea nasan kana naman 9:30pm na maabutan kana naman ng curfew" -m

"Tagaytay lang mich"

"ANO? ANO NA NAMAN GINAGAWA MO DYAN? ANLAYO LAYO NYAN? ANUNA? IINTAYIN NA NAMAN KITA SA GATE PARA DIKA MASARADUHAN NG GUARD? TAPOS IIYAK KANA NAMAN? BES MOVE ON N-----" -m

"Sssshhh. Libre kita! Inom tayo please damayan mo ko. Kailangan ko lang talaga ng kausap" seryoso kong sabi

"Last na to? Okay? Please lang bea tama na move on na sya, move on na lahat ikaw na lang ang umaasa. May mahal na siyang iba"

~May mahal na siyang iba

~May mahal na siyang iba

~May mahal na siyang iba





*Instagram*

jhoanalouise: My person❤😚

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

jhoanalouise: My person❤😚









Tama may mahal na siyang iba at hindi na ako yun

JHOBEA/ALE ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now