I - Huwag Buksan Ang Pinto

724 25 30
                                    

Dedicated ang first part na ito kay fourteenars salamat sa book cover na gawa mo. You can also try to check her stories out.

-----------


Simula


"...sa mga susunod na mga araw ay tuloy-tuloy ang pagbagsak ng malalakas na ulan. Maaari itong magdulot ng pagbaha, na nagiging sanhi naman ng flashflood, alon, pagguho ng lupa, at pagragasa ng putik. Maging alerto sa pinakahuling ulat, kagaya ng bilis at lakas ng hangin ng papalapit na bagyo. Pinapayuhan ang lahat na simulang ihanda ang mga gamit na kakailanganin kagaya ng payong, kandila, flashlight, tubig at pagkain. Manatiling nakatutok sa---"

Ibinalik ng matandang babae na medyo kulubot na ang mukha ang remote sa itaas ng telebisyon pagkatapos nitong pindutin ang off button.

'Tutal, wala namang interes ang apo ko sa mga balita, mas mabuting naka-off na lamang ito,' sa isip-isip ng matanda habang tinititigan ang apo nitong babae, na ngayon ay nakatuon ang atensiyon sa sarili nitong notebook.

Nakasayad na ang dulo ng buhok ng labing-anim na taon na babae sa mesa nito, dahil sa kahabaan.

"Alyanna, apo ko, pinatay ko muna itong TV. Hindi ka ba manonood?" nag-angat ng ulo si Alyanna habang nag-iisip ng susunod na hakbang sa sinasagutang problem set ng mathematics.

"Hindi po, Lola. Kailangan ko pa po kasing tapusin 'tong mga lectures ko para sa exam bukas. Tsaka, maaga pa naman po eh," sagot ni Alyanna na naka-focus parin sa kaharap nitong papel.

Nag-angat ng ulo ang matandang babae, si Lola Marta, at tumingin sa makalumang orasan na nakasabit sa ding-ding. 8:46 PM, ang sabi ng orasan na ngayon ay maingay dahil sa umiikot na kamay nito.

"O sige,..." saad na lang ni Lola Marta at tinungo ang kusina. Bumalik ito na may dala ng tupperware na pinaglagyan ng adobo.

Naglakad si Lola Marta at tumigil sa harap ng mesa ni Alyanna.

"Apo ko, ibibigay ko lang itong ulam kay Manong Julio mo, ha?"

Nag-angat na naman ng ulo si Alyanna at tumango. "Sige po, Lola," at bahagyang ngumiti ito.

Napatingin si Alyanna sa kanang bahagi niya para ihatid ng tingin ang kanyang Lola habang papalabas ito ng bahay. Nasa kanan kasi ni Alyanna ang pintuan ng bahay, na apat na hakbang lang ang layo.

"Sandali lang ako, ha?" bilin ng matanda sa apo bago tuluyang sinara ang pinto. Tumango lang ulit si Alyanna at ngumiti.

Sa labas, madilim higit pa sa inaasahan. Ang bilog na buwan na nagsisilbing ilaw sa dilim ay hindi nagpakita.

Walang ni isang presensya ng bituin sapagkat natatabunan ang mga ito ng maiitim at makakapal na ulap ng gabi.

Sensyales ng banta ng malakas na ulan.

'Tama nga ang balita sa TV,' sa isip-isip ni Alyanna. "May bagyo nga siguro ngayon."

Nagpatuloy na lang siya sa kanyang ginagawa.

Mga Babala!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon