V - Huwag Buksan Ang Pinto

307 16 9
                                    

V - Huwag Buksan Ang Pinto

Wakas

Maagang nagising ang matanda na si Lola Marta. Nagmulat siya dahil sa silaw ng ilaw ng umaga na pumasok sa kanyang bintana. Bumangon siya at nagdasal. Nakaramdam siya ng biglang atake ng kalungkutan sa hindi malamang dahilan.

'Dala lang siguro ng katandaan ko ito.' Pagdadahilan sa sarili. Humikab siya at nagbihis.

Lumabas siya sa kanyang kwarto at nadaanan ang kwarto ng kanyang apo. Huminto siya sa harap ng pinto at mahinang kumatok.

“Yanna, apo ko?” walang sumagot.

'Baka tulog pa ito?' tanong ng matanda sa sarili. Mahinang kumatok ulit ang matanda.

Walang sumagot.

Nakatayo lang ang matanda at hinintay sumagot ang apo.

Kumatok ulit ang matanda sa pangatlong pagkakataon.

“Babangon na po, Lola!” napangiti ang matanda sa narinig na sagot ng kanyang apo mula sa loob ng kwarto.

Dumiretso na ang matanda sa kusina at sinimulan na ang pagluluto. Noong natapos siya ay agad na siyang nagtimpla ng kanyang kape.

Dala-dala ng matanda sa kanyang kanang kamay ang mainit na baso ng kape. Inilagay niya ito sa ibabaw ng mesa at dahan-dahang umupo.

Inayos niya ang salamin at kinuha ang dyaryo na nakalatag sa ibabaw ng mesa.

Binasa niya ang unang pahina. Kinuha ng matanda ang kape gamit ang kanang kamay at ininom ito.

Habang umiinom ay lumipat siya sa sunod na pahina ng dyaryo.

Tila tumigil ang pagtibok ng puso ng matanda nang mabasa ang laman ng dyaryo. At nabitawan na lamang niya ang mainit na baso ng kape nang makita ang imahe na nakaprinta kasunod ng ulat.

Ang malakas na tunog ng pagbasag ng baso ang maririnig sa loob ng bahay. Natapon at nagkalat ang kape sa sahig.

Umagos ang luha ng matanda habang dahan-dahan siyang napatingin sa pinto ng kwarto ng kanyang pinakamamahal na apo.

Binasag ng tunog ng telepono ang katahimikan sa loob ng bahay. Napatingin ang matanda rito.

Kahit pa lumuluha, mabilis na napatayo ang matanda at sinagot ang telepono.

“H-hello,” nanginginig ang boses ng matanda.

Hello? Ito po ba si Marta Ramirez?

Pinilit ng matada na huminto sa pag-iyak. “A-ako nga,...”

Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo, ang inyong apo,” mas umagos pa ang luha ng matanda. “Nasagasaan po siya---”

“A-alam ko, sige. Pupunta ako.”



***

Author's note:

Hindi ako sumusulat ng horror stories para MANAKOT LANG.

Sinulat ko ang kwentong ito dahil gusto ko kayong bigyan ng aral.

At ano nga ba sa tingin niyo ang aral sa maikling kuwentong ito? Comment down your answer!

Kamusta ang unang kwento?

Hindi pa ito 'good bye' dahil marami pa akong iuupdate na short horror stories sa librong ito, Mga Babala.

So stay tuned!

kuya_mark

...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Babala!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon