This part is dedicated to nesami31 thanks for your support.
------
II - Huwag Buksan Ang Pinto
“Miss Santiago?”
“Miss Santiago?...”
“Bess... pssst! Bess...”
Nagbalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong may humawak sa kaliwang braso ko.
Tiningnan ko ang katabi ko na may nag-aalalang tingin.
“Tawag ka ni ma'am. Okay ka lang ba?”
Napasulyap ako sa teacher ko sa harap. “Are you okay Alyanna? Kanina pa kita tinatawag, namumutla ka rin. May sakit ka ba?”
Natagalan pa bago ako tuluyang nakasagot. “O-okay lang po ako, ma'am.”
“Sigurado ka?” alam kong hindi siya naniniwala. “Anyway, are you done?”
Tinignan ko ang papel ko. Kanina pa ko tapos, chinecheck ko lang ang mga sagot ko nang matulala ako.
Tumayo na ako at pinasa ang test questions kasabay ng answer sheets. Bumalik ako sa upuan ko at tumunganga ulit.
Ilang minuto ang dumaan, tumunog ang school bell. Wala nang nagawa ang ibang kaklase ko para ipasa na rin ang papel nila.
Nandito na kami sa canteen ng best friend kong si Suzy, kanina pa siya nagsasalita pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.
May mga bumabagabag kasi sa isip ko.
Biglang naglaro sa diwa ko ang nangyari kagabi.
------
“Yanna?! Alyanna apo ko! Gumising ka! Sus! Maryosep! Ano bang nangyari?”
“Siya lang po ba ang tao dito, lola?”
“Oo, Bitoy. Nag-iisa lang siya rito. Naku apo, anong nangyari?”
“Baka naman po, may nakapasok dito. Gulong-gulo po kasi ang mga gamit niyo sa kusina. Nagkalat din ang mga libro ni Alyanna sa sahig.”
Nagising ako dahil sa malakas na pagyug-yog sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat at bumungad sa akin ang nag-aalang mukha ng lalake at ng Lola.
“Salamat at gising ka na, apo ko.” Tinulungan nila akong bumangon.
Pinaupo nila ako, naglakad ang lalaki at bumalik na may dala ng tubig.
“Ito o, inumin mo,” gusto kong magpasalamat pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Tinanggap ko na lamang ito at ininom.
“Alyanna, sabihin mo samin ang nangyari,...” basang-basa si kuya Bitoy at Lola Marta ng ulan. “Alalang-alala ako sayo, akala ko kung ano nang nangyari sa bahay. Mabuti nalang magnanakaw itong si Bitoy, humingi ako ng tulong sa kanya para buksan ang pinto ng bahay.”
“S-sorry po, wala po akong matandaan,” pagsisinungaling ko. Dahil tandang-tanda ko parin ang nangyari sa akin.
Ang matandang babae. Ang wasak niyang mukha. Ang kanyang boses.
------
Hinawakan ko ang leeg ko. Medyo masakit parin ito.
“Hoy bess, nakikinig ka ba?”
“H-ha?”
“Kanina pa ako nagsasalita rito pero parang wala naman akong kausap. Hmmp!” umirap siya sa akin at umaktong nagagalit.
BINABASA MO ANG
Mga Babala!
HorrorA compilation slash collection of my short horror stories. Horror/Mystery-Thriller/Paranormal Enjoy!