III - Huwag Buksan Ang Pinto

293 18 16
                                    

Dedicated ang part na ito kay SweetyUnnie salamat sa support mo rito.


III - Huwag Buksan Ang Pinto


“Basta sa may bandang bintana ako Bess, ha? Ha?” paalala ni Suzy sa'kin at excited na umakyat sa hagdan ng bus.

Mahina akong tumawa. “Oo na sige na, bilisan mo,” sagot ko at sumunod sa kanya.

“Sa may bintana ako..." pakantang sabi niya ulit.

Ngayon ang araw na gaganapin ang Camping ng section namin. Ito kasi ang activity na naisip ng Values Education teacher namin. Paraan na rin daw ito para makapag-unwind daw kaming lahat.

Nilagay ko na ang shoulder bag at paper bag ko sa itaas. Isang araw at dalawang gabi lang naman kami sa camping kaya sapat lang ang dinala ko.

Tamabi ako kay Suzy na ngayon ay excited na nakatanaw sa bintana. Bale may tatlong upuan. Nasa right side ko si Suzy at bakante naman ang upuan na nasa left side ko.

Ilang sandali lang ay umandar na ang bus. Sumandal si Suzy sa bintana at pumikit. “Bess? Tutulog muna ako, almost three(3) hours daw ang biyahe sabi ni ma'am." Paalam niya at sinaksak ang earphone sa tenga niya.

Tumango ako at tinignan ang wristwatch ko. 1:37pm na, baka gabihin na rin kami sa daan. Nilabas ko ang earphone ko, na nasa bulsa ko lang, at sinaksak din ito sa dalawang tenga ko.

Nagplay sa tenga ko ang kantang 'Daylight ng Maroon5.'

***

Napanaginipan ko ang oras na iyon. Ang matandang babae na nakahiga sa mahabang upuan.

“May problema ba, apo ko?” tumingin ulit ako sa upuan at hindi parin siya umaalis.

Hindi ako nakaimik, tila napako ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong sabihin kay Lola ang nakikita ko, pero walang lumalabas sa bibig ko.

Lumapit si Lola sa akin. Kinakausap niya ako ngunit wala akong maintindihan sa mga sinabi niya. Nakatitig lang ako sa matandang nakahiga.

Halos malagutan na ako ng hininga nang makita kong gumalaw ito. At dahan-dahang bumangon.

Hinintay ko ang sunod niyang hakbang. Ngunit ilang segundo na ang lumipas at nanatili parin itong nakaupo, hindi gumagalaw. Ang likod nang mahaba at magulo niyang buhok lang ang nakikita ko.

Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Tila bumagal ang takbo ng oras nang makita kong paunti-unting gumalaw ang ulo niya.

Ang ulo lang ng matanda ang gumagalaw. Dahan-dahan na lumingon ang ulo ng matandang babae. Sa bawat segundong nagdaan ay tila binabawian ako ng buhay.

Bago ko pa makita ang kanyang mukha ay mabilis kong niyakap si Lola at doon nagtago. Naramdaman ko ang pag-agos ng aking luha at nagpatuloy na sa pag-iyak.

“Apo ko, ano bang problema? Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Lola. Hinaplos niya ang aking likod.

“Apo? Bakit ka umiiyak? Ano bang nangyayari sa'yo?”

Umiiyak kong tinuro ang upuan nang nakapikit parin at nakayakap kay Lola. “L-Lola..." hirap ako sa pagsasalita. “h-hindi niya ako tinitigilan, l-lagi niya akong sinusundan.”

“Ano? Sino? Sino bang sumusunod sa'yo, apo?"

“Ayoko na Lola, natatakot na po ako." Panay parin ang iyak ko.

“Sabihin mo kay Lola kung sino, apo.”

Nanginginig kong tinuro ang upuan. “A-ang matanda l-lola, n-nanjan s-siya."

Mga Babala!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon