Gerald's POV
Wow, I can't believe I was able to ask for Sarah's number and she gave it to me. She's so nice. I still can't get over what happened between her and Rayver. Parang di kapani-paniwala na magagawa ni Rayver yon sa kanya e super ok kaya si Sarah. Who can ask for anything more? She's talented, pretty, super bait and family oriented. Kung ako lang, gusto ko rin ng ganyang girlfriend. Someone you can be proud of and bring home to my mom. Ay! Ano ba yan! We haven't even started working together ganyan na naiisip ko. Super atat !
Sayang lang din yung sa amin ni Bea. We could have been a good couple. It was just not the right time and situation. The Kimeralds are so die hard talaga. Hirap magkaroon ng ibang girlfriend kung di rin approved ng fans. Kakapressure. Well, maybe tama rin na mag-isa muna ako now. I can decide what I really want, focus on my career and spend more time with my friends and family. All in good time.
Naka=receive ako ng text kay Ate Nhils. May pictorial ako sa am and then story con daw tomorrow afternoon with Sarah, direk and the rest of the team for our movie. Rest early na ha dahil you have a long day tomorrow, remind sa akin. Kaka-excite naman! Another project. I hope we can make it work especially since we haven't even done anything together tapos sabak na kami sa isang movie. Papa God, please make it successful.
The following day, Gerald woke up and went to ABS for his pictorial. On the way, he was reminded that Sarah said that it will be unlikely that she will be the first to text me. Gawan ko nga ng paraan para mag-text siya. Napangiti ako sa plano ko. hehehe...
Sarah's POV
Woke up early this morning for another busy day. Ang swerte swerte ko talaga sa career ko. Talagang pinagpala ako ni Papa God. Mabuti nang pagod sa dami ng ginagawa kesa walang ginagawa at nabuburo lang ang utak ko sa kakaisip ng mga masasakit na nangyari sa akin.
How I wish I could have spared my family from the pain that I caused them. Ang hirap talaga kapag pati ang pamilya mo nasasaktan na sa mga desisyon na nagawa mo. Dapat talagang magdasal at makinig sa payo ng mga magulang dahil alam nila ang nakakabuti sa akin. They only want the best for me, ika nga. I will never doubt that again. Kaya, sa susunod (ay, sa susunod daw oh! haha), di na ko magpapadala sa kilig. Mas alam ko na. Yan siguro ang upside lang ng nangyari. Natuto na ako at di ko na papayagan ang sino man na gawin sa akin yon uli. I will be much more guarded. Mabuti nang mag-isa kesa naman maramdaman ko uli ang sakit ng isang heartbreak. I will be extra careful with my heart. If and when I decide to have a boyfriend, I will make sure that he will be the last. Ayaw ko na ng papalit palit. Mahirap at masakit sa puso.
Mabuti na lang busy ako kaya I will pour all my efforts into doing my very best in all my projects. Walang makakadistract sa akin. Mabuti pa gamitin ko tong time ko na to to reconnect with my friends lalo na sina Mark, Erick, Shin.
Nagbihis ako kaagad at bumaba na para magbreakfast with the family. We have to go to ABS for rehearsal and then story con for the movie with Gerald.
Nagre-rehearse ako ng biglang lumapit sa akin si Ate Shine na kasama ko nung araw na yon. Sina mommy at daddy ay aasikasuhin muna ang mga papeles sa pagpunta namin sa US for a vacation. May dala-dala itong Starbucks na coffee; may nakadikit na note.
"Sarah, pinapaabot ni Gerald. Para sa iyo raw. May pictorial siya eh so di na raw siya papasok dito." sabi ni ate.
"Sarah, here's a little something to remind you of me-- strong, but sweet." ang nakalagay sa note. Ang sweet nga naman niya naisip ko. Matext ko nga.
"Gerald, thanks sa kape ha. You didn't have to." text ko.
Wala pang ilang minuto, may text agad "O, malapit na akong mahimatay buti nalang nagtext ka na. :-) Diba sabi ko naman sa yo baka kelangan mo ako i-contact."
"Ay, ang kulit mo rin ano. Syempre, wala naman akong choice kundi itext ka para mag thank you sa kape. Ang galing mo rin ano! :-)" Grabe din kakulitan ni Gerald. Talagang gumawa ng paraan para lang mag-text ako sa kanya at ikontra ang tinext ko sa kanya kagabi. How funny! Kung nandito yon napitik ko na siguro tenga niya sa kakulitan niya.
"Hehe, you're welcome. I'll see you later at the story con. Ingat!" sagot niya.
Tinuloy ko na ang rehearsal at hinihintay na ako. Lunch time na nung natapos kami sa rehearsal. Maglunch lang kami sana sa malapit para di ma late sa story con mtg. Paglabas namin ng studio, nasalubong namin si Gerald; kakatapos lang ng pictorial niya. Nagbatian kami ng "hi".
Si Ate Shine ang nagsabing "Maglunch lang kami sa tapat then we'll go na sa meeting. Ikaw?" tanong niya kay Gerald.
"Maglunch din sana. Hinintay ko sana si Fred kaso ma-late daw siya e., sagot niya.
"O e di sumama ka nalang sa amin para di ka naman malungkot. Mag-isa kang kakain.", anyaya ni ate.
"Uhmm, kung ok lang sa inyo at di ako nakakaabala."
"Sus, ok lang yon.", ngiting sagot ni ate. Di naman ako makahirit so nagsmile lang ako habang naghihintay si Gerald ng sagot.
Sumakay na kami sa van at pumunta sa restaurant na malapit. Parang cafeteria ang concept ng restaurant. You had to get the food and pay before sitting down. Ako na ang pumila habang kumuha ng la mesa si ate. Di ko namalayan na nakatayo na pala si Gerald sa likod ko.
"Uy, Gerald andyan ka pala." sabi ko.Ang lapit niyang nakatayo kaya medyo humakbang ako paharap. Amoy na amoy ang pabango niya.
"Syempre naman tulungan kita -- mamili ng food at treat ko na ito sa inyo ng ate mo ha.", offer niya habang kinukuha ang tray mula sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya "wag na, kami nalang." Inilapit niya ang mukha niya pababa sa akin at nakipag eye to eye sa akin. "Hindi, ako na" sabi niya. Bigla akong nahiya at binaba ang tingin ko. Grabe siya makatitig, nakakatunaw. Delikado 'tong chick boy na 'to, marunong magpakilig. Note to self: iwasan kiligin kay Gerald Anderson.
Pumili na ako ng ilang putahe, kanin at dessert para sa amin. Hinayaan ko siyang kumuha ng pagkain niya. Nung magbabayad na sa cashier, nagmadaling iniabot ni Gerald ang pera sa kahera kaya nabunggo niya ako sa likod. Muntik na akong mahulog. Buti nalang naabot niya ang braso ko gamit ng isang kamay niya habang bina-balance ang tray at naihila ako pasandal sa kanya.
"Ingat lang, Sarah" sabi niya.
"Thanks sa pagsalo mo. Grabe ka naman kasi, atat magbayad. Thanks for lunch." sagot ko.
"E baka unahan mo ako magbayad e. Treat ko to diba." sabay ngiti sa akin. Ay sus, deadly talaga.
Pagkakain namin, nagmadali kaming bumalik sa ABS. Pinag=usapan ang story line at ilan pang mga detalye. Early evening na ng matapos ang meeting. Sa susunod na linggo na raw ang simula ng shooting. Nagpaalam kaming lahat sa isa't-isa at sumakay na ng van.
Habang nasa kotse, tinanong ako ni Ate Shine. "Sarah, ano sa tingin mo dyan kay Gerald? "
"Ewan ko Ate, mukha naman mabait pero deadly. Parang he's so used to girls fawning over him na natural na sa kanyang maging flirt. Sobrang intense makatitig, nakakailang."
"Napansin ko nga yon e. Minsan pagnapapansin ko na nakatingin siya sa yo parang he's so serious and parang lagkit ng tingin. Siguro ganoon lang talaga siya--intense. E kung ako ang tingnan ng ganon baka sinagot ko na yon kahit di pa ko tinatanong" patawang dagdag ni ate
"Haha, ate talaga o. Ay, oo talaga. Di na ko magpapadala sa mga gwapong lalaki. Marunong na ko." Napangiti na lang ako kay ate.
-------------------------------------------------------------
Guys, please vote and give me your feedback on the story. Sorry if it's a little slow kasi I want to set up the way their feelings developed for each other (at least from my perspective). Anyways, thanks for reading. Sana dagdagan niyo nalang ng comments.Thanks!
BINABASA MO ANG
ALL OF MY LIFE (Ashrald)
FanfictionThis is my version of the Sasa-Gege story. Of course, it is still fictional as not all events are accurate, but I will try to apply some of the things that have happened into the story so it's more relateable. It will really help me a lot if you c...