Nung Tumunog yung cellphone nagkatinginan kaming lima, ang lilikot ng mga mata namin, yung mga titig namin ay nagtatanong at nagtuturuan kung sino ba ang may dala ng cellphone. At nagulat kami ng biglang nagising na yung classmate naming weird. Dahan-dahan niyang iniangat yung mukha niya. Inginuso ko pa siya kay Joh at pinandilatan lang ako ng bruha! Nalipat yung atensyon naming lima sa kanya, as in nakatingin lang kami at naghihintay sa gagawin niya.
Pag-angat niya ng mukha, hinawi niya yung buhok na tumakip sa maukha niya at pagkatapos ay sinuklay pa gamit ang mga daliri. Panay sabit ngf mga daliri niya sa buhok, kulot kasi siya at parang hindi sinusuklay yung buhok niya. pagkatapos ay ipinasok niya yung kamay niya sa bulasa ng palda niya na parang may kung anong dudukutin dun. At nag-aabang talaga kami sa kung anong ilalabas niya mula sa bulsa niya, at lahat kami ay nakanganga. Dahan-dahan niyang inilalabas yung kamay niya mula sa bulsa. pasuspense pa! Batukan ko kaya siya para magising na, mukhang tulog pa e! Buti na lang mabait ako at mapagpigil. Mapagtimpi, maunawain, mahinhin,maganda,maputi,matalino, mahaba din buhok ko, dati tuwid na tuwid ito at makintab. Pero nung graduation namin nung elementary, pinakulot ko, uso e. Nakigaya lang. May galit ata yung baklang nagkulot or nainggit sa maganda at mahaba kong buhok, malunod kasi sa gamot yung hair ko kaya nasira. Hindi katulad ng iniisip nyo, maganda pa rin itong tingnan, wavy lang talaga parang natural na kulot. Hindi na bumaik sa dati. Pero don't you worry, at kahit ako hindi rin nag-alala kasi hindi ito naging kabawasan sa kagandahan ko.
Tama na nga angpapuri ko sa sarili ko. Masyado na akong conceited. Humble kaya ako, down to earth pa! May pinagkaiba ba yun? Well, balik tayo sa nangyayari sa paligid ko, sa wakas ay inilabas din ni girl yung kamay niya mula sa bulsa niya. ang nakakatawa, wala naman siyang kinuha doon. Pero paglabas niya ng kamay ay parang may hawak itong kung ano. Itinapat niya sa tenga niya yung kamay at saka nagsalita. "Hello?' sabi niya.
Mas napalaki pa namin yung pagkakabuka ng aming mga bibig akalain mong may dala pala siya invicible cellphone? Sa kanya ba talaga yung tumutunog? Parang hindi naman kasi hidni pa rin tumitigil sa pagtunog yung cellphone na narinig namin kanina.
Mukhang nananaginip ata siya. Parang gusto kong matawa sa ginagawa niya. Pero pinipigilan ko lang ayokong maka-offened e. Pero si Anne, hindi niya napigilan ang pagtawa. At mabilis na tinakpan ni April ng kamay yung bibig niya.
"Hello?!" pag-uulit ni girl na medyo pagalit yung tono. Hindi rin nagtagal ay napansin na rin niya na wala siyang hawak na cellphone. At nagtaka din niya sa kanyang ginawa sabay ngumisi. "Ay, wala pala akong cellphone" sabi pa niya. At bumalik uli sa pagdukmo.
Nagtawan kami hindi na namin napigilang ilabas yung kanina pa namintinatagong paghalakhak. Inilabas na namin kesa naman sa iba pa ito duman. "Pero teka, kanino bang cellphone yun?" tanong ko.
"sa akin yata" pasimpleng sagot ni Vel. "text lang pala" sabi niya matapos tingnan yung cellphone niya.
"Grabe naman yung tone ng cp mo, kung makapagpapansin" sabi ni Joh.
"sensya na ha, cellphoen lang kasi wala naman itong utak e" sagot ni Vel.
"okey lang, parang may-ari lang" sabat ko.
"Tama!" second the motion ni April.
"Parang siya may utak ah! Pakitingin nga!" pang-aasar ni Anne kay april ang laging lambingan ng dalawa.
Alam ko na kung saan na naman mapupunta ang lambingan nilang iyon. Lagi naman silang ganun e, medyo nakakasawa nang umawat lagi na lang yun ang role ko. May susuko din diyan sa dalawang yan.
"may tao bang walang utak?" sagot ulit ni april kay annne.
"Ah wala nga pala! Sorry naman! May utak ka nga pala pero wala kang isip hahaha" at syempre nauuwi yun sa habulan. Parang mga bata di pa nagmamatured. Ba't di sila tumulad sken? Mabait, nakaupo lang sa upuan, hindi na ako nakikipaglaro lalo na kung mga larong nakakapagod at nakakasakit. Ayoko ngang pinangpapawisan ako. Okey na akong panoorin silang nagkukulitan. Mamaya lalapit na si April para magsumbong sken. Ba't kasi ang aga kong nagkaanak? Parang iniluwal ko ata siya nung mga sandaling may amnesia ako at pagbalik ng alaala ko, charan! bumulaga si april! Ganun lang yun. Parang humatsing lang tas lumabas na siya sa ilong ko.
At ayan na! Iniisip ko pa lang heto na yung dalawa after mapagod sa paghahabulan.
"Mummy! si anne uh!" sumbong ni April. Pinasingkit ko yung mata ko, ayoko ng magsalita e kasawa sialng suwayin.
"Mummy! Mummy! Mummy!" pang-aasar pang lalo ni anne.
"Tigilan mo na nga! Baka hindi na yan magmatured. Yung paglaki tanggap ko, hindi na talaga yan lalaki, yung pagmamatured na lang ang inaasahan ko. Kaya tigilan mo na siya para hindi na maudlot!" si anne na yung pinagsabihan ko. Siya din naman kasi yung mapang-asar talaga e.
Maya-maya'y natahimik kami nung biglang nagising ulit si classmate. Sinenyasan ko pa sila para tumahimik. Buti na lang at nakikinig sila sken.
"ano bang meron at ang iingay nyo?" tanong ni classmate. sa wakas nag-i-exist na rin siya sa mundo namin. Kanina kasi parang siya lang yung nag-iisa sa mundo niya hahaha.
"Ano ka ba!? Tulog ka kasi ng tulog.........nasa party kaya tayo! Sige ka, hindi mo ito mai-enjoy" pasaway talaga itong si Anne. Walang pinipiling paglaruan.
"PARTY?!" bigla siyang napabalikwas sa gulat! sino bang hindi magugulat sa sinabi ni Anne. Sa school siya pumasok at nakatulog lang siya tapos pag gising niya nasa party na siya! Si anne talaga, REYNA NG PASAWAY!!! " bakit ako nasa party?! anong ginagawa ko dito?.........hala lagot ako! dapat ay nasa school ako!" bigla siyang tumakbo palabas ng classroom.
Natahimik kaming lahat habang tinitingnan siyang palayo. Parang napahinto yung oras at napatigil kami. Yung totoo, gising na ba siya o tulog pa? Sineryoso niya yung pagbibiro ni Anne!
"Hala! Naalimpungatan yun! " sabi ni Joh. "Habulin mo Anne! Kasalanan mo yun e"
Mabilis na tumakbo si Anne palabas ng classroom para sundan siya. Hidni naman kami nakatiis at sumunod na rin kami.
"HOY! Teka! Babaeng kwan! Ano!" tawag ni Anne pero hindi siya nadidinig. "Ano nga yung name niya?" tanong pa niya smen.
"Malay namin! Di pa kaya siya nagpapakilala, kita mong kagigising lang nya!" sagot ni April.
"Tawagin mo na lang sa kahit ano basta lakasan mo para marinig niya at huminto siya! Bilisan mo kaya papalayo na siya." sabi ko.
"Ikaw kaya sumigaw.....sige i-try mo kaya, Kaya mo kaya mo? Sayang ang golden voice ko ano!"-Anne.
"Si Joh na lang" sagot ko. "Tutal malaki boses niyan" -ako.
"Ayoko nga! Nauubos na nga yung boses ko sa kakabasa ng libro e. " ano connect nung pagkawala ng boses sa pagbabasa?
"Pwede ba yun?" tanong naman ni Vel. Ako din curious e.
"Ah basta nakakamalat yung pagbabasa" - Joh." takbuhin mo na lang Anne"
"ikaw kaya! Sige gawin mo ,tutal ikaw ang pinakamabilis tumakbo sa barkada e, sundan mo na kaya..........siyang ang kasexyhan ko sa paghabol sa kanya" ang daming arte, batukan ko nakaya ang baabeng ito!
"Bilisan mo na! Makakalayio na uh!" sabay tulak ni Vel kay Anne.
Bumwelo pa si Anne bago sumigaw. "SADAKU!..........................................................."
Pare-pareho kaming nanigas sa ginawa ni Anne. Sa dami ng isisigaw niya ba't yun pa? At mas nanigas kami nung huminto nga si classmate.
"Naku lumingon siya!" sabay tago ni Anne sa likuran ko.
"Wah! umalis ka diyan! Wag ka sa likuran ko! Ayoko madamay!" pinipilit ko siyang umalis sa likuran ko kaya ang seste nagtutulakan kami. Lalo na nung nakita naming naglalakad pabalik si classmate at nakatungo pa! Feeling ko matalim yung mga tingin niya kahit pa malayo siya. Parang may pana yung mga mata niya na anytime papakawalan niya para tusukin kami.
"lagot ka Anne, ginalit mo! Bahala ka diyan!" kantyaw ni April.
"Nuh ba kayo! Relax lang relax!" -Anne. Parang kampante siya pero nanginginig din yung tuhod.
"May plano ka ba?" tanong ko.
"Meron, pag lapit niya at galit nga siya...........pag bumilang ako hanggang tatlo sabay takbo ha" bigla ko siyang binatukan. Ano bang klaseng plano yun?
BINABASA MO ANG
VARMAJJELA_FB (forever barkada) slow update
Teen Fiction(SLOW UPDATE) Ito ay istorya na naglalaman ng kwento ng isang barkada na binubuo ng pitong magkakaibigang babae na nabuo during their highschool days. At sila ay sama-samang bumuo ng isang pangarap.