April's POV

11 1 1
                                    

Pagkatapos tawagin ni Anne yung classmate sa pangalang sadaku ay bigla siyang huminto at napalingon. Nagulat kaming lahat. Lalo na yung bigla siyang naglakad pabalik. Kahit malayo parang nakikita ko yung mga tingin niyang pailalim. Nakakatakot!

"Wah! Sadaku nga ang pangalan niya!" sabi ko with matching turo pa kay classmate.

"Ano ka ba! Tingnan niyo nga mukhang galit siya." sabi ni Joh. At sabay siniko pa ako sa tagiliran.

"Aray naman! Parang hindi mo alam na wala akong panama sa katawan mong malaman....tingnan mo nga......buto-buto lang ako....di ka ba naaawa?" reklamo ko.

"Dapat nga maawa pa ako sa sarili ko kasi tutusok ang buto mo sa laman ko....tsaka hindi naman naglalayo ang katawan natin....masyado ka." ganti niya. "by the way guys....paalala ko lang wag kayongag-oopen ng t.v. mamaya pag-uwi nyo ha?" dugtong pa niya.

"Bakit?! Paborito ko pa naman Fushigi Yuugi...." tanong ko. Hindi ko kaya pinapalagpas ang life story ko haha.

Bigla ko nalang nakitang napatingin ala ang lahat kay Joh. "Joke!" bawi niya nakapeace sign pa ang daliri.

Pero lagot talaga kami ngayon.....anong mangyayari sa amin pagkalapit niya. "Guys, dapat siguro makinig tayo sa sinabi ni Anne kanina....dapat maghanda na tayong tumakbo." suggest ko. Pero parang di ko sila naconvinced. "Eh pano si Anne naman ang may kasalanan....Tinawag niya sa pangalan na hindi naman kanya....malay nyo natakot yun."

"Oh, so ganun! So parang nililigtas mo ang sarili mo! Oh di sige GO ka na! Takbo na dali!"-Anne.

"biro lang.." katakot siya.

"Ang oa niyo mag-isip. Malay niyo hindi yan galit....baka ganan lang tumingin." sumabat na si Mummy! May kakampi na ako!

Maya-maya pa ay nakarating na sa harapan namin si Sadaku este si Classmate. Lahat kami ay naging tuod. Naghihintay ng galit niya. Pano kaya siya magalit! Pero ok lang wala naman t.v. dito eh. Wala siyang lalabasan.

"Bakit?!" nagtanong na siya. Wala kaming maisagot at lahat kami ay parang iisa ang nasa isip. Sabay-sabay naming itinulak si Mummy Malou. Kaya siya nung napaharap. Eh, sa aming lahat kasi siya yung mahinahon, nag-iisip, mahinhin kahit sa pagsasalita. Yung parang pag kausap mo siya ay makakalimutan mo na lang ang mga nangyari.

"May sasabihin ba kayo?" nagtanong ulit si classmate. Nakita kong napalunok si mummy ko. Malamang tense din siya.

"Ah...kasi si mummy, may sasabihin siya sayo." ayan itinulak ko na siya. As in sinimulan ko na para makapagsalita si Mummy Malou.

"Ako?!....b-bakit ako?!" nanginginig ang boses niya.

"Hello?....siyempre kaw kaya ang ina ng barkada....normal labg yun. Parang tulad ng pagtawag ng principal sa magulang ng estudyante." medyo tinabig ko ang likod niya....I'm so proud.

"Bakit naman?" parang naguguluhang tanong ni classmate. Nagkamot siya ng ulo.

"Tinawag ka kasing Sadaku ni Anne kanina.....yung ba talaga ang pangalan mo?" tanong ko. "Aray!" ang sakit nun! Napatingala ako. Si Anne pala ang bumatok sa akin. Napasimangot tuloy ako.

"ah...oo nga no? Parang may tumawag nga sa akin kanina...." napakamot uli siya ng ulo. May sakit ba siyang kalimot?" "Kayo ba yun?!"

"Ah, ano kasi....tinawag ka naman para pabalikin Hindi pa kasi tapos ang klase." biglang sabi ni Mummy. Sinadya niyang ibahin ang usapan baka kasi magalit ng tuluyan si Sadaku.

"Ah,ganun ba?" simpleng tugon niya.

"Ah nga pala.....Sadaku pangalan mo?" usisa ko. Curious lang. "Aray!!!" napayuko ako ng sabay-sabay nila akong pinagkukunyatan sa ulo. "Masama ba?!! Para nagtatanong lang ah!!!"

"Hindi....Leonora ang pangalan ko." oh kitams! Eh di nalaman na namin ang name niya! Ang sakit naman ng ginawa nila. Baka magkabukol ako nito ah!

"Pero teka....ibig sabihin hindi mo kilala si Sadaku? Hindi ka man lang kasi nagalit." biglang tanong ni Joh.

"Hindi eh. Sino ba yun?!"

"Wah! Di niya kilala!!!" kikay na sigaw ni Anne.

"Buti nga di niya kilala kaya tumahimik ka na!" saway naman ni Vel kay Anne. Naunahan ako ni Anne ako sana ang magsasabi nun. Nagulat din kasi ako.

Bigla nalang hinatak ni Joh si Leonora. Naglakad na sila pabalik sa classroom. Kaya sumunod na rin kami.

"Hindi mo ba talaga kilala si Sadaku?" narinig kong tanong ni Joh kay Leonora. Nagmadali akong lumakad para makasabay sa kanila. Gusto marinig yung usapan nila.

"Hindi eh" sagot niya.

"Ah....pelikula yun....gusto mo minsan punta ka sa bahay nila Malou, magkita tayo dun kasi may bala sila manood tayo." pag-aaya ni Joh.

"Sige"

"Wah! Bakit naman sa bahay namin!!!" sigaw ni Malou na kahit pala nasa huli siya ay narinig niya pa rin. Ang bagal kasi maglakad! Teka sigaw na ba niya yun? Para kasing normal na salita niya lang. Wala nga pumansin eh.

"Mas malapit kasi ang bahay niyo kesa sa bahay namin...tsaka kayo ang bala di ba." sagot ni Joh.

"Basta sa sunday.....text kita ha."-Joh.

"Ah.....wala akong cellphone." sagot naman ni Leonora.

"Ah....sige magkita na lang tayo sa kanto sa labasan tapos sabay na tayo pumunta kela Malou" nakapagplano na si Joh. Hahahaha

"Sige"

"Hindi niyo man lang ba ako tatanungin kung payag ako?" parang nanggagalaiti na si mummy pero, wala eh. Di siya pinapansin.

"Maghanda ka na lang ng meryenda sa linggo" sabi ni Joh pero hindi niya nilingon si mummy.

"Sama ako ha." yun na lang ang nasabi ko.

"Yung pupunta magdala ng meryenda" narinig kong sabi ni Mummy.

"Pwede naman mamitas na lang ng mangga sa puno eh." sabat ni Vel. Parang may balak siyang pumunta hahaha

Oo nga pala. Baka iniisip niyo kung mummy ang tawag ko kay Malou. mummy kasi....para siyang mummy hahaha sobrang bagal kumilos hahaha

Parang nagkasundo na kami.....sa Sunday kela Mummy kami!

******************

Sorry guys kung ang tagal ng update....two months hahaha....tapos waley pa ang chapter.....pagbigyan na po ha. Bawi na lang next time. Sarreh. Fine. Sarreh. Hahaha

VARMAJJELA_FB (forever barkada) slow updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon