Mukhang napahaba ang tulog ko kanina wala kasi akong maintindihan sa mga nangyayari. Tulad ngayon, may mga kasama akong weirdo. Kanina pa sila daldal ng daldal, mga kwentong di ko magets. Tapos bigla na lang kaibigan ko na pala sila...ang weird talaga nila. Tapos sabi pa kamukha ko daw si Sadaku. Maganda kaya yun? Hindi kasi ako mapagpanood ng tv. Wala kasi nun eh. At habang naglalakad kami pabalik ng classroom, may biglang humatak sa braso ko nung malapit na ako sa may pintuan. Muntik na tuloy akong ma-out of balance. Nung makarecover ako nakita ko sila na nakatago sa may gilid. Bakit kaya?! Tapos kinakawayan ako para lumapit. Kaya lumapit narin ako sa kanila. "Bakit?!" tanong ko.
"Late na tayo sa isang subject. Nandoon na yung teacher natin...di ba?" tanong sa akin nung may mahabang buhok. Parang kinakabahan siya. Bakit kaya?! May nagawa kaya siyang mali?!
Tumango lang ako sa tanong niya. Dapat nga nakapasok na ako sa loob kundi lang nila ako hinatak. "Ayaw niyo bang pumasok?" tanong ko.
"Paano tayo papasok kung may teacher na!" sabi naman nung may bangs.
"Bawal bang pumasok pag may teacher na? Eh di ba nga nag-aaral tayo? Natural lang na may teacher sa loob tsaka nasa school tayo kaya normal lang may guro di ba?" sabi ko ulit. Nakatayo lang ako sa harapan nila habang sila nagsisiksikan na parang mga weirdong spy.
"Hayy....engot ka talaga....halika nga dito!" sabi naman nung isa na parang nanggigil pa sa akin. Nakakatakot baka bigla na lang akong kagatin. Eh rabis siya, mapapadali ang buhay ko. Wala pa akong nararating. Ang dami kong ambisyon. Gusto kong maging artista, commercial model ng shampoo, gusto ko din maging writer at maging director at pag may pera na ako magpu-produce ako ng pelikula. Bigla akong hinatak nung kausap ko kanina kaya napalapit tuloy ako sa kanila. Hayun! Nakitago na rin.
Para kaming mga fans ng isang artista at naghihintay na dumaan sa may tapat namin. Yung tipong pag malapit na ay bigla kaming susulpot at hihinge ng authograp.
Nagbubulungan sila kung paano makakapasok sa loob. Hindi ba talaga nila alam? "pumasok tayo sa pintuan. Ganun lang naman kadali ang pinuproblema niyo eh. Tara na!" tumayo ako para ayain sila. Hindi ko alam kung hanggang kelan nila balak magtago dun.
"Ano ka ba! Hindi mo ba kilala yung teacher na nasa loob?" tanong sa akin nung may bangs.
"Hindi. Kaya nga papasok ako para makilala siya eh. Ayaw niyo pa? Mauna na ako ha." sabi ko at tumalikod na nang bigla na namang may humatak sa akin. Kainiz!
"Alam mo ba yung nasa loob na teacher yun yung pinakamatapang at pinakamasungit at pinakakinatatakutang guro sa eskwelahang ito. Naiintindihan mo?" tanong sa akin nung himatak sa akin na nakalimutan ko na agad ang pangalan ang alam ko lang may pagkaboyish siya.
Tumango-tango ako sa description niya doon sa teacher namin. "Ibig sabihin, magagalit yun kasi late tayo sa subject niya. Favorite ko pa namang teacher yun" dugtong pa niya. Favorite naman pala ayaw pang pumasok.
"Eh di pumasok na tayo..." pag-aaya ko ulit.
"Si Anne kasi ang may problema dito eh!" reklamo nung nakabangs.
"Bakit ako?!"
"Kaw naman talaga!"
"Tumahimik na nga kayo!" saway nung mahaba ang buhok dun sa dalawang malapit ng mag-away. Nagkukurutan na kasi ng pisngi. Yung may bangs at yung kikay.
"Ano ang gagawin natin, Mummy Malou?" tanong nung may bangs dun sa mahaba ang.buhok. So Malou pala ang name niya.
"Hindi ko alam."
Maya-maya ay nagsimula ng tawagin nung teacher namin yung mga pangalan ng lahat. Inaalam na kung sino yung mga absent. Lagot ako! Hindi na ako sisikat nito!
Malaki at talaga ngang nakakatakot ang boses ng teacher namin sa subject na ito. Kaya lalo akong nasasabik na pumasok para makita ang itsura niya. "Favorite subject at favorite ko!" maiyak-iyak na sabi nung boyish.
"O sige na Joh! Pumasok ka na! Tutal favorite mo siya. Baka pagbigyan ka. Ang tanong eh kung favorite ka niya!" sabi nung long hair.
"Go! Go! Go! Sige na Joh!" nagcheer pa talaga yung may bangs.
Ok, Joh pala name niya. Nakikilala ko na sila unti-unti.
"Ayoko nga!"
Natahimik ang lahat nung paisa-isa ng natatawag ang name namin.
"Santos, Jennily Anne."
"Present po" nakapout na sagot ni kikay. So yun pala name niya. Mahina lang ang pagsagot niya syempre nasa labas kami.
"Malapit na ako." sabi nung angelic face.
"Patay! Lahat tayo absent ngayon" nakasimangot na sabi ni Miss bangs. Teka, natawag na ba siya?!
"Tan, Rosevelle"
Nagtaas ng kamay si angelic face parang makikita!
"Tesorero, Jocelyn; Vasquez, Leonora; Ventura, Marilou!" lalong lumakas ang boses niMa'am nung nagsunod-sunod na ang pagtawag sa mga pangalan namin nahalata ata niyang lahat kami ay wala sa upuan.
Narinig ko na yung pangalan ko!..........Ako yun!....
Dali-dali akong nagpunta sa pintuan. "Ma'am present po ako!" sabay sabi ko pagkalapit ko. Nakita ko pang nagulat si Ma'am pagkasagot ko sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. At lahat na ata ng mga kaklase namin ay napatingin din.
Napatingin din ako sa mga kasama ko. Nanlalaki ang mga mata nila at nakanganga pa!
Buti hindi tuloy laway!
Bakit kaya???!!!.....
Present naman talaga ako eh!
*******
next time ulet hehe---
BINABASA MO ANG
VARMAJJELA_FB (forever barkada) slow update
Teen Fiction(SLOW UPDATE) Ito ay istorya na naglalaman ng kwento ng isang barkada na binubuo ng pitong magkakaibigang babae na nabuo during their highschool days. At sila ay sama-samang bumuo ng isang pangarap.