Wah!............
Lumapit siya sa may pinto! Patay!
Pare-parehong tumigil ang oras sa amin nung makita naming biglang lumapit si Leonora sa may pintuan matapos niyang marinig ang pangalan niya. Di ba siya nag-iisip?! Kukutusan ko yang aanga-angang yan eh! Pero kunsabagay kanina ko pa rin gustong pumasok. Favorite subject ko yun eh. First day pa anaman tapos nagcut na agad ako ng subject grabeh naman.....hi di ako makapaniwala sa sarili nito. Running for top pa naman ako choz! Top---lak haha.
Dinig na dinig namin ang pagsasalita ng teacher namin. Galit na galit siya. Pare-pareho kaming nanginginig sa takot. Ako nga parang naiihi na ako eeh. Pero si Leonora, hindi man lang kakikitaan ng takot o kaba. Kahit nakasigaw na yung teacher namin para parin syang aanga-anga habang nakatayo sa pintuan.
"Anong ginagawa mo diyan sa labas!?" Nakakatakot talaga ang boses ng teacher naming yun. Terror talaga siya. Siya lang ang bukod tanging kinatatakutan ng lahat ng mga estudyante sa school na ito. Tapos naging teacher namin sya. Sa mismong favorite subject ko! Yung malaki niyang boses,lalong nagpatindig ng balahibo ko. Lalo namang kumapit si April sa akin. Sa amin kasi, siya ang pinakamahina ang loob, matatakutin pa! At iyakin. At sa lagay na ito,ano pa ba ang aasahan kosa kanya. Hayun! Unti-unti ng namumula ang mga mata niya halatang naiiyak na siya.
"Hindi ko po alam." Ang engot talagang sumagot ni Leonora. Para siyang out of this world. Saan kaya niya naiwan ang utak niya?
"Nasa labas ka, at hindi mo alam kung bakit ka nandiyan!?"
Hala! Lalong nagalit yung teacher namin! Lagot na talaga kami! Hindi na ako papasok.
"Hindi ko po talaga alam eh, ang natatandaan ko na lang potumatakbo ako at tinatawag po nila ako tapos po, late na po kami." Hala! Nagkwento pa talaga siya! At dinamay pa kami!!! Ok nga at damay kami pero dapat di na lang siya nagkwento.
"Sinong mga kasama mo? Asan sila?"tanong ng teacher namin. Parang tumalas ata ang pandinig ko, parang naririnig kong naglalakad yung teacher namin palapit sa may pintuan.
Wag please!
Please......wag na.
Mapapatay ko talaga si Leonora sa ginawa niya.
Nakacross fingers ako promise!
"Hayun po sila uh!" Waaaaaaaah!.........................
Nagawa pa talaga Niyang ituro kung nasaan kami. Sa sobrang gulat at kaba namin napatayo na lang kami. At ano pa nga ba ang magagawa namin eh di lumapit na kami sa may pintuan na para bang nakikipagbaka kasi kapit-bisig kami at dahan-dahang lumalakad palapit. Okeyy, bumalik ang panahon ng people power. Pero ang isinisigaw ng puso ko,sana wag kaming pagalitan.
Pagkalapit namin, saktong nakalapit na rin sa may pintuan ang teacher namin. "Kailan pa may klase sa labas? Gusto niyo ba diyan magklase? Oh sige. Pagbibigyan ko kayo. Kakasimula lang ng klase nagpapasakit na kayo ng ulo! Para kayong mga hindi section one ah!"nakayuko na lang kaming lahat at nakikinig. Ano pa ba ang magagawa namin, alangan namang sagutin namin ang teacher namin. "Ano pa ang tinatayo niyo diyan, hala pasok na. Pasalamat kayo at nasa section one kayo ha, kundi sa labas kayo magkaklase ngayon. Pagbibigyan ko kayo ngayon, pero may record na kayo". Dali-dali kaming nagpasukan sa loob baka kasi magbago pa ang isip niya. Pero.bawat pagdaan namin sa tapat niya kinikilatis pa niya ang mga itsura namin. Hala! Mukha ngang kinakabisado niya kami.
"OKEY, GET ¼ SHEET OF PAPER, NOW!" HALA!Nagalit namin siya! Pati tuloy buong klase nadamay. Diyan siya kilala sa pagiging istrikto at kapag naiinis bigla bigla nagpapaquiz. Eh wala pa kaya siyang tinuturo! Anong isasagot namin.
BINABASA MO ANG
VARMAJJELA_FB (forever barkada) slow update
Novela Juvenil(SLOW UPDATE) Ito ay istorya na naglalaman ng kwento ng isang barkada na binubuo ng pitong magkakaibigang babae na nabuo during their highschool days. At sila ay sama-samang bumuo ng isang pangarap.