Leonora's POV
Pagkaupo ko sa bangko nangalumbaba na lang ako nakakainip kasi e. kahit na first day pa lang ng klase ay parang boring na agad. Kahit hindi naman ganun kakilala ang isat-isa ay parang matagal na silang magkakasama grabe kung magkwentuhan ang mga ito. Nakakasawa pakinggan. Mas gusto ko pa ang mag-isa at mag-imagine ng next story ko. Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ko ang mga ulap. 'Pag ganito kasi ay napakaraming ideas ang pumapasok sa isip ko. Nakakabuo ako kwento out of clouds mas enjoy ako 'pag ganito. At habang nagdi-day dreaming ako, bigla na lang tumahimik ang lahat. Bakit kaya?
"good morning class?" kaya naman pala! Dumating na yung first teacher namin. Syempre bumati na rin kami.
"Good morning ma'am." sabay-sabay naming bati.
"ako nga pala ang science teacher ninyo at the same time ay ang inyong adviser, I'm Mrs. Edna Limbrano and before we start our class, aayusin ko muna ang inyong sitting arrangement in alphabetical order," tahimik lang ang lahat na nakikinig hanggang sa marinig yung sinabi ng teacher namin na aayusin ang sitting arrangement namin in alphabetical order, nag-ingay na ang lahat! Bakit kaya?
After nun pinatayo na kami bitbit namin yung bag namin at nagpunta kami sa gilid para ibakante yung mga upuan. Tas bigla na lang sumimangot si April. yung itsura ng mukha nya hindi maipinta para bang sobranmg apektado sya. "ayan mummy , ayoko ng ganun! Ako lang ang mahihiwalay sa atin, ayoko na!" at talagang maiyak-iyak na sya! Ang bilis naman nyang bumuo ng luha.......artistahin!
"ano ka ba! para yun lang! okey nga yun e, para maging independent ka na! Isang taon din kayong magkatabi ni Malou tingnan mo halos magkapalit na kayo ng mukha! Buti na lang nagbakasyon pa kundi wala na! Sayang ang magandang mukha ni Malou kung sa'yo lang din mapupunta" pang-aasar pa ni Anne, na parang yun talaga ang talent nya. Effective hahaha.
"angelic pa naman" dugtong pa ni Rosevelle sabay tawa. Na mas lalong nagpa-inis kay April.Nakakatawa sila!
"grabe naman kayo!" wah! nagtampo ata si April, lumayo kasi sa kanila.
"tigilan nyo na nga sya!" ayan umawat na ang mummy.
"wait guys, ba't nga pala mummy yung tawag ni April kay Malou? kasi ang tigas ng pronounce ee" natanong ko tuloy.
"ganun talaga yun nagbi-baby talk pa kasi ee, wag mo na lang pansinin yun" si Anne ang sumagot.
"kinakampihan kasi ng mummy nya, ayan uh! sumaklolo na!" kantyaw naman ni Jocelyn kay Malou.
Napunta nga si April sa second row of girls side syempre girl sya. Kaya pala! Siya nga talaga ang mahihiwalay ng malayo hahaha.
Sa gitna naman napunta si Anne na katabi ni Vanilyn ang model wanna be. At sa last row kami nagkatabi-tabi nina Rosevelle, Jocelyn, ako, at si Marilou.
"okey class, kopyahin na ninyo ang sched ninyo and please be quite ha" sabi ni Mrs. Limbrano pagkaupo namin. "at dahil sa first day, laging nag-uumpisa sa pagpapakilala at dahil lahat kayo ay nagmula sa iba't ibang section last year magpakilala na lang kayong lahat" dugtong pa ng teacher namin.
Kani-kaniya na kami ng style ng pagpapakilala na para bang napakahalaga nun. Yung tipong kailangan talagang tumatak sa isip ng lahat ang pangalan nila? Hmmmm. hindi mawawala sa iba ang pa-englis english, may nahihiya kuno, may maarte style, may astigin style na more on boys, may parang nangangampanya pa election agad ganun?, yung iba sinamahan pa ng konting pakita ng talent like singing, or dancing, may iba namang nagmamadali na parang kulang ang binayad na talent fee.
At dahil first day pa lang naman, yung ibang subject teacher wala pa, kaya after nung adviser namin wala pang sumunod kaya ang mga studyante daldal dito daldal doon, may lakad ng lakad, may mga boys na nakikilpagkilala sa mga beautiful girls!..........
Haaaay.........so boring! Makatulog na nga lang!
BINABASA MO ANG
VARMAJJELA_FB (forever barkada) slow update
Novela Juvenil(SLOW UPDATE) Ito ay istorya na naglalaman ng kwento ng isang barkada na binubuo ng pitong magkakaibigang babae na nabuo during their highschool days. At sila ay sama-samang bumuo ng isang pangarap.