Xylie's Pov
Damn!
Muntik na akong mahulog dahil sa sigaw ni Xumie!
Sinamaan ko naman siya ng tingin pero nag peace sign lang sya.
"Hihihi baliktad damit mo" Natatawang sabi nya
Napatingin naman ako sa damit ko.
"Waya~" Sabi ko at pumunta na ng kwarto saka binaliktad ang damit ko
Pumunta ako ng banyo saka naghilamos at toothbrush tapos nag warm up at huminga ng malalim bago bumaba.
'Here we come'
"Tara na!!!" Excited na sigaw ni Yin
Parang lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko nang lumabas na kami at sumakay ng van.Ito ang unang beses namin na gabi mag my-mystery.
Si Yin ang nag da drive kasi nakuha nya ang direksyon sa google..si google pa tsk!
Nag kukwentuhan lang sila at nagtatawanan pero hindi ako makasali sa tawanan nila dahil kinakabahan ako.
Kinuha ko nalang yung cp ko saka tinawagan yung babaeng nakausap ko kagabi sa orphanage.
"Hello" Sagot nya sa kabilang linya
"Hello" Sagot ko din
"Ma'am Xy?"
"Yes"
"Pakausap kay mark" Sabi ko ulit
"Ahhh cge po..bigay ko lang kay mark"
'Mark si ate xylie mo eto' Rinig kong sabi nung babae
"Hi ate!!" Masayang sabi ni mark
Medyo nawala naman ang kaba sa dibdib nang marinig ko ang cute na boses nya.
"Hello mark kumusta ka na jan? Inaalagaan kaba nilang mabuti?" Tanong ko
"Hihihi opo ate ang bait nila.May friends na din po ako dito"
"Talaga? Mabuti naman kung ganon" Nakangiting sabi ko at narinig ko pa syang humagikgik
"Syanga pala mark may sasabihin ako"
"Ano po yon ate?"
"Hindi kita matatawagan sa mga darating na araw kasi nasa gubat kami, alam mo na walang signal doon" Sabi ko
"Hmm okay po pero ano pong gagawin mo doon?"
"May aasikasuhin lang kami saka kasama ko naman mga kaibigan ko"
"Sige po ate ingat ka ha pati mga friends mo ingat kayo..May bad animal jan!"
Medyo natawa naman ako sa sinabi niya.
"Sige ikaw rin ingat ka ha! Kapag may nag away sayo sabihin mo agad reresbakin namin yan hahaha"
"Hahaha sige po ate sasabihin ko"
"Hahaha sige.Ibaba ko na ha"
"Hayy sige po ate bye bye miss na kita"
"Uwu miss na din kita" Sabi ko
"Bye bye ate ingat po"
"Salamat ingat ka din ha bye bye" Sabi ko saka pinatay ang tawag
Pagkapatay ko ng tawag,napatingin ako sa mga kaibigan ko.Napa make face naman ako nang makitang nakatitig sila saakin.
"What?" tanong ko
BINABASA MO ANG
Hades University
Mystery / ThrillerHighest Rank Achieved ●Rank#5 in Mystery/Thriller (COMPLETE) Do you know what it feels like to be tortured? Pain is the only thing that's telling me...i'm alive. If you are reading this then you are blissfully unaware of what is creeping up what b...