Xylie's Pov
Pagkapasok namin,medyo nawala naman ang kaba ko.Kulay puting silid,isang bookshelf na may tatlong libro at dalawang table na may mga papel.
"Oww newbies" Nakangising sabi nung babae
"Uhmm hindi po.Hihingi lang po kami ng tulong sa inyo" Mahinahon na sabi ni Xu
Ngumisi naman yung lalaki.
Nabigla naman ako nung biglang tumawa sya ng malakas.
'Hala! Sabi na mental 'to eh!'
"Naol masaya" Rinig kong bulong ni Sam kaya medyo natawa ako
"Wala nang makakalabas dito!" Sigaw nya
Napaigtad naman ako dahil sa sigaw niya.Bumalik nanaman yung kaba ko kaya huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko.
"What?!" Sigaw ni Alix saka hinampas ng malakas yung table
"Hahaha! Hindi nyo ba nabasa ang ENTER AT YOUR OWN RISK?!" Ngingisi ngising sabi ng lalaki
"No! aalis na kami ngayon din!!" Sigaw din ni Yin
"What do you fucking mean?" Gigil na tanong ni Alix habang kinukwelyuhan yung lalaki
"Hahaha kahit anong gawin nyo hindi na kayo makakaalis!" Sigaw naman nung babae at marahas na tinanggal ang pagkakahawak ni Alix sa lalaki
'Ito na nga bang sinasabi ko eh! Punyetang manong yon pinahamak kami bwiset! Pag nakita ko yun,sasapatusin ko na talaga siya!'
Biglang bumigat ang aura sa loob ng kwarto kaya lalong sumikip ang dibdib ko.
'Time to escape'
"A-ahmm e-excuse me...nasaan po ang banyo nyo dito? Hehe" Singit ko sa sigawan nila.
Wala kasing cr dito sa office eh.Basta bastang bookshelf,table at bintana lang.
"Kapag lumabas ka,dirediretsuhin mo lang tapos kumanan ka..doon na yung cr" Nakangiting sabi ng babae
'Huh? Ang weird nya'
"Samahan na kita" Sabi ni Yin pero umiling ako
"Wag na...mabilis lang ako" Sabi ko saka nagumpisang maglakad
Pagkalabas ko,agad akong sumandal sa pinto at huminga ng malalim.
'Mababaliw na ata ako! Hindi na kami makakalabas?! What the hell?! Anong trip ng mga yun?! May sapak ba sa utak yung mga yun?!'
Habang naglalakad,palinga linga ako.Nasaan ang mga estudyante dito? Bakit ang tahimik?
"May tatlong bibe akong nakita...ikaw mataba ang katabi mo panget m---"
Napahinto ako sa pagkanta nang may maramdaman akong matulis na bagay sa leeg ko.Nanlamig ako nang may maramdaman akong may unti unting likidong pababa sa dibdib ko.
Napasinghap ako nang mapagtanto ko kung ano iyon.
Natatakot man,lumingon pa rin ako sa tabi ko pero...
'Daddy! Charrr'
Huminga naman ako ng malalim.
"PAPANSIN KA?! AKALA MO HINDI MASAKIT YON?! SAYO KO KAYA GAWIN?! BWISET!!! TANGINA MO GAGU ULOL PAKYU BITCH!!" Malakas na sigaw ko sakaniya saka sinamaan siya ng tingin
Mabilis akong naglakad saka kumanan at pumasok sa banyo.
Sumandal ako sa pinto at napaupo sa sahig dahil nanginginig ang paa ko sa takot.
BINABASA MO ANG
Hades University
Mystery / ThrillerHighest Rank Achieved ●Rank#5 in Mystery/Thriller (COMPLETE) Do you know what it feels like to be tortured? Pain is the only thing that's telling me...i'm alive. If you are reading this then you are blissfully unaware of what is creeping up what b...