Yuri's POV
Hindi ko parin makalimutan yung sinabi ni Xander na sino daw ako at hindi ko daw siya best friend pinagloloko ba ako nun?
"Bhie eto na yung card na binili ko tara KTV tayo" aya niya sabay hila sa akin
"Oh teka! hindi ako marunong kumanta"
"Okay lang yan anu ka ba close naman eh kaya walang makakarinig sayo kundi ako" sabay ngiti pa nito
Andito kami ngayon sa loob ng KTV room. Kantahan lang kami. Dito ko na dinaan ang sakit sa mga sinabi ni Alexander.
Nagsawa din kami sa KTV kaya naglaro nalang kami ng baril barilan. HAHA
Try lang naman daw namin mukhang masaya kasi eh
Tsaka nag-iipon kami ng maraming ticket para makakuha ng prize. Masaya ito!
"Bhie gutom na ako' ani ni Ethanie
"Ganun? Ang saya-saya nga dito ngayon ka pa nagutom? Sige lika na nga dun tayo sa Food court" aya ko
At nagtungo nga kami sa food court..
Nung nakaupo na ako at si Ethanie na ang bumili may lumapit sa akin na lalaki.
"Yuri pwede ba kita makausap?" ani nung lalaki at umupo na
"Bakit mo ako kilala? Sino kaba?" tanong ko dito
"Xander to Yuri Bestfriend mo" sabay tanggal ng sumbrero niya
"Sino ka? Hindi kita kilala! Wala akong bestfriend na Xander ang pangalan kaya pwede ba umalis kana" sabi ko dito.
Kasalanan niya dinenay niya ako pwes dedenay ko din siya
Tumingin ako sa direksyon ni Ethanie at ayun papunta na dito.
Kailangan ko nang paalisin si Xander dito baka anu pa masabi nun
"Pwede ba kung sino ka pa umalis kana hindi kita kilala" pagpipilit ko dito
"Yuri pabayaan mo naman akong mag-explain please" sabi pa nito
"Anong ieexplain mo? Hindi nga kita kilala" kahit bestfriend kita kailangan kitang tiisin kahit masakit Alexander masakit
"Bhie! Sino itong lalaking ito?" patay eto na nga ang sinasabi ko eh naabutan na kami ni Ethanie
"Ahh! Hindi ko alam. Hindi ko naman kilala yan" pagtataray ko
"Ehem! Mister kung sino ka man pwede umalis kana? hindi ka pala kilala ng kaibigan ko eh" sabi nito dito
"Ethanie ako ito si Alexander Chiu gusto ko lang naman humingi ng sorry kay Yuri eh" sabay tingin niya kay Ethanie
"Really? Ikaw ba yan?" sabay hawak sa face nito at halatang naninigurado kung siya nga
"Ikaw nga! Bakit ka nandito?" sigaw ni Ethanie
"Wag kang sumigaw baka pagkaguluhan ako dito anu ka ba" sabi ni Xander
"Sinong siya? Kilala ko ba yan? Ako nalang aalis pag hindi pa yan umalis" sabi ko ulit
"Yuri Im sorry okay Im sorry" sabi nito
"Who are you? Stay away from me!" aray kung alam mo lang Xander masakit para sa akin itong lumalabas sa bibig ko ngayon sorry patawarin mo din ako
"Let me explain!' sabi pa niya
"Teka nga tumigil na kayo! Xander umalis kana kung ayaw mo tumawag kami ng guard" sabat ni Ethanie na nakatayo pa din
"Sorry Ethanie. Sige Yuri pasensya na akala ko kilala mo ako mali sigurong Yuri ang kausap ko pasensya na ulit" at isinuot na niya ulit ung sumbrero niya at umalis
"Hala girl anong ginawa mo?" at nagsimula na siyang kumain
"eh sa Hindi ko siya kilala!! Tama na nga kumaen nalang tayo" at ayun kumain kain nalang kami daming binili ni Ethanie.
Pero teka panu nalaman ni Alexander na nandito ako sa arcade.
I mean dito sa food court?
------------------------------
Alexander's POV
Dumiretso sila sa KTV kaya pinanuod ko sila mula sa malayo.
Patalon talon sila. Ang saya naman nila tawanan pa kitang kita sa mukha nila.
Nung lumabas na sila ay dumiretso ako sa counter ng arcade at dumiretso sila sa baril barilan.
Grabe lakas ng trip nung dalawa pero kailangan kong humingi ng sorry kay Yuri at magpaliwanag.
"Bhie gutom na ako" rinig kong sabi ni Ethanie
Kaya alam kong sa foodcourt sila didiretso kaya nauna na akong nagtungo dun
Bumili ako ng coffee at naupo sa isang table.
Nakita ko silang papunta sa kabilang table. Si Ethanie ang bumili.,
Yes! May pagkakataon na akong kausapin si Yuri
Kaya nagmadali akong pumunta doon.
"Yuri pwede ba kitang kausapin" sabi ko agad at naupo sa harapan niya
"Bakit? Sino kaba?" tanong niya.
Ay oo nga nakatago nga ang tunay na itsura ko
"Yuri si Xander ito bestfriend mo" sabay alis ko nung sumbrero ko
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya na parang nagtataka.
"Sino ka? Hindi kita kilala wala akong bestfriend na Xander ang pangalan kaya pwede ba umalis kana?" aray ang sakit naman ng sinabi niya ano ito sineryoso na niya yung sinabi ko kanina sa court please Yuri tama na oh
Napatingin siya sa ibang direksyon
"Kung sino ka pa umalis kana pwede ba?" aray pangalawa na ito Yuri sorry na sorry na
"Yuri pabayaan mo naman akong mag-explain please" pagpipilit ko pa
"Anong ieexplain mo? Hindi nga kita kilala" Please Yuri stop pretending
"Bhie! Sino itong lalaking ito?" oopppzz andito na si Ethanie hindi ko napansin
"Ehem! Mister kung sino ka man pwede umalis kana? hindi ka pala kilala ng kaibigan ko eh" ani niya
"Ethanie ako ito si Alexander Chiu gusto ko lang naman humingi ng sorry kay Yuri eh" sabay tingin ko pa ng diretso dito
"Really? Ikaw ba yan?" sabay hawak niya sa mukha ko at halatang naninigurado pa siya
"Ikaw nga! Bakit ka nandito?" sigaw ni Ethanie
"Wag kang sumigaw baka pagkaguluhan ako dito anu ka ba" sabi ko pa dito
"Sinong siya? Kilala ko ba yan? Ako nalang aalis pag hindi pa yan umalis" Yuri please naman oh hayy naku
"Yuri Im sorry okay Im sorry" yan nalang ang lumabas sa bibig ko
"Who are you? Stay away from me!" pangatlo Yuri hindi ko na kaya mga sinasabi mo kung alam mo lang talaga kung alam mo lang
"Let me explain!' pagpipilit ko pa din
"Teka nga tumigil na kayo! Xander umalis kana kung ayaw mo tumawag kami ng guard" sabat ni Ethanie na nakatayo pa din
"Sorry Ethanie. Sige Yuri pasensya na akala ko kilala mo ako mali sigurong Yuri ang kausap ko pasensya na ulit" sige ganito nalang tutal nag.pepretend kalang din kaya sige okay lang pagbibigyan kita.
Umalis nalang ako dumiretso ako sa dorm ng school ng Choson guest ako kaya okay lang bahala na ganun naman siya eh. Ni hindi niya ako hinayaang magpaliwanag kahit saglit lang. Grabe na siya palibhasa dalaga na kaya ganyan hay buhay.
Bestfriend SORRY
-------------------------------------------
A/N:
" Hello! :) Kamusta? Kaway kaway tayo dyan"
---SUZUMIYA_14
BINABASA MO ANG
BEST Friends --- Secret LOVERS
Teen FictionBestfriends? I think so? But can I love you more than that?
