Chapter 7 : Bahala Na Si Batman >.<

71 6 3
                                        

Yuri's POV

*Sa Loob ng ClassRoom*

"Bhie musta naman ang weekend natin?" tanong agad ni Ethanie sa akin

"Ayos naman nakasama ko kasi yung best friend ko at eto yung binigay niya sa akin oh" sabay abot sa kanya nung drawing book tsaka color pens

"Wow bhie swerte mo naman diyan sa best friend mo" sabi niya 

"Talaga pinagmamalaki ko yata siya" sagot ko

"Balita ko isang linggo dito sa school natin si Alexander" sabi niya habang sinusubukan yung mga color pens ko

"Oo nga daw! Narinig ko sa mga chismosa sa hallway kanina" sabay ngiti ko dito

"Kailangan niya daw maranasan ang mga ginagawa natin dito sa Choson"

 "Talaga? Saan kaya siya mag-stay?" tanong ko dito

"Aba malay ko hindi ako masyadong familiar dyan kay Alexander" sabay abot sa akin nung mga color pen

** Pagkatapos ng klase**

"Dudz! Dumating na pala si Alexander dito" -chismosa 1

"Talaga? Grabe pogi niya tsaka ang bata pa niya" -chismosa 2

"Sana maging close kaming dalawa"-chismosa 3

 Andito pala kami sa Math Center gumagawa ng assignment bago umuwi. Narinig ko nanaman yung mga chismosa na nag-uusap tungkol kay Xander. Aaminin ko nagseselos ako kapag naririnig ko sa kanila yung sana akin nalang siya, asawa niya ako at kung anu anu pa na dapat di naman pagselosan tsaka ano bang karapatan ko wala naman.

Tanga ko naman kasi. Tsaka weird pag ako nagtapat baka mapahiya pa ako mas maganda nalang yung ganito

Pagkatapos namin ginawa yung assignment namin ay pumunta muna kami sa canteen para magmeryenda kanina pa kasi ako nagugutom.

"Uii! Si Alexander yun diba? Tara lapitan natin" sabi nung isang senior namin

Napatingin ako sa  direksyon nung senior namin patungo kay Xander. Nakipicture tapos humingi pa ng autograph. 

Iba na talaga pag sikat.

"Bhie! Okay kalang? kanina kapa tulala diyan. Dada ako ng dada dito wala ka palang narinig" pang-gugulat sa akin ni Ethanie

"Sorry Ethanie gusto ko kasi sana makita si Xander ngayon"

"Problema ba yun? Edi lapitan natin" at kinaladkad niya ako papunta dun sa basketball court kung saan nandun si Xander.

"Uii! Teka nakakahiya maraming tao oh" at nakayuko lang ako

"Alexander!!!!!!!!!"  sigaw ni Ethanie pagkatapak niya sa court

Napatingin si Alexander sa direksyon namin.

"Ethanie naman eh tara na nakakahiya" at pinipilit kong tanggalin yung higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko

"Anu ka ba best friend mo yan noh alangan hindi ka papansinin niyan" sabi niya at hinigpitan pa yung pagkakahawak sa kamay ko

Lumapit naman kaagad si Alexander sa amin. 

"Ohw my gosh! Sino naman yung babaeng yan? Baguhan palang yan dito ah" -malanding senior 1

"Yaah! Look as if Alexander knows the two of them"-malandi senior 2

"Duh! Feeling close" -malandi senior 3

Eto na ang ayaw ko nakakarinig na ako ng mga negative Ethanie kasi eh.

BEST Friends --- Secret LOVERSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon