Chapter 1 : Best Friend <3

243 5 3
                                    

Yuri's POV

Nasa grade 5 ako noon nang makilala ko ang isang lalaking nag ngangalang Alexander Chiu.               Naging malapit kami sa isa't isa.Araw-araw kaming nag aattend ng flag ceremony. Sabay kaming nag rerecess. 

Tumatambay sa library para gawin ang mga homeworks namin                                                             Nagdadamayan kapag may problema

Siya lang talaga ang nakakaintindi sa akin. Nagsilbi siyang parang super hero sa buhay ko. Kaya simula nung nag graduate na kami ng elementary.

Hindi na namin kinalimutan ang isa't isa. Sa dalawang taon na nagkasama kami hindi na namin binitawan ang isa't isa.

Ako nga pala si Yuri Falcasantos labing tatlong taong gulang palang. Nakatira ako sa Blank Village. Freshmen palang sa bagong school na kung tawagin ay Choson University.Akala ko nga mag kakasama kami ni Xander sa iisang school.

pero hindi pala talaga dahil sa kagustuhan ng mommy niya na mag aral sa isang sosyal na school dahil according sa kanya dun daw bagay si Xander. Wala naman akong magawa.

Di kasi ako tulad nila na mayaman. Hindi rin naman kami mahirap. Nasa average lang kasi ang kaya namin at isa pa hindi importante sa akin kung saan ako mag aaral o kung anong pangalan ng school dahil ang importante sa akin makapagtapos ng pag aaral para makatulong na ako kay Mama.

Sa totoo lang miss ko na si Alexander. Bakasyon kasi eh baka nga nasa ibang bansa pa siya. Namimiss ko na siya lalo na yung mga kulitan namin. Iba talaga ang feeling kapag maraming kayong memories ng isang napakalapit na tao sayo.  

Titig palang sa mata niya alam mo na ibigsabihin.                                                                                                           One time pa nga may umaaway sa akin sa park bigla siyang dumating and ayun siya na naging savior ko. Kaya ko nasabi na para siyang super hero.

Hindi ko inaasahan na makikita ko pala yung ganung side niya. Yung taong alam mo nandyan parati para sayo kahit wala ka namang sinabi na gawin niya yung bagay na yun.

Nung minsan naman nag kataon na wala kaming teacher noon lumabas kaming dalawa ng room para sumilip sa kabilang room. Pasaway kasi tong si Xander noon gusto daw kasing makita ung crush nya na di naman alam kahit yung name niya lang. Buti nga crush niya lang yun at hindi mahal agad na sinasabi ng nakatatanda.

Hindi niya man lang nasabi na crush niya yung babae. Kasi nga torpe tapos nasa huli na rin ang pagsisisi diba?. Ang buhay pupil ay napakasaya lalo na pag kasama mo yung taong laging sumusuporta sayo.

Paano na lang ngayong buhay estudyante na ako? Hindi ko na siya kasama sa iisang school? Magiging masaya rin ba ako tulad dati?


Alexander's POV

     Ako nga pala si Alexander Chiu ang bestfriend ni Yuri Falcasantos. Sayang nga dahil di kami pareho ng school. Si Mommy kasi ang nasusunod kaya no choice ako. Sa Stanford Academy ako naka enroll. Nag papicture na din kami ng mom ko sa studio namin para daw sa I.D at Profile ko sa school.

Okay nalang ako ng okay sa kanya pero gusto ko sana kasama ko si Yuri. Wala na akong kakulitan sa classroom. Kami pa nga minsan pasimuno ng kaingayan eh.Kung minsan pa nga kapag wala mga teacher namin lumalabas kaming dalawa para silipin ung crush ko.

Sayang nga kasi hindi ako nagkaroon ng sapat na oras para makilala yung taong yun. Inaasar pa ako ni Yuri dahil hanggang tingin lang daw ako..

Mahirap kaya yung sinasabi niya na umamin na daw ako. Kung siya kaya sa lugar ko ang hirap diba?. Akala kasi ng mga babae madali lang umamin pero ang totoo. Nakakatakot. Paano yung ireject kami edi syempre pahiya kami tapos masakit pa.                                                                                                             Madali lang kasi sabihin pero ang totoo niyan mahirap gawin kapag kaharap mo na yung tao parang umuurong na yung dila mo at hindi mo na magawang sabihin yung dapat niyang malaman

Minsan pa nga pinangarap ko na sana kaklase nalang namin siya para lagi ko siya nakakausap. Hindi naman masama mangarap kahit alam ko namang imposibleng mangyari yun.

Yung mystery girl ko araw-araw kong nakikita sa MATH park pag napapadaan ako dun. Ang hilig niya sa Mathematics. Palagi niyang hawak yung recycled notebook niya na ang kapal tapos yung math book niya tapos nagsosolve siya mag isa. 

Siya pa nga pinakamatalino sa klase nila. Palagi pa siyang sumasali sa mga Quiz Bee mapa-school level hanggang National Level. Eto pa siya rin ang President ng klase nila. Nakakaproud diba? Bukod sa maganda siya matalino pa sino ba namang lalaki ang hindi magkakacrush sa kanya. Ultimo pati ako humanga sa kanya.

Napapakanta tuloy ako ng "NASAYO NA ANG LAHAT". Korni yun para sa isang lalaki pero may paninindigan ako. Yan ang dapat tandaan.

At ang isa pa palang reason ko kung bakit ayokong mag tapat sa kanya dahil marami ng sumubok na umamin sa kanya ng nararamdaman kaso anong nangyayare sa mga yun.

Ayun!! Lahat Busted. Alam kong napakabata pa namin para sa mga yun pero papasok na kami sa pagiging teenage at parte naman yun ng buhay ng isang tao. Sabi pa nga ng iba. Ang teenage days daw ang pinakamahirap na stage ng buhay kasi marami daw tukso. 

Tapos pagkatapos mabusted di na nya pinapansin mga umaamin sa kanya. Lagi pa daw niyang sinasabi na pwede naman tayong maging mag kaibigan eh kaya siguro lahat ng kaibigan niya lalake..

Naalala ko pa nga nung eksaktong Valentines Day . I tried to confess that day pero isang pangyayari ang nagpigil sa akin.

At alam niyo kung ano yun?

Pumunta kasi ako ng math park at ayun nga nakita ko siya nakaupo lang sa may damuhan. And what? May kasamang lalake? Teka! Mas gwapo ako sa kanya.

Nag-uusap pala sila. Nakita ko nun sa mukha niya na napaka saya niya. Yung hindi ko pa nakikitang reaksiyon niya ngayon ko lang nakita.

Tawanan dito ..

Tawanan dyan..

Awww!!! Paano na ako nito? Wala na kaya akong chance?. Gustong gusto kong manapak nung araw na yun kaso naisip ko wala akong karapatan.

Sayang pera ko na pinambili ng flowers and chocolates. Unang beses kong bumili ng mga yun pero nasayang lang. Nakita kong palapit si Yuri sa akin. Hindi ko naitago yung hawak ko. Kaya nakita niya and guess what nahulaan niya talaga kung kanino dapat yun pero sinabi ko sa kanyang hindi para kay crush yun actually para sayo to palusot ko na nga lang sa kanya para tigilan ako sa pang aasar.

Para hindi naman masayang yung effort ko sa pagbili. Ano bang magagawa ko kung ganun sila nung lalake diba? ang saya saya nila. Hindi ko alam pero wala akong masabi kundi gusto ko siya. Gustong gusto ko siya.

Ang kadate ko tuloy ay si Yuri.Ang daldal nyan sobra ang kulit kulit kung ano ano pa pinapabili sa akin. Ang dami ko talagang pera paano kasi ginawa na akong bangko niya.

Isip bata nga kami pareho nun grabe masaya ang araw ko kahit wala yung crush ko na dapat sana yayayain kong mag date.

Naalala ko nga pala bukas pasukan na. Adjust nanaman sa environment lalo pa at wala akong kakilala ni isa dun.

Papikit na ako ng biglang nag vibrate cp ko

From : Bestfriend Ko

Goodnight bro! Sweet dreams. Kita nalang tayo sa dream land. Tulog na ako at sana ikaw din. Wag ka ng magpuyat ah. Papangit ka niyan. :)

Napangiti nalang ako sa text niya miss ko na kasi talaga siya hehe. Nilapag ko na ung cp ko sa may lamesa sa tabi ng kama ko. Hindi ko na nireplyan kasi antok na ako. Goodluck nalang sa amin bukas.

A/N: open ako  sa comment and suggestions kung meron free to comment. PM niyo ako kung gusto niyo. Hindi ako masamang tao swear.




BEST Friends --- Secret LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon