Chapter 11: Anong kulang sa araw ko?

37 4 0
                                    

Yuri's POV

"Naku po! Sunday pala ngayon" sigaw ko nung nakita ko yung date sa cellphone ko. Agad-agad akong bumangon at naligo saka nag-ayos ng sarili.

Eto na ako ngayon nakaupo. Nanunuod ng tv at naghihintay ng bisita. Oo nga pala wala nanaman si Mama nagsimba tsaka siguro diretso na sa palengke yun.

*Ding! Dong! Ding Dong*

Ooppss! Sino kaya yun?. Humarap muna ako sa salamin inayos ulit ang buhok at lumabas na.

"Oh ano Yuri? Tara?" 

"Hay naku Azrin pagod ako. Next time nalang ah. Sige" tatalikod na sana ako ng biglang may pumaradang black na kotse sa tapat

Napatingin ako doon at pati na rin si Azrin at take note nasa labas parin siya di ko pa pinapapasok.

May lalaking bumaba at si Alexander nga. Napangiti ako doon at bumilis ang tibok ng puso.

"Hi TOL!" pagdidiin niya sa salitang TOL

"Sino siya?" takang tanong sa akin ni Azrin

"Ahh. Bestfriend ko yan since elementary kami. Halika na nga dito" binuksan ko ang gate pinapasok si Azrin

Pagkapasok ni Azrin ay napatingin ulit ako dun sa kotse. Nakita kong pinagbuksan niya ng pinto ang kasama niya 

And guess what Si Jazz ang kasama.

Ano ito? So pati Sunday kailangan magkasama sila?

"TOL! Alam kong kilala mo naman na siya right?" sabay gulo sa buhok ko

"Halina kayo! Tuloy sa bahay namin" ooopps! halata bang selos ako? Hindi naman siguto nila pansin.

Sabay sabay kaming pumasok na tatlo dahil nauna nang umupo sa sala si Azrin

"Tol sino siya?" sabay turo kay Azrin. Agad naman siyang tumayo

"Azrin pare! Manliligaw niya." sabay abot ng kanyang kamay na halatang makikipag shake hands

Inabot naman ni Xander ang kamay niya.

"Alexander pare." Tumingin siya sa akin at yumuko nalang ako

"A-ahh si-sige punta muna ako sa kitchen." Maghahanda lang ng meryenda" agad naman akong nagtungo sa kusina

Habang nagbebake ako ng cookies umupo ang saglit.

"Okay kalang tol?" napatingin ako sa pumasok

"Ahh oo okay lang ako dun na muna kayo" 

"Yuri kailangan mo ba ng tulong?" hay nako kahit kailangan talaga itong si Azrin.

BEST Friends --- Secret LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon