Chapter 12 : Ohw my D!!

23 4 2
                                    

Yuri's POV

Monday nanaman pala! Kahapon ang saya ng araw ko salamat kay Azrin. Akala ko kasi hindi magiging maganda ang araw ko noon. 

"Uyy Bheb! Anong balak mo ngayon?" batid sa akin ni Ethanie

"Ha? Anong balak ko?" pagtatakang tanong ko

"Ano ka ba ngayon yung alis ni Alexander dito sa school natin. Babalik na siya sa Stanford Academy. Mamimiss daw siya ng karamihan"

Bigla naman ako nalungkot dun dahil hindi ko nanaman siya makikita tuwing school days.

"Oh? Ano naman ngayon? Buti naman at aalis na siya wala ng manggugulo sa araw araw ko" pagsusungit ko.

"Weh? Affected ka friend?" sabay ngiti nito sa akin

"Hindi siya kawalan. Pabayaan mo na nga siya. Tara na nga lang sa Park"

"Teka may class tayo later diba?" pagtatanong niya

"Ethanie wala na tayong class ngayon half day lang tayo no? Monday kaya ngayon"

Nagtungo kami sa park. Naupo kami kung saan ko nakita dati si Alex at Jazz.

Alex nalang siguro itatawag ko sa kanya. Masaya siya sa piling ni Jazz dahil dun wala na akong magagawa.

Hindi ko naman alam kung LOVE ko siya eh. Love na ba yung pag kasama niya yung taong gusto niya tapos masasaktan ka? O yung kapag nakakasama mo siya naiilang ka o nahihiya ganun ba yun?

13 palang ako pero diba ito na yung stage na dapat kontrolin ang sarili dahil maraming tao pang darating sa buhay ko. Tulad nalang nitong si Azrin

Schoolmate ko yun. Nakilala ko siya dun sa court nung naglalaro si Alex.

Naaalala niyo yung araw na yun.?

**flashback**

Yung inaway ako ng S3 yung tatlong babaeng mahilig gumawa ng eksena. Nung pauwi na ako. Alam kong may pasa sa bibig ko dahil tumama sa akin ang bola. Matagal akong naghihintay ng masasakyan pero walang dumating.

Naglakad ako papunta sa next station ng bus para umuwi na pero habang naglalakad ako. May sumusunod sa akin na taxi na mabagal ang andar.

Napalingon naman ako doon. Huminto iyon sa harapan ko at may lumabas na isang lalake. Nanlabo ang aking mata at natumba na lamang. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ang alam ko nalamang po ay nakauwi ako ng bahay ng hindi ko namamalayan.

Simula noon lagi na siyang nagpapapansin sa akin kaya nga parang malapit ko na siyang tanggapin bilang bago kong kaibigan.

"Eyy Look who's here." Si Scarlet nanaman at himala hindi niya kasama ang dalawa niyang kaibigan

"Anong kailangan mo?" sagot ko sa kanya.

"Tumigil ka na kayo baka kung saan pa yan mapunta mahirap na" sambit saamin ni Ethanie

Hinila na niya ako papunta sa gym. According kasi sa kaniya magkakaroon daw ng goodbye program si Alexander tapos yung piling estudyante lang daw ang makiki despidida party. Kung isa ka sa mapipili edi excuse ka sa klase ganun lang yun.

Nang makarating kami sa loob ng gym may stamp pang nalalaman sa kamay. Yung iba ang OA akala naman hindi makikitang muli si Alexander eh pwede lang naman silang magtravel puntang school nila eh.

"Lahat ng estudyanteng nandito maari pong mag paregister doon sa gilid upang malaman po natin kung ilan kayo dahil magkakaroon po ng bunutan kung sino ang sasama sa party mamaya para kay Alexander" sabi ng principal yan

BEST Friends --- Secret LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon