Chapter 3
Sandra POV
Nang makatulog nasi Francisco nasa kama siya nakahiga habang ako naman ay pinagmamasdan lang siya, napaisip ako bigla.
Bakit ganun kapag pinagmamasdan ko ang iyong mga mata nakikita ko na puno ka ng kalungkutan at kaligayahan mo ay pawang huwad lamang. Bakit nga ba ganun?
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at nakita kong pumasok si Aling Shara.
"Bakit gising ka pa?"
"Hindi po ako makatulog eh." sagot ko "Ngapala po may nakita po akong picture kanina sa dito kaso tinapon ni Francisco sa basurahan, sino po yung lalaking kasama niyo dun? Kamuka po kasi siya ni Francisco eh." tanong ko pa sa kanya
Nakita ko kasi yun kanina at talagang kamukhang-kamukha yon ni Francis the killer.
Napansin kong nalungkot siya pero pilit na ngumiti." Si France, Francisco Jason Buenaventura Senior. Siya ang ama ni Francisco."
"Nasaan na po siya?"
"Matagal na siyang patay, 22years na mula ng mamatay siya. Pinatay siya at noong oras na iyon ay dinadala ko sa sinapupunan ko si Francisco."
Nagulat ako sa siniwalat niya. Naawa ako kay Francisco.
"Namatay si France na hindi nakilala ang aming anak, noong pinanganak ko ang sanggol pinangalan ko siya sa kanyang ama." dagdag niya pa. Kaya pala magkapangalan sila.
"Kung ama niya po iyon bakit tinapon niya sa basurahan ang picture ng ama niya?" Tumulo ang luha ni Aling Shara,naawa ako at naisip ko baka siguro mabigat ang dahilan.
"Nakita ko din na may mga medals kanino po Yon?"
"Kay Fransisco yun, yung iba medals niya yun noong nagta-taekwondo siya at noong nagaaral, pero ayaw na kasi niya magaral mas gusto niyang kumita ng pera para sa akin kasi daw mahal niya ako na nanay niya." natigilan ako saglit. "Diba magkaibigan kayo? Alam mo ba ang trabaho niya?"
Nakaka lungkot isipin na hindi alam ng nanay niya ang masamang ginagawa niya.
"Hindi po eh." pagsisinungaling ko
"Ah... ganun ba, hmp. Sandra matulog ka na bukas magluluto ako ng paboritong ulam ni Francisco." saad niya. Humalik siya sa noo ni Francisco at saka lumabas ng kuwarto.
Napalingon ako kay Francisco saka mapait na ngumiti. Tama nga ako mabuti kang tao, mabuti ka pa kahit ganyan ka may magulang ka at mahal ka niya. Ako kasi walang nanay o magulang na nagmamahal sa akin.
BINABASA MO ANG
Police Story 1: When a Criminal Fall in Love (Romance Action story)
DiversosFrancisco Jason Buenaventura ,Jr A.K.A Francis the killer is One of the Great Criminal dahil dito lahat ng tao masama ang tingin sa kanya and they jude him base of what he did pero sa likod ng mga kasalanan niya ay ang pagiging mapagmahal na anak s...