Mingyu's POV
"All performers proceed to the stage now for the announcing of winners" sabi ng isang staff
Pinapapunta kami ngayon sa stage i-aanounce na daw ang winner ngayon. Sana manalo kami >.<
"Hyung sa tingin mo mananalo tayo ngayon?" tanong ko kay Jun-hyung
"Sa tingin ko... hindi" walang self-confidence?
"Ayos lang sayo yun hyung?"
"Okay lang, basta nandyan naman ang carats parang nanalo na rin tayo" sabagay tama si hyung
Para na rin kaming nanalo dahil nanjan ang carats. Ang lakas ng fanchants nila tapos may dala pa silang banners at carat bong
Speaking of carat bong. Nagustuhan kaya ng carats si bongbongie? Kung gumawa kaya ulit ng isa pa para may kaibigan si bongbongie?
"Okay head count! hana.. dul.. set... yeol-set! Kompleto" naghead count si Coups-hyung baka kasi may maiwan na namang member kawawa naman...
"Yaedeul-a tara na daw!" sabi ni Jeonghan-hyung
Sunod sunod na kaming umakyat sa stage
Pagkaakyat ng stage napansin ko na naman yung babaeng matangkad kanina. Parang ang mature niya tingnan
Sa unahan kami ng stage pinapwesto dahil kami daw at yung Twice ang maghighest score na natanggap
Kawawa nga yung ibang groups na nasa likod namin. Nakikita pa kaya sila dun?
"And our winner is.... TWICE congratulations!!!"
'Sayang'
Nagbow kaming lahat sa Twice members habang binabati sila
"Congrats.."
"Congratulations!"
"Kamsamnida.."
"Thank you.."
Ilan lamang yan sa mga sinasabi ng mga tao dito ngayon
Pinapababa na ang ibang groups sa stage at Twice na lang daw ang maiiwan dahil nga sila ang nanalo
Since nasa unahan kami kasali kami sa mga huling bumaba ng stage
Bago kami bumaba ng stage nilapitan ko muna yung babaeng matangkad
"Hello! Congrats! First place kayo" tapos nagbow rin ako sa kanya
"Thank you sunbae-nim!" nagbow rin naman siya sakin
Pagkatapos ko kausapin yung babaeng matangkad bumaba na rin ako ng stage
"Yaedeul-a palit na ng damit at pupunta na tayo sa dorm para makapagpahinga bago ulit tayo magpractice" sabi ni Jeonghan-hyung
"Hyung pano yung important announcement ni Woozi-hyung? " tanong ni Seungkwanie
"Mamaya na lang sa dorm" sabi naman ni Woozi-hyung
"Okay hyung.."
Sakay na kami ngayon sa van papunta ng dorm. Kanya kanya na kami ng gustong gawin
Si Dokyeom-hyung nanonood ng kdrama, The Best Hit ata yung title nun...? Basta yun yung drama na kasama si Eunwoo
Si Wonwoo-hyung nagbabasa ng libro niya, ang kapal nga nung libro tapos patapos na kaagad nyang basahin eh nung isang araw lang niya sinimulan yun
Si Seungkwanie nag-aaral ata ng english, sabi niya napahiya daw sya dun sa starbucks nung nasa L.A. kami. Kaya ayan lalo pang ginalingan ang pag-aaral ng english
Si Vernonie naman nagsosoundtrip ng mga english songs. Palagi na nga lang yung Hotline Bling yung pinapatugtog niya hindi ba siya nagsasawa dun?
Si Woozi-hyung ayun tulog na agad. Late na ata siya nakatulog kagabi nagcocompose na ulit siya ng bagong kanta para sa susunod naming comeback
Habang si Jun-hyung naman nagchecheck sa mga SNS. May account nga yan dun sa Carat amino ba yun..? Ah basta yun yung parang facebook pero puro carats and nandun at puro tungkol sa amin ang mga post
Ako naman, nagbabalak gumaya kay Woozi-hyung napagod rin ako kahapon kakapractice
Tapos pagdating kasi namin sa dorm kagabi nanood kami ni Hoshi-hyung ng kdrama. Yung 'Lookout' nandun daw kasi si Key sunbae-nim kaya gustong gusto niya panoodin
Sakto pa na ako na lang yung gising na member kaya ako yung sinama niya manood. Eh hindi ko nama kasalanan na ako na lang yung gising na member
Sabi kasi nina hyung ako nalang daw yung last na magshower eh ang tagal pa naman nila maligo. Ayan tuloy ako nasama ni Hoshi-hyung
"Yaedeul-a tulog muna kayo malayo pa ang dorm" sabi ni Jun-hyung
Sumunod naman kaming lahat sa kanya. Hindi lang halata sa mga show namin pero may mature side si hyung. Para niya kaming mga anak na kailangan lagi ng mga pangangaral o payo
"Sleepeu well" sabi ni Seungkwanie
Yun ang huli kong napakinig bago makatulog
_______
Votes and comments para may inspiration ako :")
Kamsamnida~
BINABASA MO ANG
Behind The Stage |MinTzu|
Fanfiction"Ikaw Mingyu! Makikipag collab ka daw sa isang Twice member" sabi ni Woozi-hyung "Sinong member hyung?" tanong ko "Si Tzuyu" sagot naman ni hyung "Yung magandang matangkad?!" _____ Seventeen's Mingyu x Twice's Tzuyu fanfiction _____ Date started:...