Third Person's POV
Halos maubusan na ng hininga si Mingyu ng nakarating sya sa JYPEnt building
Didiretso na sana siya sa loob ng harangin siya ng isang guard
"Uhm sir bawal po kayo sa loob.." sabi nito
Tiningnan ng sandali ni Mingyu ang guard bago niya ipaliwanag ang pakay niya
Habang nagpapaliwanag si Mingyu sa guard ay sa kabilang side ng JYPEnt building ay handa ng umalis ang Twice para pumunta sa kanilang schedule ngayong araw
"Sakay na bilis baka malate tayo!!!" sigaw ni Jihyo
"Waaait lang!!" Sagot naman ni Sana
"EONNI WAAAIT!! Nauna ako bleh" sabi naman ni Dahyun. Hingal na hingal siya nung pumasok siya sa van at binelatan nya pa si Nayeon
"Madaya ka!!" Padabog na sabi ni Nayeon
"GIRLS BILISAN NYO" sigaw ng manager nila sa kanila
"WAIT LANG" sabay sabay nilang sigaw
Nang nakasakay na silang lahat at paalis na, napansin ni Tzuyu ang isang matangkad na lalaki na parang hingal na hingal na kinakausap ang guard sa building nila
Tinitigan lang nya ito hanggang sa dumaan na ang van nila sa harap ng building. Saka lamang nya napansin na si Mingyu pala yung lalaking yun
Mingyu's POV
"Ayun nga kasi hyung kaya ako nandito.." pagtatapos ko sa paliwanag ko sa guard
Sana naman maniwala na sya oh. Kanina pa kaya ako dito sa labas >.<
"At saka hyung di mo ba ako kilala? Ako si Kim Mingyu ng Seventeen.." pandagdag points para maniwala na si hyung
Bigla naman natigilan yung guard at tinitigan pa ako ng isang segundo
"Ay sir bat di mo agad sinabi? Pasok ka na sir.. diretso ka na lang dun sa babaeng yon" nakangiting sabi sakin ni kuyang guard
Tumango lang ako at didiretso na sana ng pagpasok ng bigla may sinabi pa si hyung
"Sir! May sched nga pala ngayon ang Twice. Ayun oh! Kaalis lang" sabi nya sabay turo pa sa isang puting van
Dahan dahan ang paglingon ko... Di ma-process ng utak ko ang nangyayari
"Sir? Sir! Huy!" Niyuyugyog na ni kuya ang balikat ko
Ay wow abot nya ang balikat ko...
Pero hindi ko na yun inintindi, napatakbo ako bigla palabas ng building at kita ko nga ang tinuturo ni hyung na van
Palayo ng palayo..
Ng palayo..
Ng palayo..
Hanggang sa hindi ko na siya makita
"Haysss. Sige hyung thank you na lang alis na ako.." napabuntong hininga na lang ako
"Ay ganon? sige sir bye ingat sa pag-uwi. Goodluck sa promotions nyo ngayon!" pahabol na sabi sakin ni kuyang guard bago ako makalabas ng tuluyan sa building nila
Nawalan na ako ng ganang sagutin si hyung kaya kumaway na lang ako nung nakatalikod na ako sa kanya
Ano na gagawin ko ngayon?
Para naman akong ewan dito. Dinaig ko pa yung mga boyfriend na hinahabol yung mga girlfriend nila para lang makapagsorry sa kasalanan na ginawa nila
Haysss :<
Napatingin ako sa isang puting van na papunta sa daan na papunta sa JYPEnt building
'Sana nanjan ka sa van na jan at binabalikan ako' napabuntong hininga na naman ako sa iniisip ko
Asa naman na babalik pa sila sa building eh sure akong dala na nilang lahat ang kailangan nila. At sure naman ako hindi ako napansin ni Tzuyu kanina dahil nakatalikod ako sa entrance
Bahala na nga >.<
Nakakita ako ng isang bench kaya umupo muna ako don at nagmuni-muni
Ngayon ko lang din naramdaman ang pagod sa paglalakad ko kanina. Bakit ba hindi na lang ako ng taxi kanina?
Aish >.<
Pagkatapos siguro ng ilang minuto nagsimula na ako maglakad papunta sa pinakamalapit na bus stop
Naisipan kong magbus na lang ngayon para di na masayang yung energy ko
Bigla ko natandaan na bibilhan ko nga pala dapat ng snacks si Hoshi-hyung. Sakto naman na nasa tapat na ako ng 7 Eleven
Pagkapasok ko nagulat ako sa taong nakita kong nagbabayad sa counter
Pagkatapos nya bayaran yung mga pinamili nya humarap na sya sa mag exit ng makita nya ako
"Ow! Oppa!" sabi nya sabay ngiti ng sobra
Hindi ko alam pero napangiti na lang din ako
______
Madaliang update lang yung nagawa ko ngayon pero sana ayos parin sya
Feeling ko mapapadami ang mga update ko ngayon kasi wala na akong school ahe :>
Yung lang po :)
Votes and Comments para may inspiration ako~ ♡♡
![](https://img.wattpad.com/cover/113195225-288-k838631.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind The Stage |MinTzu|
Fanfic"Ikaw Mingyu! Makikipag collab ka daw sa isang Twice member" sabi ni Woozi-hyung "Sinong member hyung?" tanong ko "Si Tzuyu" sagot naman ni hyung "Yung magandang matangkad?!" _____ Seventeen's Mingyu x Twice's Tzuyu fanfiction _____ Date started:...