Chapter 12

144 5 4
                                    

Mingyu's POV

"Y-yung kanta.. ang g-ganda diba" sabi ko

Bakit ba ako nauutal >-<

"Ahh Oo naman oppa ang ganda!!"

WOOOH buti di niya yun napansin

Grabe pigil hiningang eksena yun. Bakit ko ba kasi yun nasabi ng malakas :<

*ting ting ting* Now arriving at Seonyudo Station *ting ting ting*

(P/N: Imagine nyo na lang tunog yun nung sa mga tren)

Ano ba kasing problema ng bibig ko nasasabi yung mga bagay na pang utak lang dapat

"Oh tara na baba na tayo dito"  sabi ko

Madaming tao ang sumasakay sa station na 'to kaya siksik ako ng siksik para makalabas

"WOOH okay nakalabas!" nasabi ko nung tuluyan na akong nakalabas ng tren

Aalis na sana ako ng may natandaan ako..

SI TZUYU NASA TREN PA!!!

*ting ting ting* Doors are now closing *ting ting ting*

"WAAAAAIT" sigaw ko

PERO WALANG NANGYARI

Hindi ko alam gagawin ko kaya naghahanap ako ng kahit isang personel

PERO WALA!!

Napansin kong nagsasarado na talaga yung mga pinto kaya wala akong ibang nagawa kundi pumasok ulit

"WOAH" sabi ko nung nakapasok ako

Muntik na ko maipit nung mga pinto >.<

Pero aish! Si Tzuyu hanapin ko muna!!

Biglaan kasi dami yung mga tao kaya ang hirap makalabas

Lumilinga-linga na ako dito sa loob ng tren pero di ko siya makita

Madali ko lang dapat siya makikita sa ganto eh kasi matangkad ako pero anong nangyayari??

"Tzuyu.." bulong ko habang naglalakad lakad dito sa loob

Di ko pwede lakasan yung boses ko dito baka mamaya may magtaka bakit ko hinahanap ang isang idol sa loob ng tren

Pero bigla ko naman natandaan kanina na kinuha ko nga pala number ni Tzuyu

Bakit ngayon ko lang yun naisip >.<

To: 02-8216-3926

Labas ka sa next station then kita tayo sa platform 13, I'll wait for you there -Mingyu

From: 02-7821-6727


Sana gumana yung plano ko

Iniisip ko kasi na baba kami dito sa sinasakyan namin na tren tapos sakay kami sa panibagong tren na pabalik sa Seonyudo Station

Sana lang pagdating namin sa Mokdong ay hindi pa nila hinahanap si Tzuyu



Tzuyu's POV

Ano ba yan naiwan ako dito sa loob >.<

Makakalabas na naman sana ako pero aish!! may tumulak sakin paloob na isang ahjumma

Hindi naman ako pwedeng magalit dahil nga mas matanda siya sakin tapos baka magcause pa yun ng scene may makakilala pa sakin edi lagot ako

Pero feeling ko talaga sinasadya niya ako itulak kasi naman yung balikat niya as in tinatama niya sakin

Behind The Stage |MinTzu|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon