Chapter 11

152 6 1
                                    

Mingyu's POV

Napansin kong parang nahihirapan siya sa pagdadala nung mga pinamili niya kaya kinuha ko

Lalabas na dapat ako ng 7 Eleven ng paglingon ko sa kanya ay di siya nakasunod

"Tara?" sabi ko na lang

Buti nakita ko siya dito 

Malalagot pa ako kay hyung nito kung hindi ko maiibigay kay Tzuyu yung kanta 

Nakita ko sa gilid ang van ata nila

Puti kase kaya parang kanila yun. Bahala na kung hindi :P

"Oppa! akala ko hindi na kita makikita" sabi ni Tzuyu ng mahabol niya ako

Pagtingin ko sa kanya nakapout siya

HOY HUSTISYA ANG CUTE NIYA BAT GANON >.<

Pero wait, nakita niya ba ako kanina?

"Bakit naman?" nasa harap na kami nung van nila 'ata'

"Sabi kasi ni Byeongho-oppa basta basta ka na lang umalis kanina" 

Byeong..ho..? sino  yun?

"Sino si Byeongho?" nagtataka kong tanong sa kanya

Wala naman akong kilalang Byeongho.. Trainee ba nila yun?

"Yung guard namin.. Teka hindi eto yung van namin!!" ahh yung guard kanina.. Byeongho pala pangalan niya

PERO WAIT LANG hindi eto yung van nila?

So mali pala hinala ko. Aish >.<

"Eh? di mo agad sinabi" napalinga ako sa paligid naghahanap ako ng ibang puting van

"Akala ko kasi alam mo kung nasan" nakakunot noo niyang sagot sakin

HOY ANG CUTE TALAGA NITO ANUNA

Napansin kong parang hinahanap na rin niya yung van nila pero bigo siyang humarap sakin

"Wala.." malungkot na sabi niya sa akin

HIndi ko alam kung maawa na ba ako sa kanya dahil naiwan na siya or matatawa dahil ang cute cute niyang tingnan ngayon

"Pano na ako ngayon?" mukha na siya ngayong iiyak

Natatawa na talaga ako pero pinigilan ko 

"Saan ba kayo dapat pupunta ngayon? Ihahatid na lang kita" sabi ko sa kanya na may kasamang ngiti

Syempre dapat may smile para mapanatag loob niya

"Sa Mok-dong.."

Mok-dong..? Ang alam ko medyo malayo din yun dito. Pero aabot naman siguro kami

"Alam ko kung saan yun. Tara!" sabi ko sa kanya

Nauna na akong maglakad. Nang mapasin kong hindi siya nasunod sa akin ay nilingon ko siya

Pagharap ko ay nakakunot ang noo niya sa akin at nakapamewang siya

"Bakit?" tanong ko sa kanya

Kailangan namin bilisan para di siya malate 

"Saan tayo sasakay oppa?" 

Hmm oo nga 'no.. Siguro magt-train na lang kami

"Wala ako sasakyan, matatraffic tayo pag nagtaxi pa tayo. Magtrain na lang tayo" sagot ko sa kanya

Maglalakad na sana ulit ako ng magsalita ulit siya

Behind The Stage |MinTzu|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon