Woozi's POV
LOOK: Seventeen's Mingyu and TWICE's Tzuyu Spotted Together in Subway.....
Binabasa ko ngayon yung dating rumor daw na article na sinasabi ni Jun-hyung. Kaso habang binabasa ko sya parang wala naman silang ipinakita na proof na nagdadate nga itong dalawang 'to
Ang ipinakita lang nila ay isang picture na magkasama si Mingyu at Tzuyu. Yun lang
"Mga tao talaga ginagawang big deal ang maliliit na mga bagay hays" napasabi ko ng malakas
O.A. naman nung mga tao. Nakita lang nila na magkasama yung dalawang idols sinabihan na kagad nilang nagdadate
"Ano yon hyung?" tanong ni Mingyu sakin habang hawak pa ang isa earbud. Halata mong wala talaga syang napakinggan sa sinabi ko eh. Pero gusto nya parin malaman
"Walaa. Kausap ko sarili ko anoba tch" sagot ko naman dito
Kita ko kung paano kumunot yung noo nya. Nagsisimula na sigurong magtaka ang isang 'to sa mga nangyayari
"Oy Kim Mingyu, alam mo na ba yung bagong balita?" sabi ko sa kanya
Baka mamaya alam na ng lahat ng tao sa buong company yung nangyayari tapos hanggang ngayon wala parin syang kamalay-malay
"Ha? Anong balita yan hyung? May namatay ba?" aniya
Minsan ewan ko na rin sa isang 'to medyo iba rin mag-isip eh. Sabihin ko na nga dito kung anong meron hays kawawa naman
"Luh no! May dating rumor ka ano ba" sagot ko naman sa kaniya
Kitang kita ko kung pano magulat si Mingyu. Sa laki ba naman ng naibukas ng bibig hays kita ko na ngala ngala nya
"HAA?! AKO MAY DATING RUMOR?? Huhu hyung hindi yan totoo. Di nga ako marunong manligaw pano ako magkakagirlfriend huhu" pasigaw nyang sabi
I mean. May point naman sya kahit papaano
"Hoy Kim Mingyu pinapatawag ka daw sa taas" sabi ni Scoups-hyung habang pumapasok sa practice room
San kaya galing 'tong mga 'to? May dala pa silang ice cream. Bat di nila ako binili T^T
"Sinong nagpapatawag hyung?" sagot naman ni Mingyu
Gusto ko talaga ng ice cream bat ganon naiingit ako kina Scoups-hyung huhu
"Si hyung-nim. Bilisan mo na! Nag-iintay na daw silang lahat don, ikaw na lang wala" sagot ni Scoups-hyung
Feel ko tungkol na 'to dun sa rumor. Mapapatay na 'tong Kim Mingyu na to hehe
Mingyu's POV
"Luh no! May dating rumor ka ano ba" sabi ni Woozi-hyung
Dating rumor lang naman pala eh
Wait
Dating... Rumor...
DATING RUMOR????
"HAA?! AKO MAY DATING RUMOR?? Huhu hyung hindi yan totoo. Di nga ako marunong manligaw pano ako magkakagirlfriend huhu" napasigaw kong sabi kay Woozi-hyung
Tunay naman kasi huhu
Kanino ba ako magkakarumor eh wala naman akong nakakasama na babae T^T
I'm innocent huhu wala akong alam na nangyayari na palang ganyan
Hihiramin ko sana kay Woozi-hyung yung cellphone nya para mabasa ko kung ano yung nasa article pero may biglang tumawag ng pangalan ko
"Hoy Kim Mingyu pinapatawag ka daw sa taas" sabi ni Scoups-hyung
Bakit ako pinapatawag wala po akong ginawang masama T^T
"Sinong nagpapatawag hyung?" sagot ko kay hyung. Pinagmukha kong hindi ako natatakot para medyo di ako mukhang bata hehe
"Si hyung-nim. Bilisan mo na! Nag-iintay na daw silang lahat don, ikaw na lang wala"
Hala huhu ano ba yan kasasabi ko lang magmamatapang ako eh T^T
"Hyung ayoko T^T" pagmamakaawa ko sa kanila
Baka mamaya pagpunta ko dun sa taas pagalitan ako huhu
"Ya Kim Mingyu!! Pupunta sa taas o hihilahin ka naming lahat papunta don?" sabi ni Scoups-hyung
Ayoko talaga pumunta huhu. Pero teka parang okay din yung hihilahin nila ako ah. Atleast paghinila nila ako hindi ko na kailangang maglakad
"Hilahin nyo na ako.." sagot ko kay hyung
Sunod sunod namang lumapit sakin yung mga bata at sinubukan akong buhatin
"Kung eto ang kapalaran ko hays sige buhatin nyo ako.." sabi ko sa kanila
Pero bago pa nila ako maiangat ay may lumipad na plastic ng ice cream papunta sa amin
"ARAY!!" daing ni Seungkwanie
"Masaket T^T" daing naman ni Dino
"Teka hyung bakit damay ako huhu di ko naman sya binubuhat ah. Nananahimik ako sa gilid hyung huhu bakit T^T" sigaw naman ni Hoshi-hyung na nakaupo lang sa isang gilid
"Hyung sayang yung ice cream!! Sana binigay mo na lang sakin T^T" sigaw ni Woozi-hyung
Hays di naman ako mananalo kay hyung eh
Kaya ayon nagsimula na akong tumayo at dahan dahang naglakad papunta sa staircase para pumunta sa taas
"Bilisan mo Kim Mingyu!!" sabi ni Scoups-hyung
Eto na ata katapusan ko T^T
![](https://img.wattpad.com/cover/113195225-288-k838631.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind The Stage |MinTzu|
Fanfiction"Ikaw Mingyu! Makikipag collab ka daw sa isang Twice member" sabi ni Woozi-hyung "Sinong member hyung?" tanong ko "Si Tzuyu" sagot naman ni hyung "Yung magandang matangkad?!" _____ Seventeen's Mingyu x Twice's Tzuyu fanfiction _____ Date started:...