We spend our time trying to see things, When perspective is one thing we lack- and we never appreciate what we've got, until we can't get it back.
Chapter 14- Can't take back time.
C a s s e y--
Maaga ako nagising or i rather say na, sino bang lolokohin ko alam ko namang wala akong maayos na tulog. He is my first kiss! paulit ulit ko mang tanungin ang sarili ko kung bakit ginawa yun ni andrew, maging ako ay hindi ko alam kung anong naisipan niya at, ginawa niya yun.
Pinilit ni andrew na pumasok sa kwarto ko pero, sinabi ko sakanya na, dun nalang matulog sa guest room. Alam ko sa sarili kong, mahal na mahal ko si andrew pero, mali ang nangyare kagabi. Lalo na ang pag sagot ko sa halik nito.
"Ughhhh!" Napasabot ako sa sarili ko dahil sa mga desisyong di ko pinag iisipan. Ano nalang ang iisipin ni, andrew. Bakit ako sumagot sa halik niya paano kung, isipin nito na may gusto ako sa kanya tapos mailang siya. "Ang tanga tanga mo talaga cass!!!" Nang gigil ako kaya, nag seself talk na ako.
"Cassey anak gising kanaba?" Agad agad akong pumunta ng pinto dahil, si mommy iyon. "O andrew nag bukas na siya pumasok kana. Ayusin niyo yang lq niyo. Sige, bababa na ako." Hinalikan pa ako ni mommy at agad agad itong umalis habang si andrew dire diretso na sa kama at humiga.
"Did you just used my mom?" Sinirado ko ulit ang pinto. "Nice move. Aga mo mang istorbo." Nahihiya talaga ako kay andrew kaya, di ko ito kinausap matapos ako nitong halikan kagabi.
Show him na hindi ka naiilang cass.
"Hindi ako nakatulog ng maayos." Nakatitig lang ito sa kisame at nilagay ang isang braso sa ibabaw ng, noo nito.
"So? Is that my fault?"
"Yes! Kasi nag aalala ako sayo kagabi. I'm sorry cass. I j-just don't know what to say." Sorry nanaman. Minsan gusto ko na to sapakin e. Hinalik halikan ako tapos i don't know what to say. Andrew is, my disease but, he's the only one who, can cure this disease. But, i know that it will not happen now. May mahal siyang iba cass. Always remind yourself.
"Hahaha!" Lumapit ako dito at umupo sa kama. "Halik lang yun! Walang ibig sabihin. Ano kaba? We're bestfriend right? Tsaka sabi mo na you did that just to shut me up?" Kailangan ko gawin ito dahil, ayokong ipakitang naiilang ako sa nangyare saamin dahil, baka mas lalong mawala si andrew saakin. "Stop saying sorry. Hindi yun big deal saakin."
"Really?" Bumangon ito sa pagkakahiga. Ngayon nakangiti na ito. Ang sakit andrew ah. Kung sinabi mo saakin na ginawa mo yun dahil, gusto mo talaga yun gawin baka natuwa pa ako. " I'm really sorry. I promise, it won't happen again." Bakit biglang may panghihinayang na namuo sa utak ko. O siya sige aamin na ako. Kahit siguro ulitin yun ni andrew di ako magagakit sakanya.
"O-okay. Sige na, maliligo na ako. Nakapag ayos na din ako ng gamit. Ikaw?" Nakangiti naman ako dito.
"Nope. You locked me out remember." Napanganga naman ako sa sinabi nito.
"Ah o-oo nga pala. Sige, i'll help you. Mag aayos muna ako. Iwan muna kita ligo lang ako."
"No. I'ts fine. Wala namang aayusin dun. Ilalagay ko lang yun sa likod ng kotse tapus!" Napailing nalang ako dito. That's him most burara boy in town.
BINABASA MO ANG
I'm Secretly Inlove With My Fiance.
RomanceBecause of the unwanted scene way back in highschool, I met Andrew Zachary Samaniego. Because of the most annoying scene, my father appointed him as my fiance. "Cassey, i know that you don't like me to become your husband and i think that you're not...