Chapter 19

10 0 0
                                    


You can't change the truth but, the truth can change you.

Chapter 19
C a s s e y

Makalipas ang isang buong araw na di ako umiimik kay andrew. Mukha ding, galit pa ito saakin dahil, di ko na talaga ito nasamahan sa, pag hingi nito ng pabor sa pagsama sa kanya para sa, pagpili ng lugar kung saan ito mag POPROPOSE.

Alam kong maling tumakas sa mga problema pero, yun ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam kung pano ko haharapin si andrew at, ipakitang masaya ako para sa kanya.

It's your choice cassey. Hindi alam ni andrew yang pag sa suffer na ginagawa mo sa sarili mo.

Siguro nga nababaliw na ako. Kinokontra ko ang sarili kong isip. Iisa lang ang dahilan. Dahil, mahal ko si andrew. Hindi na dapat tanungin ang obvious kung bakit, kahit gusto kong umalis ay, di ko magawa.

Kasi, mahal na mahal mo siya kaya, ginagawa mo ang mga bagay na di na dapat. Mga bagay na nakakapag pahirap at nakakapagpabigat dyan sa puso mo.

Pagkabalik ko ng pad kanina galing sa pag a unwind ay, doon ako nag iiyak sa guest room. Alam kong katangahan ang umiyak dahil, choice ko naman na sumama kay andrew. Unang una alam kong makakasama namin si dione ang girlfriend nito. Pangalawa, dahil hindi ako ang girlfriend magiging pangalawa lang ako dahil, bestfriend lang ako nito.

Mag aalas dose na ng tumingin ako sa relo ko. Sinimulan kong ayusin ang, ang itsura ko. I'm so pathetic to cry over this things na ako din naman ang, may gusto. Medyo namamaga ang mata ko kaya, nagsuot ako ng silver mirror shades ko. Hindi naman siguro papansinin ni andrew yun.

Pumunta ako sa lugar kung, saan ako kumain kagabi dahil, alam kong doon lang naman ang restaurant nitong resort. "Cass." It's drew. Oh akala ko ba galit ito sa akin? Pero, sa ngiti palang nito ay, halatang masayang masaya na ito. "Parang tirik na tirik ang araw sa shades mo ah." Pilit na ngiti ang iginawad ko dito.

"Umorder kana ba? Gutom na kasi ako." Hinawakan nanaman nito ang kamay ko at hinatak sa lamesa na, pinang galingan nito. Sino bang di maiinlove sa ganitong lalaki?! "Bitawan mo na ako drew. Kaya, ko maglakad mag isa." Mukhang di naman ako narinig nito dahil, hinihila pa din ako nito.

"Gutom lang yan. Huwag ka ng ma bad mood. Inorder ko lahat ng paborito mo." Pinaghila ako nito ng upuan at, doon ako pinaupo. Pumwesto naman ito sa harapan ko. "So, anong ganap natin? Bakit may pa salamin salamin kapa sa loob ng restaurant?" Tumitingin ito saakin na parang, gustong makita sa salamin ko kung nakatingin ba ako sa kanya.

"Trip lang."

"Ah, ganun ba?" Tumatango tango ito at, hinihimas himas ang baba na para bang sinasabing okay, sumasang ayon na ako. "Sige, kumain ka ng madami ah? Para, maging maganda naman ang mood mo." Tumango nalang ako dito bilang pag sagot.

Kinuha ko na ang kutsara at tinidor ko na nasa harap ni andrew. Mataman lang itong nakatitig saakin. I know it's weird but, i don't want him see me through my weakest point. "What the?!" Napalakas ang sigaw ko kay andrew dahil, nakuha nito ang shades ko.

"U-umiyak ka? Cass... Wh-what's wrong? May sakit kaba? Masama ba ang pakiramdam mo?" Hindi ko alam kung paano ko ito sasagutin kaya, tumayo ako at umalis sa harapan nito.

I'm Secretly Inlove With My Fiance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon