Cindy POV
"mama papasok na po ako" sabi ko pero hinawakan ni mama yung braso ko at naramdaman kong nilalamig siya. Whaaaa bakit ang lamig?! Hinipo ko yung noo niya pero hindi naman mainit.
"Mama may masakit ba sainyo??" umiling naman si mama.
"ikuha mo lang muna ako ng inumin nak" sabi ni mama habang nakatingin sa sahig. Dahan dahan kong inalis yung pagkakakapit niya sa braso ko at tumakbo papunta sa kusina. Pagbalik ko si mama nakahiga na O.O
"Mama whaaaaa ma anong nangyari!!!" halos magunaw yung mundo sa lakas ng uga ko sakanya pero natigil ako ng batukan niya ko.
"OA mo! Amina nga yang tubig ko. Oh baon mo pumasok kana"
"Pinapakaba mo naman ako eh. Sige po alis na ko" tinayo ko si mama sa pagkakahiga bago tumakbo na papuntang school.
Pagdating ko walang tao sa quadrangle kahit isa. Late na ba ako o masyado lang napaaga?
"WHAAAAAA!!" nagulat ako ng may sabay sabay na sumigaw at sabay sabay naglalabasan sa canteen papunta sa direksyon ko.
Whaaaa what should I do? Yan na malapit na sila! Baka madaganan nila ako kapag naabutan nila ako.
Nakita ko si Jennie naglalakad papasok ng gate kaya nakunot yung noo niya ng makita yung mga studyanteng nagtatakbuhan papunta sa amin.
Nilabas niya yung kutsilyo niya at dahan dahang pinaikot ikot na parang laruan kaya napahinto sa pagtakbo yung mga studyante.
"Sinong nag utos sainyo?"tanong niya habang naka poker face parin. Kelan ko kaya siya makikitang nakangiti.
"sila" sabay sabay na sabi nung mga studyante at tinuro sila Jayne at Floyd na kasama yung mga tropa nila.
"Sino" walang emosyong tanong ni Jennie bago dahan dahang naglakad palapit sa kinaroroonan nila Jayne kaya napapaatras sila. Pffffttt
"Problema mo!?" sagot ni Jayne habang nakataas yung kilay kaya humakbang pa lalo palapit sakanya si Jennie
"Nerd lang ba kaya mo? You lower your standard for her" sabi ni Jennie kaya napasmirk si Jayne
"alam mo kahit ikaw pa kaya k-- *BOOGHSS* " bigla siyang sinapak ni Jennie sa mukha pero alam kong mahina lang yon. Hihi
Tinitigan siya ng masama ni jayne at padabog na umalis. Tinignan naman ni Jennie sila Floyd pero pasipol sipol lang sila habang dahang dahang naglalakad palayo. Hihi natakot sila
"Go to your rooms" sabi ni Jennie na nakapoker face parin as ussual. Unti unti namang nauubos yung mga tao sa harapan namin.
"T..Thank you" inirapan niya lang ako at umalis na.
==
Jayne POV
Aaiissh. Bullshit na pakialamera yun! May araw din siya sakin aarrrggg.
![](https://img.wattpad.com/cover/13147905-288-k217781.jpg)