Ms. Piggy's Way Into True Love

30 0 0
                                    

“Baboy, Taba, Tabachoy, Dabiana, Suman, Dalawang Baba, Pork Barrel.”

Araw araw, puro yan ang naririnig ko. Minsan masasabihan ka pa ng, “Walang magkakagusto sao kasi mataba ka.” O kaya, “Naiwan ka ba sa kusina ha?” Meron ding, “Cute ka sana kaso antaba mo.”

Pero sa lahat ata ng matataba, ako lang yung kahit kalian ay di naapektuhan sa mga sinabi nila. Ako lang yung di nasaktan. Sinasakyan ko pa yung trip nila! Minsan nga may gumaya sa sound ng baboy, yung oink oink ba. Tapos nung narinig ko sabi ko sa kanya, “Oy bat mo ko minura? Narinig at naintindihan ko yun!” Tas pinagtawanan lang nila ko.

Sabi nila, napaka lakas naman daw ng self confidence ko. Bakit daw di ako magpapayat. Meron kasi akong pinaniniwalaan. Na sa buong eskwelahan naming eh ako na lang ata yung natitirang naniniwala dun. Naniniwala kasi ako sa True Love. Diba pag mahal mo ang isang tao tanggap mo sya kung ano man sya? Panget man sya, mataba man sya, puro tigyawat man sya, masama man ugali nya, diba wala kang pake? Kasi di naman yung mata yung tumitibok. Kundi yung puso natin. Tsaka love story ang bubuuin natin, hindi porn. Hindi requirement sa pag ibig ang pagiging maganda o pogi. Ang tunay na pagmamahal ay para sa lahat, walang exception, walang bawal. At naniniwala akong dadating din yung true love na yun sakin. At kapag dumating na sya, sa kanya ko lang ipapakita yung tunay kong itsura.

Naglalakad ako sa hallway tapos biglang may sumigaw, “Hoy Marsh-aba! Umaalog na naman fats mo, naglalakad ka pa lang ha. Paano pa kaya pag tumakbo ka na? Hahaha ew.” Sabi ni Mikkaella Bautista, ang pinaka maganda at pinakasexy sa buong school. Pinakabobo din. “Narinig mo yun girl? Sabi ko Marsh-aba, as in mataba. I’m so smart talaga!” Sabi nya sa isa sa mga alalay nya. “Oo nga Mikka ang tali-talino mo!” Uto uto naman ‘tong hipon na ‘to. Tss.

Tumigil ako sa paglalakad. “Hahaha kita mo nga naman Mikka, nag gym ka ba?” sabi ko ng naka smirk at nakatingin diretso sa mukha nya.

“Why darling? Ang sexy ko ba? I know right! Yes kakagym ko lang kahapon.” Sabay ngiti ng napakalandi at inikot ikot pa yung kulot nyang buhok gamit ang kamay nyang may mahahabang kuko.

“Ah kaya pala. Di lang yung katawan mo ang payat. Utak mo din. Nga pala, nakita mo na ba yung results ng exams? Pangatlo ka sa huli. Akalain mo yun? Di na ikaw yung pangalawa…. sa huli. Nag improve ka na girl! Una na ko ha? Sinabi ko lang sayo para di ka na mahirapan maghanap ng pangalan mo, alam mo na, nasa dulo kasi. Hahahahaah byeeeee”

Iniwan ko sya dung naka nga nga. Yung mga alalay nya naman palihim na natatawa. Kawawang nilalang. Di ko alam sa mga tao kung bat nila sinasanto ang mga kauri ni Mikka sa school eh magaganda lang naman sila, wala namang mga utak. Haaay ewan ko ba sa mga tao.

Naglakad na ko papunta sa next subject ko at ayun, may lalaking tumalbog sa tiyan ko. Oo tumalbog, sya nahulog ako nakatayo pa din. Tanga kasi eh.

“Ay Marsh sorry! Hinahabol kasi ako nila Jeric at Toby eh. Sige byeeee!!!!”

Si Aki lang pala. Laging binubully ng mga varsity boys yan. Lampa daw kasi. Pero matalino naman yun at may itsura din. Pero di ako interisado sa kanya.

Pumasok na ko sa klase ko at inintay lang matapos kakadakdak yung professor kong bakla na lagging nakatingin kay Aki. Kaya napapaginitan eh. Kala din bakla. Hahaha

Dumating na ang pinaka iintay ng mga babae sa school. Acquaintance ball na next week. Madami na naman mage effort na lalaki para hingin ang mga kamay ng mga babae pero mas madami yung pagkakiss eh alam ng magkadate sila. Grabe. As usual wala naman akong makakadate kasi (1) Mataba ako. (2) Takot sila sakin. Hahahaha pero pupunta pa din ako. Di dahil sa pagkain ah. Papanoodin ko lang silang maglandian lahat.

Live Your Life To The FOOLest! (GRTW's Short Stories)Where stories live. Discover now