What will you do if a nerd flirts with you?

59 1 0
                                    

"Sabi nila ang tali-talino ko, pero bakit pag dating sayo ang tanga tanga ko?"

Araw araw naging palaisipan na sakin yang mga salitang yan. Araw araw na lang tinatanong ko sa sarili ko kung bakit sa kanya pa ko nagpapakatanga. Marami namang nagkakagusto sakin pero bakit ganun, kung sino pa yung taong gusto ko, hindi naman ako gusto? Lagi akong tumitingin sa salamin para tignan kung may mali ba sakin. Minsan naiisip ko na parang ang panget panget ko. Sabi nila maganda ako pero bakit di ko ramdam? Ang pangarap ko lang naman eh sabihan niya ko ng maganda. Kung tutuusin kayang kaya ko na siyang abutin. Sa totoo lang nasa iisang circle of friends lang kami. Dabarkads kung baga. Pero di ko pa din siya maabot. So close yet so far ika nga. Sobra sobra ang ginawa kong pagpapapansin sa kanya. Sa tuwing nagjojoke siya kahit hindi nakakatawa tumatawa ako. Yung tipong kahit mali siya sa mga ginagawa niya eh agree lang ako ng agree. Pag di siya nakapag review o wala siyang assignment, pinapakopya ko siya. Yung kapag wala siyang baon ako ang supplier niya. Nililibre ko pa nga yun eh. Kapag may gala silang mga lalaki, sumasama ako kahit na-o-OP ako makasama ko lang siya. Sa mga Gig nila kahit gabing gabi na ko nakakauwi at napapagalitan na ko ok lang sakin masuportahan ko lang siya. Di ko alam kung nakakahalata na siya. Pero mas masaya ako kung mararamdaman niya na mahal ko siya. Atleast kahit walang formal na confrontation eh alam niya na may feelings ako para sa kanya. Nasa system ko na ang sumunod sa kanya. Araw araw ganun ang seremonyas ko. Nakalimutan ko na di lang pala sa kanya umiikot yung buhay ko. Di ko napansin na may ibang mundo pa pala akong ginagalawan..

"Ano ba Haylie! Bakit ka ba nagkakaganyan ha? Salita ako ng salita dito di ka naman nakikinig! Kanina nung namimili tayo puro ka Adam. Gusto ni Adam ganito suotin ng mga babae, Gusto ni Adam ganito, ganyan, Haaaaay! Sino ba kasama mo ha? Siya ba o ako? Nakakainis ito na nga lang yung time para mag bonding tayo tapos sisirain mo pa? Nakakaimbyerna ka naman eh!" - sabi sakin ni Jessica, bestfriend ko.

"S-sorry Jessica. K-kasi ------"

"Kasi ano? Sinusubukan mong magustuhan ka niya? Haylie tatlong taon ka ng nagpapapansin sa kanya! Bakit may nangyari ba? Nanligaw ba sayo ha? Hindi naman diba? Andami daming lalaki sa mundo Haylie!! Wag ka lang basta magstuck sa kanya!"

Natauhan ako sa sinabi niyang yan. Tama naman siya eh. May improvement ba sa aming dalawa? Wala naman ehh. Simpleng babae lang naman ako dati eh. Mga libro lang dati ang nakakapagpasaya sakin. Eh ano na ko ngayon? Binabago ang sarili para magustuhan ng taong di ko maabot-abot?! Ginaya ko yung mga babaeng nasa uso. Yung mga suot nila. Uminom ako, nanigarilyo, nag aral akong mag gitara, nagmumura din ako. Ayun, napansin niya ko. Nakasama ako sa barkadahan nila. Nagawa ko yung gusto ko, pero masaya ba ko? Hindi na ko yung dating Haylie. Hindi naman ito yung gusto kong kalabasan. Pagod na ko, ayoko na sa ganito.

Dumating ang aming huling taon sa pagiging highschool at may bago kaming classmate. Well, di naman bago pero ibang section kasi siya dati ngayon kaklase na namin siya. Nakasali siya sa barkada. Opo, kasali pa rin ako sa barkada pero hanggat maaari, iniiwasan ko siya. Naging close kami ni Isaac, (yung bago naming kaklase) parang magbestfriend pa nga eh. Siya na yung lagi kong kasama instead of Adam. Pero history repeat itself nga naman, nainlove uli ako sa katropa ko. Pero not totally na naulit lang uli yung katangahan ko, kasi inamin ko sa kanya at nalaman ko na parehas pala kami ng nararamdaman. Niligawan niya ko. Siyempre ako pakipot muna. Nung mga panahon na yun naging sobrang close naman kami ni Adam. Nakamove on na ko kaya ok lang na maging kaibigan ko pa rin siya. Kaso parang naging aggressive siya. Masyado siyangmahilig sa physical affection to the point na ng aakbay, hinahawakan yung kamay ko, nangyayakap at laging tumatabi sakin which is very unusual. Di ko binigyan yun ng meaning. Dahil ayoko na ngang umasa. Pero minsan naiisip ko bago ako makatulog kung bakit niya yun ginagawa...

Live Your Life To The FOOLest! (GRTW's Short Stories)Where stories live. Discover now