Straight to Curve. (Walang Kwentang Title XD)

75 3 0
                                    

Nagsimula ito nung Summer nung nakaraang taon. Ang saya saya nun. Chicks dito, inom dito, basketball dito, dami naming ginawang kalokohan ng mga kaibigan ko. Andami ko ngang Girlfriend nun eh. Biruin mo, sa isang linggo apat ang syota ko. Tas sa susunod na linggo iba na naman. Astig ko diba? Pogi kase. Mayaman, at higit sa lahat, kaya kong landiin ang lahat ng babae. Pero dati yun.

Sabado nun, may laban kami sa bayan kse malapit na ang piyesta samin. Kasali ako sa liga. Syempre! Ako pa. Kaso badtrip yung nanay ko. Nakakainis, wala kasi yung driver namin kaya ayun, ako tuloy yung napagutusan na mag drive ng kotse namin. Magpapaganda daw kasi siya. May date daw ika sila ni Dad. Naknang! Anta-tanda na nila may paganun ganun pa sila!

Nagpunta kami sa Mall. Nag shopping si Mama. Ano pa ba aasahan mo sa mga babae? Andami nilang arte. Ni ayaw maulit ang mga suot nila. Eh kaming mga lalaki, isang t-shirt at short lang sa isang araw sapat na.

"ChaChi anak, bagay ba sakin 'to?" haaaay. Ayan na naman siya! Err. Sabi ni mama habang nakaharap sakin suot yung kulay yellow na dress.

"Mom, how many times should I tell you that stop calling me ChaChi? Antanda ko na Ma! Uggghh! And yes, bagay sa inyo kaya pwede ba paki bilisan? Nakakabagot na dito!" ang galang ko ba? Wala kayong pake. Ganyan talaga ko ehh.

"Ohhhhkaaaaaay." sabi ni mama tapos binelatan ako. Haaay. Isip bata talaga si mama. Makapang chicks na nga lang!!

Tssss. Wala naman akong napala. Puro hipon lang. (sexy pero panget XD)

"Anak tapos na ko. Lezzzzgo?"

"Haaay salamat. Makakauwi na rin!" kakaripas na sana ako ng takbo papuntang parking lot ng biglang pukulin ako ni mama ng gladiator shoes niya.

"Aaaaaahhhhh! Mama bakit mo ginawa yun? Ansakit!" =______=

"Di pa kasi tayo uuwi! Magpapalinis pa ko ng kuko! Pupunta pa tayong parlor!"

"Grabe naman ma? Anong oras pa tayo makakauwi? Ni hindi na ko nakahabol sa laro!"

"Sandali na lang anak. 1 oras lang naman yun. Makakanuod ka pa naman siguro sa mga ka grupo mo."

Wala na kong nagawa. Dumiretso na kami sa parlor.

*Parlor

"GoodAfternoon po Ma'am, Sir. Ano pong service ang kailangan niyo?" Sabay pacute nung mukhang halimaw na bakla. Yuckkk!

"Mani. and Pedi. lang." sabi ni mama habang inaabot yung bayad.

"Ikaw Sir baka gusto mo magpa massage?" Kindat pa nung Bakla ba to o Kapre?

"No thanks." Sabay irap ko dun sa bakla. Nakakasura naman yun.

"Hmp! Sunget! Porket Gwapo." bulong niya lang pero narinig ko naman. Buti alam mo. Sa mga chickas lang ako mabait no.

"Zlyn paki asikaso na si Ma'am." sabi nung bakla. Ano ba namang pangalan yun. Saylin daw ba? Siguro bading yun. Ayoko ngang tignan baka mairita lang ako.

"Opo ma'am." sabi nung Saylin ata. Boses babae. Wow galing niya naman mag project.

Nagpunta na si mama dun sa parang mga sofa tapos maraming mga nagpapalinis ng kuko dun.

"Tumabi ka na lang muna sakin Christian."

"Kaaaay."

Dumating na yung taga linis ni mama. And wow, ang ganda niya. Di siya kasing sexy ng mga chx ko pero may iba sa kanya eh. Simple lang yung ganda niya. Ang ganda ng mata niya, nung ngiti niya.

"Hello Zyln." bati ni mama dun sa babae. Teka siya yung Zlyn? Kala ko bading. Grabe. Ang ganda pala ng mga ngipin niya. Walang sungki. Diretso lahat.

Live Your Life To The FOOLest! (GRTW's Short Stories)Where stories live. Discover now