CHAPTER 30

864 15 0
                                    

Its been 1 month and a half na nanliligaw si Josh... 

Syempre lowkey lang kami and hindi naman kami super clingy. Pag bumibisita lang si Josh samin or pag bumibisita ako sa house niya. 

|Josh|

Kumain ka na?

|Ako|

Yeah! Ikaw?

|Josh|

Hindi pa...

|Ako| 

Bakit? Wala nanaman si tita?

|Josh| 

Oo eh! Hay... Kanina pa ngang umaga hindi pa ko kumakain....

|Ako|

ANO? PUMUNTA KA DITO! LULUTUAN KITA NG FOOD.

|Josh|

Wag na! Nakakahiya sainyo.

|Ako| 

Nahiya ka pa! Lagi ka naman dito kumakain. 

|Josh|

Yun nga ehh! Kaya wag na nakakahiya.

|Ako|

Wag ka na mahiya! Pumunta ka na dito. Lagi ka na rin naman dito kakain pag naging tayo.

|Josh|

Pag naging tayo? So sasagutin mo na ko?

|Ako|

Bahala ka nga! Pumunta ka na nga dito.

|Josh|

Eto na! Text kita pag nasa labas na ako.

|Ako|

Sige! Doorbell ka din! Ingat!

|Josh|

Opo! See you! Thank you! <3

Hmmm... Ano kaya pwede iluto para sakanya?

"Ma!"

"Ano Madeline?" 

"Ano po pwedeng lutuin?"

"Bakit?"

"Darating po si Josh."

"Aba't lagi na dito kumakain yang bata na yan ah."

"Ma! Kasi naman hindi siya iniiwanan ng food sakanila. Tas laging mag isa. Binibigyan naman siya ng pera pambili ng pagkain."

"Edi bumili siya"

"Ma naman! Nag kasakit siya kakabili ng pagkain sa karinderya."

"Sige na! Pag lutuan mo na lang ng Adobo"

"Sige ma!"

Oo nga noh! Paburito niya yun. Hindi niya naman natitikman luto ko.. Except yung mga binabake namin pero iba pa rin pag luto..

*Ding*

Andyan na siya.... Hala akala ko ba mag tetext daw sya.. 

Sabay tingin sa phone...

Oo nga hahaha!

"Josh"

"Buti naman napansin mo naman yung doorbell... Pero txt ko hindi..."

"Sorry nag luto kasi ako"

"Ikaw, nag luto?"

"Oo ehh... Wala na kasing pag kain"

"Kaya ayoko na pumunta nahihiya ako... Pero gusto rin kita makita kaya... Kahit gutom pupuntahan pa rin kita"

"Eto talaga! Pasok ka"

"Salamat- ay good evening po tita." Ng nakita nya si mama sa pintuan namin

"Halika pasok ka, Josh!"

"Ay, opo tita! Good evening po ulit."

Nag punta kami sa kusina at pinag hain ko sya ng kanin.

"Ako na! Ikaw na nag luto eh." Kukunin nya na sana yung plato pero hindi ko binigay.

"umupo ka na nga! At hindi mo naman alam saan yung mga lagayan dito."

"Ako na lang mag hugas! Nakakahiya nakikain na nga ako tapos parang senyorito lang ako dito." Hindi ko mapigilan matawa sa sinabi nya.

Grabe sa ginagawa niya mas nakikilala ko sya mabuti at gano ko talaga sya kagusto simula nung bata pa kami.

"Sige! Hindi kita pipigilan dyan. Tikman mo luto ko. Minsan lang ako mag luto and ikaw pa lang ang unang taong pinag lutuan ko. Sana magustuhan mo."

"Natatakot na tuloy akong kumain." At binatukan ko sya nung sinabi nya yun. "Joke lang! Amoy pa lang masarap na pano pa kaya pag kinain ko na."

"Nambola ka pa! Kumain ka na nga dyan."

Kumain lang sya ng kumain. Hindi man lang nag sabi kong masarap. Basta hanggat sa naubos nya na.

"Grabe! Hindi ka na naman gutom nyan?"

"Mads.... Hindi talaga masarap luto mo eh..." seryosong sabi ni Josh habang liniligpit yung mga pinagkainan.

"Seryoso ba yan Josh?" Medj na sad na ako duon sa sinabi ni Josh.

"Joke lang noh! Ansarap kaya! Halata naman nasarapan ako kasi naubos ko oh. Simut lahat!! Kaya wag ka nang sad. Joke lang kasi yun!!!" Tawang tawa sya eh.

Hinampas ko sya sa likod "grabe ah! Hindi magandang biro yan Josh"

"If ever, diba? Honest ako sayo! And seryoso din ako mag tatanong ng...."

"Seryoso ka na sa lagay na yan ah"

"Oo! Kaya Mads...." sabay kuha sa dalawa kong kamay "Can you be my girlfriend?" Diretso syang nakatingin sa mga mata ko. Yung feeling na alam mong may senseridad ang pagsabi niya.

"Oo Josh!" Sa sobrang tuwa ko ay yinakap ko sya.

"Sinasagot mo na ko?" Sabay hug din saakin.

"Ayy hindi! Joke lang toh" sekastikong sagot. Pabitaw na ko sa pag kahug pero pinigilan nya ako.

"Actually ayokong ganito ako mag tanong sayo... pero dun sa luto mo nawala lahat ng plano ko. Alam kong ayoko ng pakawalan tong babae na toh."

"Grabe hindi bagay sayo yung ganyan ka cheesy at korni ahh.."

"Gusto mo naman ako kaya alam kong tanggap mo yung pagiging cheesy at korni ko. Alam mo naman ikaw ang first gf ko and alam kong ako din ang first bf mo. Kaya susulitin ko na bawat minutong kasama ka at sabihin lahat ng nasa isip ko."

"Grabe" napaiyak ako at hinug ulit siya "its worth waiting for." Hinug nya na din ako. "Im thankful and blessed! Thank you Josh"

First love (Ang tunay kong inibig) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon