CHAPTER 33

749 17 1
                                    


Pag labas ko ng kwarto na anino ko si Josh nasa sala kausap si mama. Ang cute nila tignan. Tinatry nya talagang makipag close kay mama.

"Tita! Pag papaalam ko po sana si Mads.."

"Bakit saan kayo pupunta, hijo?"

"Mag dadate po sana kami ni Mads"

"Anong klaseng date ba yan?"

"Sorry tita secret po ehh... Don't worry harmless date naman po.."

"Alam ko naman yun hijo.. basta alagaan mo unica hija ko ahh?"

"Aba'y oo naman po tita"

Naks kahit kay mama palihim nya parin yung surprise nya sakin ahh. Ayaw nya ata masira plano nya? Cute.

"Alis na ba tayo agad, Josh? Masyado pa naman atang maaga. Breakfast muna tayo dito."

"Oo nga hijo! Dito na kayo mag breakfast"

"Ayy sige po tita"

Pinuntahan ko agad si Josh at yinakap.. Grabe ngayon lang ako naging ganito ka clingy sa tao.. Well ngayon lang ako nag kaboyfriend same thing as him first time nya din mag ka girlfriend. Hay sana magtagal kami.

Yinakap nya din ako pabalik. I feel safe around him. Wait! Parang ang mature ko na mag isip ata? Hay ang saya ko talaga.

"Kain na tayo Mads.." sabi niya nung pakalas na sya sa yakapan namin.



Nakatulog ako sa daan ng nagising na lang ako kay Josh na nag mamaneho hanggang sa labas...

"Bakit tayo nandito?" Sabi ko

"Bibisitahin daddy mo."

"Pano mo alam kung nasaan sya?"

"Basta"

Nandito kami sa cementeryo pinupuntahan ang puntod ng daddy ko. Grabe pano nya nalaman kung nasaan?

"Surprise?" Habang inaabot yung isang big red rose sakin and mga puting rosas para sa puntod ni daddy.

"Grabe, ang simple pero ang ganda.. Kailan mo toh binili?"

"Otw dito habang tulog ka. Nakakatawa nga ehh sobrang lalim ng tulog mo. Hirap mong gising."

Ang cute nya.. "Buti alam mo!" Pakipot mode.

"Tara?"

"Hahaha sige!"

Nang makalakad na kami papunta sa puntod ni dad. At linagay na ni Josh yung mga bulaklak na binili sa puntod ng papa ko at ng lola ko. 

"Hi po tito! Ako po pala si Josh.... Boyfriend po ni Mads."

"Grabe naman nag papakilala ka talaga kay daddy ahh"

"Syempre para say-"

"Wait! pano mo alam na dito puntod ni dad?"

"Uhm.."

"Anong uhm?? Medjo scary ahh.. Stalker ka na ba ngayon?"

"OA ka Mads! Malamang nag tanong ako sa mama mo. Tas sinearch ko... diba sweet?"

At nag blush na lang ako sa sinabi niya. Grabe ang effort nya.

"At alam ko din kasing close kayo ng dad mo. You look up to him... Oh diba? Nakikinig ako sa kwento mo kahit hindi pa tayo nun."

"Ehh?? Hindi kita kausap nun ahh.... Are you eavesdropping sa conversation namin ni Kent?"

"Hahaha.. Kinda? Ewan.. Ingay nyo kasi mag kwentuhan kaya narinig ko... HAHAHAHA"

"Dad oh si Josh!!!" Medj inis ako na nasweetan


"Salamat Josh!"

"Saan?"

"Sa pag dala sakin sa puntod ni dad"

Ngayon ay nasa daan kami papunta sa next surprise destination ni Josh for me.

"Syempre! First date natin dapat special and unforgettable."

"Yung pagiging tayo unforgettable na kaya"

"Talaga?"

"Oo! Kasi pinangarap kong maging tayo and never ko inexpect na magiging tayo talaga sa totoong buhay."

"Ako din Mads.. Never ko din inexpect and im so lucky to have you."


Yun nga lang sa relasyon namin hindi pa kami nag sasabi ng i love you sa isa't isa.. Hindi ko alam kung bakit pero sa kalooblooban ko mahal ko na talaga si Josh at sana ganun din siya.


"Bakit tayo pa slex? Mag tatagaytay ba tayo?"

"Basta.. Matulog ka muna ha? Gisingin kita pag andun na tayo.."

"Mamaya na... Uhm Josh medj gutom nako..."

"Ahh sige drive thru muna tayo.. Saan mo gusto?"

"Mcdo!! Alam kong nag cecrave ka din ng mcdo."

"Haha sige"


"ENCHANTED KINGDOM??" Nasigaw ko kay Josh nung malapit na kami sa entrance ng enchanted.

"Nagustuhan mo ba?" sabay tingin sakin habang nag hahanap sya ng parking.

"Oo naman! Kaya pala maaga tayo umalis noh? Para madami tayo masakyan? Wait pano mo alam gusto kong pumuntang EK?"

Never ko pa kasi sinabi sakanya na gusto kong pumunta sa EK... Ang nakakaalam lang siguro.


*MONDAY*

"Madeline, anak? Kain na!"

Jusko Monday nanaman!!!

"Opo ma!"

Lord, balik nyo na lang ako nung weeke-

"Anak ano na?" pumasok si mama sa kwarto ko.

"Eto na ma maliligo na!!" Dinadampot ko na yung uniform and towel.

"Sige! Malalate ka na. Kaya bilisan mo dadaan na service mo."

"Opo ma!"


Hindi sumabay si Josh sa service.. Bakit kaya? Hindi man lang sya nag text sakin.

Pag pasok ko ng classroom nakita ko si Josh at... huh? Kausap niya si Gab... Bakit kaya?

Lumingon si Gab sakin at napansin ni Josh kaya napalingon din siya sakin.

"Mads! Andito ka na pala." Bati niya sakin habang papalapit na siya sakin.

"Bakit hindi ka sumabay at bakit hindi ka nagtext na andito ka na pala?"

"Uy! Sorry Mads! Hinatid kasi ako dito ni tito after namin ihatid si mama sa airport... Remember sinabi ko sayo kagabi.. Nakalimutan ko lang mag paload sorry."

"Ahh okay lang. Sige upo na ko..." 

"O! Nagtatampo ka ehh.."

Tumingin ako sakanya at ..... "Tabi tayo dito sa gitna." sabi niya

"Hah? Bakit sa gitna?"

"Para makinig tayo sa teacher"

"Ahh! Sige ikaw na lang sa likod na lang ako.. Ayoko iwanan si Cher duon." At nag fake smile ako sakanya.


Habang klase napapansin kong patabi tabi si Gab sakanya... Hay sarap sabihin sa lahat na kami na ehh.. Para walang umaaligid. Ayst! Kainis!


HI GUYS! SORRY ITS BEEN 2 MONTHS... BUSY KASI SA THESIS HUHUHU... TAPOS NEED PA AYUSIN SO... UHM SORRY TALAGA.. BAWI AKO SAINYO!! THANK YOU FOR 10K VIEWS LOVE YOU ALL. THANK YOU PO AT NAAPPRECIATE NYO!! MWUA :* AYAN PINAHABA KO TONG CHAPTER NA TOH.. ENJOY!!


First love (Ang tunay kong inibig) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon