CHAPTER 31

849 13 0
                                    

2 weeks na kami since naging official kami ni Josh. Well, wala pa rin naman nakakaalam na kami except sa pamilya ko at pamilya niya at mga piling mga kaibigan lang.

*

Plano kong ipagbati sila Josh at Thomas. Alam kong namimiss nila ang isa't isa and ayoko din maging hadlang sa pagiging kaibigan nila. Pareho ko silang kaibigan and iba pa rin ang bonding nung dalawa. Malaking parte rin sa buhay ni Josh si Thomas and ganun din si Thomas kay Josh. Kung wala si Josh, siguro wala pa silang bahay hanggang ngayon.

Kasabwat ko kapatid ni Thomas sa pag bati sa kapatid niya at si Josh. Buti na lang may katulong ako sa pagbati sakanila na kilalang kilala silang dalawa, kaya napadali yung gagawin ko. Kasi kung si Cher sobrang mahihirapan kami, kasi hindi namin alam background nung dalawa at ang alam lang namin is matagal na silang mag kaibigan.

Tamang tama ng pumunta ako sa bahay nila Thomas nasa gym daw sya. Kaya pinag planuhan muna namin ng kapatid niya kung saan kami kunwari magkikita ni Thomas.

"Ate Mads! Alam ko na kung saan.." sabi ni Chiko

"Oh? Saan naman?"

"Remember the place na kung saan nag basketball sila nila kuya Josh and your other classmates?"

"Yeah yung sa club house right?"

"Oo! Medj duon sila dati nag lalaro sila kuya at kuya Josh since nung bata pa sila.. Medj memorable kay kuya yung place na yun. Kaya pa minsan na he misses kuya Josh.. He goes there and just reminisce."

"Omg magandang idea yan Chiko.. sabihin ko na lang sa kuya mo na mag jojogging kami at duon ang meeting place and same thing with Josh."

"Ayu-" naputol ang sasabihin niya ng biglang pumasok ng bahay ang kapatid niya.

Si Thomas.

"Hi Chik-" natigil sya nung nakita niya ako.

"Bakit ka nandito?" Masungit niyang tanong sakin.

"Sungit mo! Bawal ba? Hindi lang naman ikaw ang kaibigan ko dito. Remember?"

"Edi, Chiko" humarap sya sa kaparid niya "bakit ang bastos ng bisita mo?"

"Grabe ka naman sakin, Thomas. Makapag backstab harap harapan." Natawa kong sabi.

Ganyan kaming mag usap. Walang pikunan... paminsan hahahaha...

Katahimikan...

"Soo muhka kang fit ngayon... and medj no shape nanaman ako... uhm jog tayo bukas" agad kong sinabi para walang paligoy ligoy

"Sige! Saan tayo mag kikita sa bahay niyo?"

"Ahh hindi! Sa club house na lang para hindi out of the way."

"Hmm sige... kasama ba manliligaw mo?" Seryosong tanong niya.

Si Josh....

"Huh?" Kunwari hindi ko narinig

"Wala"

Narinig ko pero ayoko masira plano ko. Gusto ko na sila mag bati. Ang hirap kaya makita si Josh na paminsan pinag mamasdan nya best friend niya na nag tatawanan sa classroom. Same goes with Thomas. Hindi sila gay okay HAHAHA. Solid friendship lang talaga. Dahil lang sa babae nag ka ganyan silang dalawa and i dont like that. Ang gusto ko lang mapag bati sila.

*

"Thomas, bili lang ako ng tubig sa tindahan." Sabi ko habang hinihingal

"Samahan na kita"

"Wag na kaya ko na haha"

"Sige balik ka ah"

"OA babalik ako"

|Me|
Bab! Otw ka na ba?

|Joshy|
Yes, bab! Malapit na ko sa clubhouse.

|Me|
Okay bab ingat!

Werid ng endearment namin noh? Bab short for baboy? hahahaha hindi noh. Para unique keme kaya ganun.

Josh's POV

Papunta ako ngayon sa clubhouse kung saan tapos na mag jogging si Mads...

"Bat ka nandito?" Sabi ko sa pamilyar na lalaki

"Bakit ka nandito?" Sabi ni Thomas.

"So paulit ulit lang tayo?"

"Kasama ko si Mads mag jogging"

"Ahh ikaw pala yung kasama niyang kaibigan."

Hindi na ko galit sa lalaki na toh pero malaman ko na sya pala ang kasama ni Mads mag joggging medyo naiinis ulit ako sakanya.

"Si Mads ang nagyaya dude. Kaya wag kang magalit sakin."

Nakikita ko si Mads tumatakbo.

"Saan ka galing?"

"Bumili lang ako ng tubig... So nag kita na kayo...."

"Anong pinaplano mo Mads? Inis kong tanong sakanya.."

"Sorry Josh at Thomas... Plano ko lang kasi ipagbati kayo.."

Yinakap ko si Mads at unting unti na ding lumapit samin si Thomas dahil narinig nyang naiyak si Mads. Kaming tatlo parang nag group hug.. Maeffort ang babae ko... Ang swerte ko sakanya...

"I love you." Bulong ko sakanya before ako kumalas ng yakap.

First love (Ang tunay kong inibig) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon