CHAPTER 47

551 12 1
                                    

"Grabe di ko inakala na si pala at si Mads"

"Oo nga! Tas ang cute parang mag asawa na peg nila."

Yan ang usap usapan ngayon sa class. Never naman namin tinago ni Josh relationship namin, pero at the same time hindi rin lantad. Kahit naman sa bahay nila di naman kami ganun kasweet sa practice pero for them sweet na yun. Dahil daw sa relationship namin ng mommy ni Josh.

It's been 2 weeks at December na. Medj lately hindi kami masyadong nag uusap ni Josh, not like before. More on once a day lang na kamustahan. Syempre medj busy kasi exam week na before Christmas break. Pero pag nasa school naman kami lagi pa rin naman kami mag kasama.

Kasama ko ngayon si Josh even his friends kasama ngayong lunch. Pinaplano namin ang Christmas party namin mag totropa kasi di naman kami sasali sa Christmas party ng class. Next week na din ang Christmas and bukas na start ng break namin.

"Josh, sa bahay niyo ah! Para malapit." Sabi ni Thomas

"Oo nga! Para malapit satin"

"Si Cher and Rafael lang ang malayo ang uuwian"

"Overnight na eto"

"Oo nga maganda yun!! Overnight na lang"

"Ano regalo mo sakin?" Bulong sakin ni Josh

Nakita ko si Kent nakatingin samin lalo na sa gesture ni Josh nabulong saakin. Eto pa nasa kabilang table pa sya. Yung tingin niyang parang selos na hindi ko maintindihan. Anong problema nun?

"basta" actually hindi ko pa alam hays bahala na. "Ikaw ano regalo mo sakin?"

"basta din. di mo pa alam regalo mo sakin noh?"

"Uy meron na noh! Hindi ko pa kasi nabibili hahaha" nice save mads hahha "Ikaw?"

"Same hindi ko pa nabibili kasi sa Japan ko pa bibilin"

"Wow ahh layo pa ng bibilhan mo sakin. Wait, kailan ka aalis?"

"After Christmas"

"Hanggang kailan ka duon?"

"Sabi ni lola before pasukan"

"So, hindi pala tayo mag kasama sa new year?" malungkot kong saad

"Oo! Pero sa Christmas magkasama tayo."

"Okay na ko duon!"

Christmas party:

Masaya ang Christmas party namin. Puro kantahan meron ding inuman, pero sila sila lang yun. Nalasing halos lahat na andito  at kami lang ni Josh at Thomas ang sober dito. Syempre si Josh may ari ng bahay. He needs to watch out his guests tapos si Thomas naman bawal at ako hindi ko talaga hilig ang uminom. 

Si Thomas na pasimuno sa overnight ay hindi pinayagan mag overnight kasi malapit lang naman daw bahay niya kila Josh kaya need nyang umuwi before 12 kung hindi patay siya sa pamilya niya. Cute nga eh, sobrang overprotective sila sakanya kasi iisang anak.

Palakad na kami ni Josh paloob ng bahay ng bigla niya kong hilahin at hinalikan. Ang kanyang kanang kamay ay nasa pisngi ko tapos ang kabilang kamay niya ay nasa bewang ko. Ilang minuto din nag tagal ang halikan namin.

"Asan regalo ko?" Habang hinihingal pa ko 

"Eto muna sub gift ko sayo. Diba nga nasa Japan pa? Pagbalik ko makukuha mo na. Eh yung regalo mo saakin?"

"Nandun nakapatong sa computer mo and gusto ko duon lang yun ha? Para pag namiss mo ko titigan mo lang yun"

Kiniss ako ni Josh sa forehead before ako ihatid sa kwarto kung saan nandun si Cher.

"Good night! At salamat sa regalo kahit hindi ko pa nakikita. Alam kong magugustuhan ko yun."

Regalo ko kasi yung teddy bear na kagaya sakin na paburito ko. Naging paburito rin nya iyon. Everytime na sa bahay sya lagi niya iyon hinuhug kahit andun na ko. Sabi niya kasi it reminds him of me. Pinacustomize ko pa yung tag ng endearment namin na bubba.

Dapat ibibigay ko yun sa Christmas pero mapilit siya kaya ayan binigay ko na agad.

First love (Ang tunay kong inibig) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon