Chapter 2-Sibling Fight

29 3 0
                                    

Alexandra's POV

Nagising ako sa lakas ng katok sa pinto

"Sino ba yan?"

"Ate! sasabay ako sayo ngayon kase ginamit nila mommy yung kotse ko!" Sigaw nya

"Talaga? Cge wait lang ligo lang ako"

Pagkatapos ko maligo lumabas na ako at kumain. Pagkatapos namin kumain lumabas na kami at pumunta na nang school

"Ate ako unang lalabas ah ayaw kong ma-bully" sabi nya at tumango ako

Pagdating namin sa school kase malapit lang parang 30 minutes ride lang.

"Ate una na ako" at bumaba na sya nang kotse

Makalipas nang apat na minuto bumaba na rin ako

"Hey nerd!" Sabi nang isang lalake at hindi ko nalang pinansin

"Ugly! Nerd!"

"Hey Campus Nerd!" Sabi ni.... Ivan? Wow! Sarili kong kapatid

Umalis na lang ako at pumunta na nang room. Pagkaupo ko may lumapit na dalawang babae saakin, baka mambubully.

"Hi I'm Sunny. Sunny Lopez" pakilala neto, Wow ha first tume na walang bully

"Hi! Vicky Mercado nga pala" at nakipagshakehands

"I'm Alexandra Annika Chanford, nice to meet you"

"So feeling ko maraming nambubully sayo dito"

"Paano mo nalaman?"

"May MGA papel sa likod mo"

Kinuha ko ang mga papel sa likod at binasa ang mga nakasulat.

'Pangit ako'

'I'm The Campus Nerd'

'Kick Me'

'Laugh at me'

Dahil sa mga nabasa kong yun nag tubig ang mga mata ko

"Okay ka lang?" Tanong ni Vicky

"O-oo" at medyo suminghot ako

"Umiiyak ka ba?" Tanong naman ni Sunny

"Hindi" at tumingala ako na tumutulo ang mga luha ko

"Umiiyak ka eh, tara muna sa C.R" at tumayo na ako nang biglang tumawa ang mga ka-blockmate ko

"May tagos! Hahahaha!" Sabi nang isa kong kaklase

"PAINT YAN!" sigaw ni Sunny

"Tara na sa C.R" sabi ni Vicky at tuluyan na kaming lumabas

---------

"Class Dissmised" sabi nang teacher namin at nagsitayuan na ang lahat nang mga classmates ko pero ako? Eto nakadukdok ang mukha sa lamesa

"Alex, di ka pa uuwi?"

"Huh?" Tanong ko kay.. Josh? Wait? The bad boy's bestfriend.

"Uhh, uhmm, hindi pa"

"Bakit?"

"Wala lang ayaw ko lang kase makipagsiksikan sa pinto"

"Okay, sige alis na ko Babye!" At umalis na sya.. weird!..

-------

Nasa may Corridor ako para hintayin ang kapatid ko pero parang may kasama sya, si Audrey

"Babe, look the Campus Nerd" wait? 'Babe'?!

"Yeah! Babe she is so Ugly!" Tingin saakin nang kapatid ko at umalis silang dalawa ni Audrey

Umalis nalang ako dun at pumunta na sa kotse ko. Pumasok na ako at nag-drive na hindi ko na hinintay ang magaling kong kapatid. Parang may kasama na din sya.

Pagkadating ko sa bahay pumunta na ako sa kwarto ko at hindi na kumain nang dinner, hindi naman ako gutom.

Humiga ako at nagopen nang phone. Samdamak-mak na text galing kay Ivan Paulit-ulit

'Ate sunduin mo na ako'

'Ateeee! Galit ka ba?'

'Ate please sunduin mo ako dito'

'Ate sorry na'

Wow! Ha! Matapos akong sabihan nang ganung mga salita magpapasundo

To Kapatid:

Mag-commute ka di kana bata!

Sent!

Mayamaya nagtext ulit sya

From Kapatid:

Wala akong pera! Sunduin mo na ako

To Kapatid:

Maglakad ka diba kaya mo na sarili mo? Diba 15 kana!?

From Kapatid:

Cge!

-------

Makalipas ang isang oras may kumatok sa kwarto ko

"Ate!" Sigaw ni Ivan "Ate pagbuksan mo ako nang pinto Please!"

"Matulog kana 9 na!" Sigaw ko

"Ate!!" Dahil sa sigaw nyang yun bunuksan ko na yung pinto

"Ano kailangan mo!?"

"Ate sorry sa nasa--" di ko na sya pinatapos at sinara nalang ang pinto

"Ate" sabi nya

"Tulog na maaga ka pa bukas" sabi ko

-------

Umaga na naman parang ayaw ko ata pumasok, pero madami din akong ma-mimimiss na lessons. Hay!

"Good Morning ate!" Wait? Paano!ugh! Hindi ko na-lock pinto

"Kailangan mo?"

"Tara na!"

"Anong tara na? Gamitin mo kotse mo ah bakit ka pa sasabay saakin?" Sabi ko nang sarkastiko "ano? Gumora kana ah baka malate ka pa at hinahanap kana ni Audrey 'Babe' mo!" Sabi ko pero wala parin akong naririnig na sagot kaya humarap na ako sa kanya

"Ivan? U-umiiyak ka ba?" Hinawakan ko ang pisngi nya kase nakayuko sya at pagkahawak ko basa ito

"Ate alis na ko" sabi nya saakin "Hindi. Hindi. Ka aalis dito sabay tayo"

"Hindi na kaya ko na sarili ko! Hindi mo na kailangan pang sumabay atsaka may kotse ka din!" At umalis na sya palabas nang kwarto kong padabog.

Ala nagtampo na sya nagtampo na yung baby boy

--------------

The Bullied NerdWhere stories live. Discover now