Chapter 20- Like You

15 0 0
                                    

Alex's POV

Nandito kami ngayon sa park kumakain habang nakaupo sa blanket na dala nya

"Ang presko dito no?" Tanong nya

Tumango nalang ako at kumain ulit

Nagulantang nalang ako nang humiga sya bigla sa lap ko

"Inaantok ka ba?" Tanong ko at tumango sya

"Alex.. may gusto akong sabihin sayo..dati pa." Sabi nya at tumayo

"Ano ba yun?" Takang tanong ko sa kanya tsaka tumayo na din

Lumapit sya saakin at may binulong "May Bago Akong GIRLFRIEND"  bulong nya at bigla nalang ako napaupo

Akala ko aamin sya na may gusto sya saakin..pero hindi pala mali ang AKALA ko pero okay lang at least sasaya ulit sya, hindi pala totoo yung mga napapanood ko sa movies, nababasa sa mga novels, lahat yun di totoo

"O, okay ka lang ba?"

"Oo, na-out of balance lang.." sagot ko at ngumiti nang peke "Okay next time be careful" tumango ako "Sino Nga Pala yung bago mong girlfriend?"

"Uhhhmmm, paparating na sya mayamaya" sabi neto at tumingin sa relo nya

"Alam mo Alex halos parehas kayo, She's Beautiful Just Like You, Sexy sya, Matalino, Mabait pero meron sya na wala ka" sabi nya na para bang pagkatapos nya sabihin yun parang may mga punyal na tumutusok sa puso ko "A...ano yung w...wala ako na m..meron nya?" Tanong ko habang iniiwasan na umiyak

"Parehas kami nang mga gusto.."

"Bakit mo naman na sabi?" At tuluuyan na silang nagbaksakan kaya yumuko nalang ako

"Uyy, Alex umiiyak ka ba?" Tanong nya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri nya

"Hindi, napuwing lang--"naputol ang sinasabi ko "Uyy! Chezka!" Sigaw nya tsaka tumakbo papalapit sa  isang babae

"Alex! ALEX!" lumingon ako sa kanila "Eto si--" pinutol ko ang sinasabi nya "Chezka Chandford Antonio, oo kilala ko sya...pinsan ko sya eh.." sabi ko tsaka tumalikod sa kanila

"Ate Alex!" Sigaw ata ni Cheska

"Bakit? Chez?" Tanong ko at humarap sa kanya

"Aalis kana? Kakadating ko lang ahh"

"May pupuntahan pa ako mamaya.."

"Sige ate Take Care.." sabi nya tsaka ako hinalikan sa pisngi

------

Pagdating ko sa bahay walang tao kaya dumeretso ako sa kwarto ko at humiga nalang

"Ateeee!!" Sigaw sa labas nang kwarto ko

"Bakit Ivan?"

"Papasukin mo ko gusto ko matulog dyan kainit sa kwarto ko" sabi nya

Pinagbuksan ko sya nang pintuan at lumabas muna ako para kumuha nang pagkain

Nasa may kusina ako nang may nag-doorbell

Binuksan ko ito at napangiti nalang ako..

"Sunny!! Ahh I miss you!" Sabi ko at tumalon

"Hoy! Kakakita lang natin nung isang araw na miss mo agad ako.."

"Syempre naman! Kamusta na pala si Vicky? I heard next year lilipat na sya nang school how sad di na kumpleto grupo natin"

"Awww, si Vicky? Okay naman sya, kaya nga eh, mamimiss ko sya" sabi nya na medyo malungkot ang mukha "Oh by the way alam mo na ba na--" pinutol ko sya "May bagong girlfriend si Jake? Oo alam ko na, kilala ko na din.." sabi ko

"A-alam mo na?" Tanong nya

"Oo, sinabi nya pa nga saakin kanina sa park, tsaka pinsan ko yung new girlfriend nya.." sagot ko

"So, ano nang balak mo?"

"Anong balak?"

"Paano mo tinaggap?"

"Na ano?"

"Diba may gusto ka sa kanya?"

"WHAT! Heck no!" Pagtanggi ko

"Hmm, palusot pa halata na nga, namamaga pa yang mata mo"

"Okay, fine I liked your brother, pero hindi na ngayon.."

"Why?" Takang tanong nya

"Because--" naputol ang sinasabi ko nang may tumawag sa cellphine nya

"Excuse me, tumatawag si kapatid, ipapaready na siguro yung para sa date nila wait lang.."

Ipapaready ang date?

Alam mo Alex! Ang tanga tanga mo malamang sila kaya nga may date diba?!

Kaya nga ang tanga ko, di ko naisip yun..

"Alex!" I snapped out of my thoughts "Aalis na ako, nagrereklamo na sya" pagpapaalam nya "Sige, babye!"

-------------------------------

The Bullied NerdWhere stories live. Discover now