R H A E
"Halika na Mr.Piggy laro na tayo sa labas." Hinila ko ang aking stuff toy.
Dati kulay pink ito, pero ng dahil sa kalumaan ay kulay puti na ito.
Kahit luma na si Mr.Piggy ay gustong-gusto ko pa rin siya at hindi ako pumupunta sa kahit saang lugar pag hindi ko kasama si Mr.Piggy.
Siya na lang kasi ang alaala ko kina mama at papa.
Simula maliit pa lang ako, nakahiligan ko na ang mga matataba. Ewan ko ba ang cute nila tingnan.
Sa mga stuff toys, mga ibang bata na chubby. Tingin ko kasi ang saya-saya nila. Mabilis lang silang sumaya sa pagkain.
Pero hindi pala lahat ganun.
. . . . .
"Waaa! Lampa na nga baboy pa!"
"Umuuntol pa ang tiyan niya! Kadiri!"
"Jumbo! Jumbo! Jumbo!"
"Hala! Magsitakbuhan na tayo, naglalakad na si taba lumilindol na!"
Naalimpungatan ako sa maiingay na tawa.
Natutulog kasi ako sa sanga malapit sa labas ng bago naming tinitirhan ng auntie ko.
Napatingin ako sa baba.
May isang batang may kalakihan ang nakaluhod at nakayuko sa ilalim ng puno ko. Tila umiiyak eto habang may mga ibang batang tumutukso dito.
Napahinga ako ng malalalim. Kahit kailan talaga ang daming mga bullies.
"Hoy taba! Natabunan na ba ng taba ang lalamunan mo bakit hindi ka makapagsalita?"
"Hoy pansot! Wala ka pa sigurong tuli kaya ang pandak mo!" Sigaw ko sa lalakeng mukhang unano habang tumalon ako pababa sa puno. Ang smooth ng landing ko. Nagulat sila.
"A-anong sinabi mo?!" Galit na sabi ng lalakeng pandak na nambu-bully at mukhang leader pa ng tatlo.
"Ang sabi ko pandak ka. Kaya ka nambu-bully kasi insecure ka sa sarili mo. Mahiya ka nga babae ako pero mas matangkad ako sa'yo."
"Aba! Sino ka ba?! Ang lakas ng loob mo ah!"
Walang anu-ano man ay sinipa at tinadjakan ko siya sa maselan niyang bahagi at napasigaw siya sa sakit at gulat.
"ISUSUMBONG KITA SA NANAY KOOOOOOO!!!"
"O ANO?! GUSTO NIYO DIN MATULAD SA KANIYA? ALIS NA!" Banta ko sa mga kasama niya.
At nagsitakbuhan sila.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa bata.
Unti-unti niyang inangat ang ulo niya at natigilan ako.
Ang cuuute niya!
Singkit tapos mapula pula pa ng kaunti ang pisngi niya panigurado parang may lahi na intsik siguro. Oo nga chubby pero cute.
Umiiyak nga lang.
"S-salamat ah."
"Hindi ka dapat nagpapaapi sa mga 'yon!" Sabi ko sabay abot sa kaniya ng panyo sa bulsa ko.
"Tama naman sila eh. Mataba ako."
"Tapos?Anong problema don?"
"Hindi ka nandidiri?"
"Hindi! Ang cute mo nga!"
At parang nahiya ang bata.
"Ako nga pala si Rhae. Rhaenyra talaga pangalan ko kaso, baduy! Kaya Rhae na lang." Sabay abot ko sa kamay ko para hindi siya mahiya.
"Ca-calcifer. Cal na lang"
At nag shake hands kami at nagtawanan.
"Ngayon lang kita nakita dito ah." Panimula niya.
"Ah, bago lang kami lipat yang bahay na bakante" Sabay turo ko sa kaniya. "Mga isang linggo na rin."
"Ah! May bata palang nakatira sa gilid namin." Tapos tinuro niya 'yong bahay na katabi nong samin.
Noong summer na 'yon, nakakilala ako ng isang matabang hindi masaya gaya ng Mr.Piggy ko.
At hindi ko lubos akalain na don ko rin makikilala ang isang taong magiging importante sa buhay ko.
. . . . . . . . . . .
A/N : Hi you all. Sana magustuhan niyo tong bagong storya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With The Fat Guy
ChickLitParati akong na-a-attract sa mga matatabang bagay. Ang cute kasi, tapos parang parati silang masaya at huggable kapag may problema ka. Pero isang summer, may nakilala akong isang mataba na hindi kasing saya ng mga stuff toy ko na matataba. Pero hind...