R H A E

Ang aga-aga ang ingay ng mga asungot sa classroom. Naglalakad ako sa hallway at masakit ang ulo.

Sinisipon ako at halatang papuntang lagnat. Pano ba naman kasi naulanan ako matapos kahapon.

"A-ach!-

"Bless you!"

Napahangad ako at nakita si Calcifer na nakangiti.

"C-cal morning" Matamlay kong bati.

"Ayos ka lang? Mukhang may sakit ka ah." Naramdaman kong awtomatikong napadpad ang palad niya sa noo ko na kaagad naman nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Para sa kaniya malamang galawang kaibigan pero para sa'kin...

"May sinat ka ah! Wag ka na lang kaya pumasok?"

"Huh? Ako? A-absent? Nakalimutan mo na ba sinong katawang kalabaw sa'tin? A-ach-oo!" Napatakip ako ng bibig. So much for trying to look okay.

Nakita ko naman na mas lalong nagalala ang mukha ni Calcifer.

"Ano ba! Okay na nga ako! Tara na sa classroom! Ang ingay dito sa labas bakit ba ang daming babaeng humahagikgik?"

"Ah, kanina kasi merong nag promposal sa quadrangle. Naungkat na tuloy 'yong hype tungkol sa prom."

Natigilan ako. Ano na nga ba buwan ngayon? Teka...

Napahawak ako sa balikat ni Cal.

"Shit nakalimutan ko! February na nga pala ngayon!"

Natawa siya. "Alam mo lahat ng juniors excited sa prom tapos ikaw nakalimutan mo?" Tawa siya ng tawa.

"Eh bakit? Ikaw may partner kana ba sa prom?!" Paghahamon ko.

Please sabihin mong wala pa please sabihin mong wala pa.

Actually iniiwasan ko talaga ang topic ng prom kasi ayaw kong pagusapan. Sa totoo lang hindi ko naman talaga gustong pumunta sa prom eh. Pwede naman na hindi. Tutal optional sa school namin ang pumunta.

"Uhm... ano... kasi..." parang umiwas siya ng tingin. Pinangsingkitan ko siya ng mata.

"Anong-ano? Calcifer Lawrence Freid sa ilang taon natin magkaibigan ngayon ka pa ba maglilihim sa'kin?!" Inis na sambit ko sa kaniya.

Tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha niya halatang namumula. 'Di ba nga sabi ko may lahing intsik ata si Cal? Halatang halata pag namumula.

"K-kasi... p-pupunta ata ako this year s-sa prom."

Napabuntong hininga ako. Parang alam ko na ang mga susunod na sasabihin niya nilunok ko 'yong masamang pakiramdam sa lalamunan ko. At hindi dahil sa may sakit ako.

"So... may date kana?" Deretsong tanong ko.

"O...oo..."

"Sino?"

"S...si Minna.... Pumayag siya k-kahapon n-nong inaya ko."

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko napigilan. Baka kasi pag makita niya 'yong mukha ko magtaka siya sa makita niya.

I've been controlling myself around this guy. Honestly, medyo nahihirapan ako magka-poker face.

Last year kasi, nong na witness namin na sobrang nagkakagulo talaga pagdating sa prom year dahil ang daming nagpro-promposal nagkasundo kami ni Cal.

"Hindi tayo a-attend diyan sa prom na'yan. Para lang 'yan sa mga gusto magka jowa!" Ewan bitter na sambit ko.

"Oo nga. Para lang naman 'yan sa mga may itsura eh. 'Yong mga kagaya ko na matataba panigurado walang gusto makipag-partner sa'kin." Sambit ni Cal.

"Ako! Papayag ako!" Wala sa sariling sagot ko.

"A-ano? P-papayag ka maging partner ang kagaya ko?"

"Bakit naman hindi? I'm your bestfriend 'di ba? Kung dadating ang panahon sa prom na 'yan na wala kang ka pares sasamahan kita."

"The best ka talaga Rhae!"

Kaya naman I expected.....

Huminga ako ng malalalim tapos sinapak ang sarili ko pisngi na kinagulat ni Cal.

Get your shit together Rhae. Dapat nga maging masaya ka para sa kaniya.

Knowing Cal, sa sobrang mahiyain niya, at sobrang baba ng self confidence niya, it might've took a lot of bravery to even invite Minna out.

Suportahan mo Rhae!

Suportahan mo kahit masakit...

"Cal! Congrats! Hindi ka naman pala mangangailangan ng proxy eh! Sabi ko na magkakadate ka sa prom! Hahaahha!" Sabay hampas ko sa balikat niya.

"O-oo nga eh, a-akala ko nga talaga ire-reject ako ni M-minna-p-pero ikaw Rhae!"

"Hmm? Anong ako?"

"Hanapan kita ng makaka-date sa prom! Gusto ko sumali ka din! Once in your life lang ang prom! Dapat ma experience mo!"

Inalog ko ang ulo niya at ginulo.

"Aray! Wag naman ang buhok! Rhae!"

"Haha... sira... am i too pitiful na kailangan mo na ako hanapan ng ka-date ngayon?" Mahinang bulong ko.

Stupid Calcifer...

.....

C A L C I F E R

Nagaalala ako para sa bestfriend ko. Bukod sa may sakit siya parang matamlay siya ngayon after naming pumasok sa room.

Dati kasi sumasagot pa siya sa mga jokes ko kahit may klase. Ngayon panay tingin niya sa bintana malalim ang iniisip. (Malapit kasi sa may bintana ang upuan naming dalawa.)

At ewan parang iba... Hindi ako sanay na hindi niya ako kinakausap.

Pagring ng bell mabilis din siyang tumayo at naglakad palabas ng classroom.

Nagulat ako kasi hindi niya ugali 'yon. Madalas kasi pagkatapos ng klase nagaaya 'yon umuwi ng sabay pero siguro na sanay siya dahil lately sunod-sunod ang mga meeting ko kasama ang student government. Busy kami sa pagfi-finalize ng prom details.

Kami kasi ang in charge sa events ng school.

Hinayaan ko lang si Rhae. Pero sinundan ko siya palakad palabas ng classroom. Akala ko dederetso siya maglakad palabas ng grounds at papunta ng gate pauwi pero kumanan siya papunta sa corridor na lalabas sa back building ng school.

Anong gagawin ni Rhae doon?

Hindi ko napigilan at sumunod ako ng may distansiya sa pagitan namin para hindi niya mapansin na minamasdan ko kung saan siya papunta.

Mga ilang minuto rin naglakad si Rhae at bigla siyang tumigil sa isang puno ng Acacia. Halos walang tao sa likod ng school at tahimik ang lahat.

Anong ginagawa ni Rhae dito?

Maya-maya pa ay napansin kong may taong marahang lumabas sa likod ng puno na kinatatayuan ni Rhae.

At nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

Narinig ko rin na napabulalas si Rhae na halatang nagulat.

.......

I'm In Love With The Fat GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon